152••🌙NAKALIMUTAN AKO NI MAMA

19 4 0
                                    

[NAKALIMUTAN AKO NI MAMA]

"Ma? Asan ka?" I asked habang naglalakad sa stalls. Asan nanaman napadpad nanay ko?

"Oh anak. Anong ginagawa mo dyan?" tanong ni mama nang makita niya ako.

"Ma, sabi mo hintayin kita dito? Isang oras na ang nakalipas."

"A-ay sorry anak. T-tara, uwi."

Nakalimutan mo ba ako mama?

"Ma! Ma! Ma! Laro tayo, tagu taguan!" masaya kong aya sa nanay ko nang tumango ito.

"Sige anak, ako ang taya. Ikaw magtago." agad agad akong tumango at kumaripas nang takbo sabay tago. Nagbibilang sa sariling isip pero katulad nang nangyari, walang nanay ang naghanap sa akin.

Ma, nakalimutan mo nanaman ba ako?

"M-ma? Sabi mo pupunta ka sa g-gr-graduation ko?"

"Ngayon ba yun nak?" nanlaki pa ang mata nito saka ako nilapitan.

"Kanina ma. Kanina yun. W-wala kayo kaninang graduation ko ma. N-nakalimutan niyo po ba?" naluha na ako, ang kaninang pinipigilang luha ay walang humpay sa pag agos.

"Sorry anak, sorry." She hugged me as if she answered my question.

Nakalimutan niya nga.

"Ma, asan ba dito yung pinapakuha mo?" I'm currently a Senior High STEM student at itong nanay ko ay may pinapakuhang lalagyan. "Ayun!" Ano ba kasing laman nito?

Out of curiousity ay binuksan ko iyon. cholinesterase inhibitors? But this is used to treat symptoms of Alzheimers.

P-possible bang may Dementia si Mama? Or worse, Alzheimers? Napaiyak ulit ako nang bumukas ang pinto.

"Ang tagal mo naman, asan na? Akina akina."

"M-ma? B-bakit di niyo sinabi sa akin?"

"Di ko ba nasabi anak?" umiling ako. So matagal na to? Matagal nang naggagamot si mama?

Nakalimutan mong sabihin ma. Nakakalimutan mo.

"Ma? Andito na ako." I called out pero isang palayok ang tumambad sa akin.

"Sino ka? Di kita kilala! Lumayas ka dito!" napatakip bibig ako. I stared at her, it's real yet I object believing. Ayaw kong paniwalaan na pati ina ko ay nakalimutan na ako.

"M-ma, ako to. A-anak niyo..." she looked at in disbelief.

"Y-yung anak ko? B-bata pa a-anak ko! N-naglalaro pa kami ng tagu taguan! A-anak? Asan ka anak? G-galing mo namang magtago." I remembered my childhood game with my mother.

She didn't only forget her grown son, she also forgot that I'm her son.

"Anak?"

Nakalimutan mo na ako ma.

[🧡]

Flash Stories [ Compilation ]Where stories live. Discover now