59••🌙ROLEPLAY

45 7 0
                                    

[ROLEPLAY]

"Kaya natin to Group 6! Tanggalin ang kaba and let's do this!" nagpatong patong kami ng kamay saka sabay sabay iyong itinaas sabay sigaw ng "Group Six!"

Everything is going well. At patapos narin ang play when the heart piercing lines in a script took place.

"Ranelei, alam mo naman diba? Alam mong mahal na mahal kita diba? And damn it! Mahal na mahal kita pero may mahal kang iba." saad ni Markie, parte yan ng script. Script na pampasakit ng puso. Markie mahal din kita, di lang sa roleplay kundi pati sa totoong buhay!

"Markie, mahal din kita. Mahal din kita noon... Patawad pero di na ngayon." waaah nanakit ang puso ko! Parang pinipiga! Feel na feel ko yung drama na pati luha ko kusang pumatak! Agad ko iyong pinunasan at tinalikuran ito saka nagwalk out tulad ng praktis namin. And the curtain drew to a close.

Nang matapos ang play ay inaayos ko ang gamit ko. Ako nalang ata ang natitira sa backstage nang may narinig ako.

"You..." pagkalingon ay napatingin ako kay Jerson, ang lalakeng nagsulat ng script. Ang direktor namin.

"Andito ka pa pala? Aumm... May? May sasabihin ka?" tumango siya saka dalawang lakaran na lumapit sakin.

"Do... Do you ever wonder..." pamimitin niya. "Do you even wonder why I objected being the Male main actor?" oo nga noh? Gwapo naman si Jerson, matalino rin. Kataka taka ngang inayawan niya ang role na yun.

"Bakit nga ba?"

"Kasi ayaw kong umamin sa katulad mo. " bumuntong hininga siya. "Uulitin ko yung huling linya ni Markie, mahal na mahal kita pero may mahal kang iba."

Napatungo ako... "Then uulitin ko rin ang sinabi ko kanina." dahan dahan ko siyang tinignan. "Mahal din kita... Mahal din kita noon pero di na ngayon."

The scene repeats but this time, I'm walking away from Jerson. I'm walking away from my cousin.

[💔]

Flash Stories [ Compilation ]Where stories live. Discover now