72••🌙NAPKIN

42 7 0
                                    

[Napkin]

"WAAAH! GIRL! JUSKOOOH NENE!" Napalingon si Marites sa tili na iyon kasabay nito ang pagyapos ng braso ni Iya sa kanya.

"B-bakit?" utal nito habang nakakunot noong tinitingnan si Iya.

"M-may tagos ka!" nanlaki ang mata ni Nene saka nilingon ang pwetan pero dahil natakpan iyon ng jacket, hindi niya iyon makita.

"S-sigurado ka Iya?" utal nito pero dahil walang bakas ng pag bibiro ang mukha ng kaibigan nito, naniwala ito at tumungo ang dalawa sa CR.

"Iya, m-may dala ka?"

"Wait! Don't tell me wala kang dala?! Juskoh naman Nene! Babae ka ba talaga?! Bakit wala kang dalang Napkin aber?! Nak ng!" reklamo ni Iya sa kaibigan habang napapapunas pa ng mukha.

"Oh? Bakit my napkin ka ba dyan?! Akin na ah! Dali!" inilahad ni Nene ang kamay kay Iya

"Wala! Wala akong dala!"

"Oh?! Tas makareklamo kang ako ang di babae! Taena pareho nalang tayong lalakeng nireregla sige!!!--aray naman!" napanguso si Nene nang batukan siya ng gagang kasama.

"Manahimik ka! Tabe at bibili ako!" lumabas si Iya at halos takbuhin na ang canteen para bumili ng napkin para sa kaibigan nang makasalubong nito ang kasintahan ni Nene na si Ian.

"S-si Marites?" lalagpasan na sana ito ni Iya dahil na bibitter siya sa pag aalala ng jowa ng kaibigan nang higitin ng lalake ang braso nito para pigilan.

"Anak ng magulang! Tabe at baka maubusan na ng dugo si Nene!!!" akmang hihilain na ni Iya ang kamay sa hawak ng lalake kaso sinakop ng pag aalala ang mukha ng binata at hinigit nito lalo ang hawak na braso.

"J-juskoooh! Animal abuse!" reklamo ni Iya habang namimilipit sa sakit.

"D-dugo? Asan siya?! Iya asan si Nene?!" hinawakan na ng lalake ang balikat ni Iya at bahagya itong niyuyugyog. "ASAN SI NENE, IYA?!"

"N-nandun!" inginuso ni Iya ang daan papuntang CR nang sing bilis ng ILoveYou sayo ng estrangheyong nakachat mo ng 15 minutes ay tinakbo ni Ian ang daan kung saan nang mahagip nito ang kasintahang si Nene na dahan dahang naglalakad habang hawak hawak ang tyan.

'A-anong nangyari sa kanya?!' napamura nalang sa isip si Ian habang patakbong nilapitan ang kasintahan.

"AHHHHH!!!" napatili ang dalaga ng bigla ay buhatin ito ni Ian na para bang bagong kasal. "WAAH! I-ibaba mo ko Ian!"

"HINDI! DINUDUGO KA DAW! DADALHIN KITA SA OSPITAL! KAILANGAN MO NG BANDAGE!!!" tarantang sigaw ni Ian.

"WAAH! MALI KA IAN! WAG SA OSPITAL! SA CR MO KO DALHIN! NAPKIN KAILANGAN KO HINDI BANDAGE!!!"

[🤣🤙]
Ms▒Cupido

[Napkin PT2.]

"IYAAAAA!"

"Iyaaa!"

"IYAAAAA ENANA!"

'Bakit ang daming tumatawag sa kyut kong pangalan aber? Crush ba ko ng mga kaklase ko?' Yan ang umiikot sa isip ni Iya nang makapasok siya sa klase.

"Hoy Gaga! Nagawa mo yung assignment naten?!dali pakopya 15 minutes nalang!" Bungad sa kanya ni Maretis nang makaupo ito.

"Kami rin Iya pakopya!" Singit naman ng walang hiya nitong mga kaklase!

"Hala sila. Sa tingin niyo ginawa ko rin?" Tinuro niya ang sarili nang animo'y nanlumo ang lahat sa sinabi niya. "Akina! Dali akina yung notebook! Isosolve ko sa board!"

Presenta nito. Nag ayos naman ng upo ang mga kaklase nito nang magsimula na siyang magsulat.

MATH.
1. Trigonometric Ratios of Special Triangle.
-consider the right △DEF. If the Measurement of E =45° and the linee EF=3cm. Find the two sides. (D&F)

Flash Stories [ Compilation ]Where stories live. Discover now