Everything will be alright

583 21 0
                                    

Paikot ikot ako sa kama habang nagbabasa ng mga love story.

"Bakit ba laging mas patok kapag mayaman yung lalaki tapos mahirap yung babae o kaya naman parehas na mayaman. Yung iba naman pa mysterious effect yung isa sa mga bida?"

"Kase masayang iexplore yung hindi mo normal na nakikita sa araw-araw"

Napalingon ako sa mesa malapit sa bintana.

"Papatayin mo ko sa takot e"

"Ang tagal na nating ganito hindi ka pa rin sanay?" Si Donny. Paano kong masasanay e hanggang ngayon nga hindi ko maipaliwanag kung bakit ko siya gusto at kung bakit hindi ko siya makayanang titigan ng diretso sa mata.

"E nakatuon kase yung atensyon ko dito"

"Tingin nga" mabilis niyang hablot sa phone ko. Pag nga naman may mahahaba kang biyas yung anim na lakad naming maliliit na tao  dalawa lang sa iyo.

Wala na kong nagawa. Pinagmasdan ko na lang siya habang binabasa yung mga storya sa reading list ko. Mga isang oras din siyang idle. Tapos mabilis siyang humarap sakin.

"Shar papasa ba kong leading man?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. "Ah e bakit mo naman naitanong?"

"Matalino naman ako diba?"

"Oo?" Sagot ko.

"Ba't parang di ka sure?"

" Hindi ko kase alam kung saan tutungo to e"

" So ano nga?" Pangungulit niya.

" Oo matalino ka"

"Kumusta yung panga ko" pinaigting pa ng mokong yung mala razor niyang panga.

"Nakakasugat"

" Yung mata ko?" Tanong niya.

Nakakatunaw "Sakto lang. Para ka nga lang duling minsan"

Kumunot naman yung noo niya.

"Yung labi ko? Talaga bang makapal na pangit?" Napatingin naman ako sa labi niya.

"Huy" anong sasabihin ko? Nitong mga nakaraang araw nga lagi akong distracted sa labi niya. Parang ano kase.

"Hoy leklek"

"Ano? Ano...pambansang labi"

"So panget?"

" Wala ka bang confidence sa sarili mo?"

"Meron naman pero pagdating kase sayo iba. Parang kahit feeling ko gwapo ko, pagdating sayo hindi naman tap-"

"Kissable lips" putol ko. Hindi ko na siya pinatapos. Nakatingin pa rin ako sa labi niya.Siya rin naman sa labi ko.

Hindi pa niya ko pinatakas noong saglit niyang binasa yung labi niya gamit yung dila niya. Medyo mahaba din yung dead air. Pakiramdam ko naghuhuramentado yung puso ko.

Suddenly naging aware ako sa #NoSpace naming pagkakahiga sa kama. Gustong gusto ko siyang halikan pero binasag niya rin agad yung katahimikan.

"So papasa nga ba kong pang leading man?"

"Wala kang kotse" basag ko

"Pero may motor ako."

"Hindi pa rin yon kotse"

"Pag ako nagka kotse, who you ka saken."

Ngumisi lang ako sa sinabi niya.

"Boyfriend material naman ako diba?"
Oo pero untouchable naman pag dating sakin.

Paano Aaminin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon