CHAPTER 15

1K 29 3
                                    


"GOOD evening, Tita Zita! Good evening, ladies and gentlemen! Are you both busy planning how to steal from the good people of the Philippines?" malakas na bati ni Aishell sa madrasta at sa sampung kapartido na kausap nito sa loob ng opisina nito sa mansiyon. Sinundan pa niya iyon ng hagikgik at pasuray na paglakad palapit sa mahabang mesa ang sinabi.

She knew that most of her stepmother's colleagues thought she was drunk. At batid niyang ikinangi-ngitngit nito iyon nang mga sandaling iyon.

"Excuse me. I need to talk to my stepdaughter," mabilis na paalam nito sa mga kausap bago siya mahigpit na hinawakan sa braso at iginiya palabas ng silid.

"'Bye, people!" aniyang kumaway pa sa mga ito bago tuluyang sumara ang pinto at harapin siya ng madrasta.

"Nag-away kayo ng nobyo mo kaya naglasing ka, Aishell? Akala ko ba, nagbago ka na? Ano na namang kalokohan ito? At ipinahiya mo pa ako sa harap ng mga kapartido ko!" gigil na angil na sabi nito.

"Nagpapatawa ka ba, Tita?" Tumawa siya nang pagak. "Alam kong alam ninyong hiniwalayan ko na siya! 'Di ba't iyon naman ang gusto ninyo? Ipinabugbog ninyo si Bastian para ipaalam sa akin kung gaano kayo kamakapangyarihan! Hindi ako tanga! Alam kong kung hindi ko kayo sinunod, higit pa roon ang gagawin ninyo kay Bastian!"

Sinaktan niya si Bastian, pinaniwalang kasinungalingan lang ang lahat ng nangyari sa kanila. At kanina sa klase nila, ni hindi siya nito matingnan. Animo invisible siya sa paningin nito. Hindi niya akalaing ganoon katindi ang sakit na idudulot niyon sa puso niyang nasanay nang makatanggap ng ngiti mula rito araw-araw.

"Nababaliw ka ba? Hindi ko ipinabugbog ang nobyo mo. Bakit ko gagawin iyon?" anito na tila talagang totoong nagulat. Nakakunot-noong nilingon nito ang nakapinid na pinto ng opisina nito. Nag-aalala marahil ito na marinig ng mga nasa loob ang akusasyon niya rito. Iginiya siya nito palayo sa pinto.

"Sinungaling! Nakilala ni Bastian sina Milton. Sila ang bumugbog sa kanya na halos ikabali na ng braso niya. Nagbanta pa silang higit pa roon ang mangyayari sa kanya kung hindi niya ako hihiwalayan! He thought they were just empty threats, that you wouldn't really do it but I know better! Alam kong hindi ka mangingiming ipapatay siya kung gugustuhin mo tulad ng ginawa mo kay Mama!" Lalo pa niyang nilakasan ang kanyang boses upang marinig iyon ng lahat ng maaaring makarinig sa kanya sa loob ng mansiyon.

Tinakasan ng kulay ang mukha nito. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit walang namutawing anumang kataga mula roon. Bahagya rin itong nabuway sa pagkakatayo.

"You hated my mother so much that you killed her! Ikaw ang nasa likod ng pagkakasira ng brake sa kotse niya! Kaya hindi ko na uli siya nakita! You did it so you can marry my dad! Narinig kong iyon ang pinag-uusapan ng mga maid noon! Ipinapatay ninyo siya at natitiyak kong ganoon din ang gagawin ninyo kay Bastian masiguro lang na mailalayo ninyo ako sa kanya!"

Nanatiling walang imik ito. Titig na titig ito sa kanya. Tunog ng gulong ng wheelchair ng lola niya ang pumukaw sa animo estatwang pagkakatayo nito. Marahas na nilingon nito ang lola niya. Sa unang pagkakataon, nakita niyang dumaan ang desperasyon sa anyo nito. Buong buhay niya, ang tingin niya rito ay isa itong batong walang kahinaan at walang emosyon. Ngayon lang niya ito nakitang ganoon. Nanginginig ang kamay na itinuro nito ang direksiyon niya. "She thinks I killed Violeta, Mama! She thinks I killed her mother! Who told her that? Who told her that?"

Nanlaki ang mga mata ng lola niya sa gulat. Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa madrasta niya. "Tell her, Zita. Just tell her the truth!" mariing wika ng lola niya rito.

Ngunit umiling ang madrasta niya bago malalaki ang mga hakbang na umalis, hindi pabalik sa opisina nito kundi palabas ng mansiyon.

Bumaling sa kanya ang lola niya. Iminuwestra nito na sumunod siya rito patungo sa silid nito. Nang makapasok sila roon, inutusan nito ang nurse nito na iwan sila.

ASERON WEDDINGS-ALL I HAVE TO GIVEWhere stories live. Discover now