CHAPTER 1

3.2K 60 4
                                    


PROLOGUE

TWO DOWN, twelve to go. Sino ang may sabing kumupas na ang talino ko? Dahil sa akin, masaya na ngayon sina Ravin at Simoun sa kanya-kanyang fiancée nila.

Soon there would be more sweet babies bouncing on this old man's knees. My great grandchildren na walang duda na kasinggaganda at kasingguguwapo rin ng aking mga apo. Just think of the possibilities! More descendants to play match maker to and—

But that's another story. For now I have to focus on my stubborn grandchildren.

Bago ko buuin ang mga plano ko para sa aking mga apo sa tuhod, dapat ko munang tapusin ang kasalukuyang henerasyon ng aking mga apo. At susunod sa listahan ay ang aking apong si Bastian. Ang pobreng bata ay nakilala lamang namin ni Salome noong labinsiyam na taong gulang na siya; walong taon na ang nakararaan.

Kung buhay pa ang bunso kong anak na si Japhet nang makilala namin si Bastian, malamang na nabambo ko ng aking baston ang anak kong iyon. Ni hindi ko alam na may anak pala siya sa labas. Imbes na panagutan ang kanyang dating nobyang si Maricris ay pinili niyang itago sa amin ang kalagayan ng pobreng babae. Marahil ay inisip niyang hindi ko siya papayagang maikasal noon kay Josie kung nalaman kong nagdadalang-tao ang kanyang dating nobya.

Aaminin ko, malamang ay ganoon nga ang ginawa ko. Sapagkat walang Aseron na bastardo.

Pero huli na ang lahat para magsisi. Ipinagpapasalamat ko na lamang na kahit paano, kahit na matagal na panahon ang lumipas ay ipinagtapat din ng kapatid ni Maricris kay Bastian ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.

Gusto kong isiping kawawa si Bastian sa naging kabataan niya. Habang ang mga pinsan at kapatid niya sa ama ay maalwan ang buhay habang lumalaki, siya ay nakaranas ng hirap sa kabataan niya. Pero iinsultuhin ko ang Tiya Carla niya kung gagawin ko iyon. Nakita ko kung gaano kahusay ang pagpapalaki ni Carla at ng yumao nitong asawang si Marciano sa aking apo.

Gayumpaman, nais kong makita si Bastian na nakamit ang lahat ng mga mithiin at ninanais niya sa buhay. Gusto kong bumawi sa napakahabang panahong wala kami sa kanyang tabi at ibinibigay sa kanya ang mga pribilehiyo ng isang Aseron.

Kaya naman kahit may isang bahagi ko ang tutol sa dapat kong gawin upang mabigyang-katuparan ang ninanais niya, gagawin ko pa rin iyon. Natitiyak kong magpahanggang ngayon ay iisang babae pa rin ang kanyang itinatangi; sa kabila ng katotohanang hindi karapat-dapat ang babaeng iyon sa damdaming iyon. Ang isang Aseron ay isang beses lamang magmahal nang tunay. Kaya natitiyak kong sinuman ang ilakad ko sa kanya ay bale-wala. Ang babaeng iyon pa rin sa nakaraan niya ang gugustuhin niya.

Well, what's an old man left to do?

ASERON WEDDINGS-ALL I HAVE TO GIVEWhere stories live. Discover now