54••🌙BUWAN NG WIKA

43 6 0
                                    

[BUWAN NG WIKA]

Kasalukuyan kaming nagkakaroon ng Quiz bee hinggil sa Buwan ng Wika. "Ano ang tagalog ng Mathematics!"

Nauna akong tumayo.

"Miss Cabrera." tumango ako nang sabihin ng emcee ang pangalan ko.

"Mathematika!" proud pa ko nean!

Umiling ang guro nang tumayo naman si Hendrix!

"Ang tagalog ng Mathematics ay Sipnayan." ano raw? Teka lang! TAMA YUN?! HINDI BA PWEDE ANG HIRAM NA SALITA?!

"WUUUU! WE LOVE YOU HENDRIX!"

"LABAN LNG SHELOU!"

"IPANALO MI YAN SHELOU!"

"ANG TALINO MO TALAGA HENDRIX!"

Naghiyawan ang mga estudyanteng nanonood

"Tama ka Hendrix, susunod. Ano naman ang tagalog ng Dictionary."

Mabilis akong matuto ma'am. Kung bawal ang hiram na salita then so be it!

"Talahulugan!" sagot ko

"Talailigan!" sagot naman ni Hendrix! Sabay kaming sumagot pero magkaiba ng sagot! Nagkatinginan pa kami niyan! Oh diba, eye contact!

"Parehong tama. Sunod." sumama ang tingin ko kay Hendrix na katabi ko lang.

"What?" kunot noong tanong nito kaya tinakpan ko ang mic sa mukha ko

"Spare me, hayaan mo kong manalo." sumama ang tingin niya.

"Bakit ko naman gagawin yan?"

"To make me happy? Sabi ni Karl, idedate niya ako kung nanalo ako!"

"Tss." iniisip siguro nitong desperada ako! Che!

"Aking inuulit ano tagalog ng Mahal?" napatingin ako ng hindi sumagot si Hendrix kaya ako ang tumayo

"Mahal." pagsagot ko

"Kita." napatingin ako kay Hendrix nang nagsalita siya.

"May sinabi ka?" bulong ko pero dahil sa suot kong mic ay rinig parin iyon ng lahat.

"Ano tagalog ng Expensive?"

"Mahal?"

"Anong tagalog ng Beloved?"

"Diba mahal din yun?"

"Anong tagalog ng Dear."

Ano daw? Deer ba? "Usa?"

"Bobita, Tagalog ng Dear ay mahal hindi yung usa."

"Teka nga!" pagpipigil ko. "Bakit ikaw nagtatanong?"

"Ano nga ulit tagalog ng Expensive?" OMAYGHAD!

"Paulit-ulit? Sabing Mahal--"

"Kita." anuedaw? "Mahal kita."

"KYAAAAH!"
"OMAYGHAD!"
"KENEKELEG EKE!"
"EXPENSIVE KITA!"

Bigla naman akong hinila ni Hendrix. "Now now, you're not going out to date Karl." Hila hila ang kamay ay bumaba kami sa stage.

"Eh?!"

"You'll date me. Tara."

Ehehehe?

[Korni. 🙄]

Flash Stories [ Compilation ]Where stories live. Discover now