28••🌙JOWA SA JEEP

46 7 0
                                    

[JEEPNEY]

"Isa nalang! Pasok na!" rinig kong sigaw ng barker ng jeep. Waaah! Teka lang! Maleleyt na ako!!!

"Waaait kuya!" sigaw ko saka nagmamadaling tumakbo papuntang jeep kaso pagkarating sa entrada ng dyip ay ang siyang paghawak rin ng kung sino sa pinto papasok!

"Lah? Epal ka? Nauna ako eh!" tumaas ang kilay ng lalakeng kasabay ko.

"Nauna ka pero nagbayad na ako." nakita kong iabot ni mamang barker ang sukli ng lalaki!

"Eh?! P-pero! W-waaaah! Teka! Kuya sasabit nalang ako!" pagpupumilit ko. Hindi ako pwedeng Malate! Aayusin pa namin ang script ng theater play namin!

"Oi miss. Kita mong nakapalda ka tas sasabit ka?" sabat ni kuyang nagbayad na.

"Eh sa hindi ako pwedeng malate eh! 7:15 ang next jeep at 7:20 dapat nasa school na ako! May aayusin pa--aray naman!" halos mapasubsob ako sa jeep nang bigla akong itulak papasok ng lalake.

"Ikaw sumakay. Ako sasabit. Dalian mo, naaabriado mo yung mga pasahero." dahil sa sinabi ng lalake ay dali-dali akong pumasok. Umusog ang mga pasahero at pagkaupo ay sinabay ko ang pagbayad ko.

Napatingin din ako lalakeng nakasabit sa may pinto. "Taray ha. Gentleman." komento ko

"Ulol." ay? Sabi ko nga hindi! Dahil sa sinabi ni kuyang nakasabit binawi ko mga sinabi ko.

"Edi hindi ka na Gentleman!" napataas ang boses ko sa jeep kaya napatingin sa akin ang ibang pasahero.

"Hindi nga." pagkasabi nito ay may nilabas itong ID, may kung ano ano pa itong ginawa. teka... Yung id-- "Hindi ako Gentleman because I can be your man, Eunice Kyra."

Sabi nang ID ko yan eh!

"YIIII!"
"Buset na kabataan ang lalandi."
"Jusmiyo marimar! Ang banat mo iho!"

"Oi! akin na yang ID ko!" sinubukan kong tumayo ngunit tila naipit ang bag ko kaya hinila ako nito pabalik!

"Ano? Akin ka na?" ha?! Hawtdawg!

"Sabing yang ID ko akin na---"

"Caleb." anong Caleb naman pinagsasabi nito?! "Caleb Basilio." pagpapakilala niya dahil nilahad nito ang kamay kasama ang ID ko.

"..." inabot ko ang kamay ko para kunin ang ID ko pero bigla ay binitawan niya iyon kaya nagtapat ang kamay namin!

"Tapon mo na ID mo. Mali naman pangalan." wala akong masabi. Anong mali ang pangalan? Last time I checked walang error ang pangalan ko!

"A-anong mali?" inabot ko ang ID ko na siyang binigay ng estudyanteng namulot. Sinuri ko ang pangalan ko. "Eunice Kyra Santos. Wala namang mali---"

"Eunice Kyra Basilio dapat." he pulled out a smirk before tapping the top of the jeep. "Manong Para."

Napatitig ako sa kanya na bumaba at tumingin ng panandalian sa akin. Ilang beses akong napakurap saka napatingin sa ID ko. Sa bandang picture ay may isang sticky note.

"Caleb Basilio, 0919******* call me. : )"

EH?!

[🙄]

Flash Stories [ Compilation ]Where stories live. Discover now