Titibo - Tibo

2.1K 38 2
                                    

"Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi curious na babae na ang hanap din ay babae. Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara, tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta. 

Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month. Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla. Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala"

Exaggerated na palakpak ang pumukaw sa atensyon ko. Si Donny, ngiting -ngiti na lumapit sa akin. Napatigil naman ako sa pag gigitara.

"Galing Shar, nakakabading ka." Napakamot nalang ako ng ulo sa sinabi niya. Kahit kailan never talaga kong naging babae sa paningin nitong lalaking to. Hinagod ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. As usual pang basketball ang get up niya. "Tara laro" 

Alas dose ng tanghali, tirik na tirik yung araw. Sobrang init. Never nag aya si Donato nang ganitong oras sa ibang babae pero dahil alien nga ko sa paningin nitong kumag na 'to syempre exempted ako. "Ge basta sa covered court tayo. Kainit init Don nag aaya ka. 38 degrees sa labas par." 

"Oo ma'am covered court tayo. kaw pa ba! malakas ka sakin." 

"linya ko yan wag kang gaya gaya" natawa kong bawi sabay tabi ng gitara. Itinali ko ang buhok ko saka pupungas-pungas na naglakad palabas ng bahay. "Ginawa mo na namang extension ng bahay niyo tong bahay namin. Nag hi ka man lang ba kay nanay?" Kinuha ko yung jordans ko saka marahang isinuot. Pinagpagan ko lang ng konti tong suot kong maluwang na tshirt at grey jersey shorts. Akma ko sanang kukuhain yung cap ko na nakasabit sa pader pero naunahan na ko ni Donny. Inilagay niya na sa ulo ko saka siya nagmamadaling buksan yung gate. 

"Dali na Shar, ang kupad naman. Sabado ngayon dapat ineenjoy natin" Saglit kong inayos ang pagkakasuot ng sumbrero.

"Oho Don Donny, ang inyong aliping sagigilid e nasunod na ho sa inyo" 

Excited si kumag kaso pagdating namin sa covered court maraming nanay na nagsuzumba tapos sa kabila nagbabadminton na mga lolo't lola. 

Tahimik kong pinagmasdan ang mabilis na pagbabago ni Donny ng reaksyon. Lalo yatang kumapal yung nguso niya dahil sa pagsimangot. Tahimik naman akong nag dribble. 

"Pano ba yan walang space Don?" 

Hindi parin nagbabago timpla ng mukha niya. Umupo siya malapit sa stage. "Senior Citizens day ba ngayon? bat andaeng lolo't lola? " puna nya. "Kase naman dapat pala ginising kita ng maaga para nakasave tayo ng spot" Natawa nalang ako. 

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko sa kanya kahit na wala naman talaga kong balak gawin dahil nga hindi namin pwedeng paalisin yung mga nanay. 

" Gusto ko maglaro e" O sige good luck, yung mga barako nga asa gilid lang. Wala rin silang say sa mga ka nanayan at kalolahan dito. 

"Gusto mo sa bakuran nalang namin tayo maglaro" Ambilis ng shift ng reaction niya. Ngayon kulang nalang kumutitap yung mata niya. 

"Talaga Shar? Kala ko ba mainit?" Ngayon naman nakangisi

"Ayaw mo ba?" nanunuya kong tanong. 

"Syempre gusto"   Kundi lang kita matiis.

"Tara" Bumalik kami ng bahay. Alam ko ineexpect niya na pag sa court may iba kaming makakalaro kagaya ng lagi naming ginagawa kaso nga dehins uubra ngayon. Kebs pa rin naman nag one on one kami. 

Pantay kami nitong si Donato sa lahat ng mga bagay, para nga daw kaming kambal sabi ng nanay. Magkahawig na, parehas pa ng galawan. Okay naman lahat e kaso siyempre habang lumalaki kami hindi ko maiwasang makita yung pagkakaiba. Dati mas matangkad pa ko sa kanya, ngayon napakadali nalang niyang sapawan lahat ng tirang ginagawa ko sa net. Effortless mga pre.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now