CHAPTER 11

664 28 0
                                    


Natutukso siyang selyuhan ng halik ang kasunduan nila, lalo na nang tumuon ang mga mata niya sa mapupulang labi nito. At bago pa niya mapagdudahan ang nais gawin, niyuko na niya ang nag-aanyaya nitong mga labi at mabining diniinan ng halik iyon.

Nang manlaki ang mga mata nito sa gulat, ang akala niya ay magagalit ito at sasampalin siya kaya inihanda na niya ang pisngi niya. Ngunit hindi nangyari iyon. Sa halip, tinitigan siya nito na para bang iyon ang unang halik nito gayong ayon sa tsismis ay marami na itong naging nobyo sa dating eskuwelahang pinanggalingan nito.

"Aishell..." anas niya, hindi malaman kung paano ilalabas ang labis na katuwaan sa natuklasan.

Hindi siya nagkamali sa hinala niya. Siya nga ang unang halik nito. Malinaw iyong nakasaad sa namumulang mga pisngi at nanlalaking mga mata nito.

"T-tara na, uwi na tayo. Baka naghihintay na kanina pa si Lolo Bart sa akin. Ikaw rin, kailangan mo nang umuwi. Hinihintay ka na sa inyo," halos hindi humihingang wika nito. Luminga-linga sa paligid, hinahanap nito ang bag nito gayong nakasukbit na iyon sa balikat nito. Tila bigla itong nataranta at nawala sa huwisyo. Sa unang pagkakataon, nasaksihan niya kung paano ito mawalan ng poise. At ang eksenang iyon ay habang-buhay niyang maaalala.


"HMM... so this is love. La-la-la-la." Nagha-hum si Aishell ng kanta ni Snow White habang sinisipat niya ang repleksiyon niya sa salamin. May isang oras pa bago siya sunduin ni Bastian pero nakabihis na siya at naka-makeup. Excited na kasi siya. Iyon ang unang beses na dadalo siya sa grand ball ng eskuwelahan nila.

Noong isang taon ay hindi niya pinansin ang grand ball; nila ng tatlo pa niyang kaibigan. Nako-corny-han sila roon bukod sa wala silang dahilan para dumalo. Bagaman marami ang nagtangkang mag-alok na maging escort nila, wala silang mapili sa mga iyon. Kaya nagkasundo silang magkakaibigan na ganoon din ang gagawin ngayong taon.

Pero ngayong may Bastian na siya, walang makakapigil sa kanyang dumalo. Noong una ay nagtampo ang mga kaibigan niya sa kanya. Nagseselos na rin kasi ang mga ito na imbes na sa mesa ng mga ito siya umupo ay sa mesa ni Bastian siya pumupuwesto tuwing breaktime. Ayaw naman kasing payagan ng mga kaibigan niya na ang binata ang sumalo sa mesa nila. Kaya siya na lang ang bumubukod ng mesa kasama si Bastian.

Being with Bastian was unplanned. Basta na lang niyang natagpuan ang sariling hinahanap-hanap ang presensiya nito. Nangungulila siyang marinig ang boses nito at nananabik na masilayan ito kahit mula sa malayo.

Hindi niya malilimutan ang araw na pormal niyang sinagot ito. Naglalakad sila noon sa bayan at naghahanap ng mga sangkap na ipinabibili dito para sa pancit Malabon na lulutuin ng tiyahin nito. Nakilala na niya ang tiyahin nito nang sabay-sabay silang magsimba noong nakaraang linggo. Mabait at magiliw sa kanya si Tiya Carla. Niyaya pa siya nito sa bahay ng mga ito para daw tikman ang espesyal na pancit Malabon nito. Masarap ngang magluto ang matandang babae. Dahil doon ay naengganyo siyang magpaturo dito na magluto.

"Ano pa ba ang kulang? Ah, chicharon na lang," ani Bastian na sinulyapan ang listahang hawak niya. Nang araw na iyon siya magpapaturo kay Tiya Carla kung paano magluto ng pancit Malabon.

ASERON WEDDINGS-ALL I HAVE TO GIVEWhere stories live. Discover now