CHAPTER 9

666 30 0
                                    


Subalit ngayon, habang hinihintay niya ang sagot nito sa pahayag niya, daig pa niya ang iginigiya patungo sa garrote; nangangambang ang isasagot nito ay katumbas iyon ng katapusan ng buhay niya. May posibilidad na ipahiya siya nito sa harap ng lahat dahil sa kapangahasan niyang gamitin ang sinabi nito para sa sariling agenda niya.

"Hmm... kunsabagay. Thanks," anito at saka ngumiti nang matamis. Sinamyo nito ang mga bulaklak habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. At kahit walang salitang namutawi sa bibig nito, alam niya ang ibig nitong iparating. Hindi ito natutuwa sa kapangahasan niya pero hindi siya nito kokomprontahin ngayon tungkol doon.

Biglang lumagapak ang kanina ay nasa ulap na niyang puso. Tatlong quiz ang ibinigay sa kanila sa magkakaibang chapters ng reference book nila sa Psychology. Tinamad na naman kasing magturo si Mrs. Jaime.

Pero dahil wala sa leksiyon ang atensiyon niya, hindi niya naperpekto ang quiz. Ramdam niya ang init ng titig ni Aishell sa kanya pero hindi niya masalubong ang tingin nito.

ANG MGA bulaklak na maingat na pinitas ni Bastian kaninang umaga ay walang babalang sumalpak sa dibdib niya nang maiwan sila ni Aishell sa classroom. Tapos na ang klase. Nakalabas na ang lahat ng mga kaklase nila pero sadyang nagpaiwan sila ayon na rin sa kagustuhan ng dalaga.

"Anong kalokohan ito, Nerd Boy? Sino'ng nagsabi sa iyong boyfriend kita, ha? Ang kapal mo rin, ano? Sinabi ko na sa iyong sinabi ko lang kahapon na boyfriend kita dahil naiirita ako sa mapapel na Innah na iyon!"

Napapangiwing niyuko niya ang mga nalagas na talulot sa sahig. Dahil sa matingkad na pagkapula ng mga iyon, mistula iyong dugo sa paanan niya. "Pasensiya ka na, Aishell. Alam kong mali pero gusto ko lang iparating sa iyo na seryoso ako sa sinabi ko sa iyo noong isang araw. Nais kong ligawan ka. Hindi ko intensiyong samantalahin ang nangyari kahapon. Pasensiya ka na kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko. Huwag kang mag-alala, hindi ko na uulitin. At kung gusto mo, babawiin ko bukas ang sinabi ko kanina."

Nakahalukipkip na umingos ito. "Sira ka pala, eh! Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin imbes na inanunsiyo mo na lang bigla iyon kanina?"

"Hindi ba't iyon din naman ang ginawa mo kahapon?" aniya rito.

Tila guilty na namula ang mukha nito. "Basta! Lilinawin ko lang, ha? Hindi pa kita boyfriend. Pero hindi mo na kailangang bawiin ang sinabi mo kanina sa harap ng lahat. Pareho lang tayong magmumukhang tanga. Hayaan mo silang isipin kung ano ang gusto nila pero sa ating dalawa, manliligaw pa lang kita at hindi nobyo, malinaw?"

Nagliwanag ang mukha niya. "Ibig sabihin, hindi mo ako pipigilang ligawan ka?"

Umiiling na pinaikot nito ang mga mata. "Duh, ano ba'ng sabi ko? Oo, puwede kang manligaw. Pero may kondisyon ako. Ayoko nang mauulit na bumaba ang scores mo sa quizzes natin tulad kanina. At ayoko ring maninigarilyo ka pa uli."

Kumunot ang noo niya at matamang tinitigan ito. Tila naasiwa naman ito sa pagtitig niya dahil bigla itong nag-iwas ng tingin.

"Kung ayaw mo akong manigarilyo o bumaba ang scores sa quizzes, dapat ikaw rin," sabi niya

Napatingin ito sa kanya, nakataas ang isang kilay. "Bakit ko naman kailangang gawin ang gusto mo, aber? Ikaw ang manliligaw, 'di ba? Ikaw ang dapat na nagpapa-impress sa akin at hindi ako sa iyo. Kung gusto mo talaga ako, dapat tanggapin mo kung ano ako."

Seryosong sinalubong niya ang tingin nito. "Alam ko. Kaya nga alam kong sinasadya mo lang na huwag seryosuhin ang lessons natin. Kung gugustuhin mo, malamang madaig mo pa ako sa pagiging magna cum laude ng batch natin. Alam ko ring hindi mo talaga gustong naninigarilyo pero kapag alam mong may nakatingin sa iyo, saka ka nagkukunwaring gusto mo iyon."

Natigilan ito, pero hindi magawang kontrahin ang sinabi niya. Kinagat nito ang ibabang labi nito na tila may pilit tinitimbang sa isip.

"May kasunduan ba tayo? Hindi na ako maninigarilyo kahit kailan at sisiguruhin kong hindi bababa ang mga grado ko kung iyon din ang gagawin mo." Inilahad niya ang kanang kamay dito.

"At kung ayoko?"

ASERON WEDDINGS-ALL I HAVE TO GIVEWhere stories live. Discover now