Gangster

18.8K 406 28
                                    

SWAN

Para na naman akong stalker sa IG account ni Pear, ever since makilala ko ang karibal ko este ang manliligaw nya na si Tei lagi ko tinitingnan yung IG nya kung may pina-follow syang iba and kagaya ng dati lumulundag yung puso ko na still ako lang ang nasa following nya.

"Lagi ka na lang wala buti naabutan kita" nagulat ako ng bumukas yung door ng room ko at iniluwa nun si Bff.

"Bakit ka pumapasok basta? what if hubad pala ako ha?" asar na sabi ko sa kanya grabe naman wala man lang kasi kakatok-katok.

Nahiga sya sa bed ko "bakit nagkakitaan naman na tayo ng lahat sa atin ah!" pabirong sabi nya.

"Excuse me Xendong!!! ikaw lang ang nakitaan ko pero ako hindi mo nakita" agad na tumayo ako sa bed at naupo sa couch ewan ko ba but lately nagiging reserved na ako para sa sarili ko.

Gumulong sya at humarap sa akin "panu madaya ka nung bata pa tayo pag maliligo sa ulan hinuhubuan mo ako samantalang ikaw nakapanty pa".

Naiirita ako sa sinasabi nya samantalang dati hindi naman "bff naman bata tayo nun dalaga na ako ngayon kaya please kumatok ka next time".

Lumapit sya sa akin at inalog-alog ako "ikaw ba talaga yan ha Swan?since when ka pa naging conscious na dalaga ka na?".

Tinulak ko sya "huwag ka nga Xendong!!! matagal na akong dalaga tinatago kong lang kasi baka maraming manligaw sa akin nagka-boyfriend nga ako di ba???...teka anung ginagawa mo dito?".

"Pektusan kita jan eh si Aidan???ehe ni hindi nga kayo tumagal nun panu gusto mo lahat ng ginagawa mo sa fb i-like nung tao....yung status nyo dapat naka tag sa isa'------".

"Oo na hindi na ako dalaga!!!! anung ba kasi ginagawa mo dito????" putol ko sa nakakabinging boses nya.

Umupo sya sa tabi ko halos nagdikit ang mga tuhod namin dalawa nasimple kong iniiwas yung akin na para bang mali yun ganun samantalang dati halos yumakap pa ako kay Xen pag mag-katabi kami.

"Manuod tayo ng movie sige na yung Horton".

"WWWWHHHUUUAAAATTT HORNY???" lumayas ako sa tabi nya at tumayo ako anung pinagsasabi nya!!!.

"Anung horny?" nagtatakang nakatingin sya sa akin.

"Sabi mo manuod tayo ng horny!!!".

Tumayo sya para itulak ang noo ko "sa kaka-IG mo bingi ka na!!! sabi ko HORTON yung movie about sa elephant na may malaking tenga".

"Eh deh si Dumbo yun" nakanguso kong sabi.

"Iba si dumbo at iba si Horton!!!anu sasama ka ba?" taas kilay na sabi nya "free food of your choice".

Nag-isip pa ako kunwari "ok sige shoot!!! gimme an hour maliligo lang ako at magbibihis".

Sumimangot sya "two hours na para sure,sige see you later punta ka na lang sa bahay ha".

Lumabas na sya ng door naiiling akong isipin na parang ang malisyosa ko naman masyado, eh kanino ko naman nire-reserve ang sarili ko? I mean dati pa naman kami sobrang close ni Xen pero ngayon may ilang na akong nararamdaman...na parang may magagalit if ever na mag-kadikit kami...siguro nga nagmature ako ng 25% natatawang isip ko.

Nagmadali na ako maligo habang naliligo ako di ko maiwasang kantahin na naman yung bilanggo, actually, kay kuya Enrico ko yun narinig, one time na naggi-guitar sya sa lawn namin then si Pear agad yung unang pumasok sa isip ko, yeah I feel like a prisoner na walang ginawa kundi mag-hintay sa pag-balik nya every time umaalis sya... na parang gusto ko isama nya ako saan man sya magpunta but I know she can't at hindi rin naman pwede na sa kanya lang umikot ang mundo ko...

My Hottie Blast From The Past (completed)Where stories live. Discover now