1••🌙NEVER BEEN A FAMILY

763 23 1
                                    

[Never Been A Family]

Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon. Kuntento sa buhay, masaya kasama ang pamilyang inalalayan ako sa bawat hakbang ng aking buhay.

Ok na ako sa lahat but she came to my life. Mabait, matalino, maalaga at mapagmahal. Bonus nalang siguro ang itsura niya pero sa katulad ko? Maybe I'm the luckiest man to have her. I'm the luckiest man to meet Rhea.

Nahihiya ako sa kanya nung una. Sobrang kapal nalang siguro ang mukha ko nang hiningi ko ang kamay niya. "P-pwedeng manligaw?"

I remembered her smile. Napakaganda ng ngiti niya sa akin. Bukod dun ay maganda rin ang sinagot niya. "Yes."

Damn napakaswerte ko, hindi tumagal ang panliligaw ko dahil makalipas ang tatlong buwan, sinagot na niya ako. Sinagot hindi lang dahil sa may nararamdaman na siya sa akin kundi dahil may pinaniniwalaan siya.

Ano nga bang pinapatagal? Panliligaw o relasyon?

"Babe! Promise me ha? Kung mamahalin mo ako wag sobra. Ako lang pwede magmahal sayo ng sobra." natawa lang ang girlfriend kong adik sa wattpad, me as a boyfriend nagsikap akong basahin ang He's Into Her.

"Wag kang feeling dyan Dylan! Hindi ikaw si Deib!"

"Atleast pareho kaming gwapo! Tara babybabe." bakla man sa paningin ng iba ang pagbabasa ng Wattpad, para sa akin ay ito ang nagsisilbing koneksyon namin ng Girlfriend ko.

"Babe, babe." Masaya akong napasulyap sa girlfriend ko. Kasalukuyang akong nagdra-drive para ihatid ang girlfriend ko. "Bakit ayaw mong hawakan kamay ko?"

"Kasi may hawak ako babe." I pointed out. Hawak ko ang manibela at hand break, "If I have another hand, I'll hold yours babe." natahimik siya. Kinilig man to.

"Ish! Babe may tanong ako."

"Hmm?"

"Sinong mas maganda? Si Liza or Kathryn?"

"Ikaw babe." nakita ko siyang bumusangot.

"Eh... Sinong mas magaling kumanta, si Lea or Sarah?"

"Ikaw nga. Kulit mo naman."

"Eh--"

"Ehklog babe."

"Bwisit ka Dylan! Ish! Bakit ba kasi ako pinipili mo ha?! Wala kaya ako sa choices!" panandalian kong pinarada ang kotse ko at hinawakan ang kamay niya.

"Babe, meron o wala ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko."

"YAH BAAABE!" Napangisi nalang ako. Kinilig nanaman to. My baby is so light hearted.

If working my relationship with the love of my life pays me, hindi na sana ako magtatrabaho kaso kailangan ko. Kailangan kong pag-ipunan ang kinabukasan namin. Kailangan kong paghandaan ang kasal namin.

Papauwi pa lamang ay kinakabahan na ako. I was holding a small box, nervous but ready. Ano kayang reaction niya?

"Babe?" Tawag ko nang makapasok.

"Honey!" this girl, ang dami nang tawag sakin. Tsk tsk. "May sasabihin ako!"

The smile on her face completes my night. She's such a beauty.

"Sige babe, mauna ka na." nagtaka ako nang hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya sa akin, ang kamay ay may inaabot. Napatingin ako dun

"Ano to?" I saw her shed a tear nang marealize ko ang nangyayari. "B-buntis ka?" dahan dahan siyang tumango. Napanganga ako. "BUNTIS KA BABE?! MAGIGING TATAY NA AKO?! YES! YEEES!" Sigaw ko saka siya niyakap at pinaikot sa ere. Nang makababa siya, so did I. I bent down in one knee, "babe"

It's her time to be shocked. "R-Rhea, baby, Monterona." I smiled at her as I reveal the ring in the red box. "Rhea, my baby and the mother of our baby..." napalunok ako. "Sa lahat ng nangyari, andito ka sa tabi ko, sa piling ko. Baby... W-will you marry me?"

"Yes." her answer made me stand, I hugged her, kissed her. Damn, I love her.

"R-rhea, breathe. Please, s-stay with me." Naiiyak kong makaawa. She's on a emergency bed, on the way to the Operating Room. "Babe, please wag kang b-bibitaw. P-please baby."

Her broken, scarred, wounded face will never leave my memory. Napaluhod ako nang magsara ang pinto. I heard footsteps. Napalingon ako at nakita ang isang doctor. I held her coat, begging. "P-please save her. Save my wife, s-save our child."

Kung pwede ko lang ibalik ang panahon ay binalik ko na. Kung pwede ko lang buhayin ang mag ina ko, ginawa ko na.

The doctor said they will save my family, but they never did.

[🥀]

Flash Stories [ Compilation ]Where stories live. Discover now