118••🌙BAKIT KA PINAGPALIT

31 5 0
                                    

[BAKET KA PINAGPALIT?]

May isang batang lumapit sa akin, kapatid ng ex ko to be specific. Lumapit siya then she asked me, "ate ba't ka pinagpalit?"

Ngumiti ako dito. "Dahil nagkulang ako."

Napakunot noo siya. "Po?"

"Hindi naman siya maghahanap ng iba kung hindi ako nagkulang sa kanya. Posibleng nahanap niya yung babaeng pupuna sa pagkukulang ko kaya niya ako pinagpalit."

"Pero ate, sabi niya noon kuntento na siya sayo."

"Oo nga, kuntento siya pero may nakita naman siyang mas better sa akin. Kahit na gaano niya man sabihing sapat na ako para sa kanya, hindi iyon sapat para maging tapat siya sa akin."

Napanguso siya sa akin, "masakit po ba?"

I rubbed her hair and pinched her cheeks. "Masakit, pero kailangan kong tanggapin na masaya na siya sa iba."

"P-pano po kung mahal ka parin po niya."

"Hindi dalawa ang puso natin. Hindi pwedeng dalawa ang mahalin natin dahil masasaktan niya yung isa at kung mahal niya talaga ako, hindi siya maghahanap ng iba."

"Pero ate---" may sasabihin pa sana siya pero pinutol ko na.

"Shush na tayo baby, magsisimula na ang kasal."

Kasal ng mahal ko at ng mahal niya.

[☹️]

Flash Stories [ Compilation ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon