Immersion Part 2

646 22 6
                                    

Alas singko ng umaga. Sabay kaming lumabas ni Kuya  Turs. Parehas kaming nakabota, long sleeves, pantalon at sumbrero. Ready na ready kaming dalawa. Tawanan naman ang inabot namin kita ate Ai. Balot na balot daw kaming dalawa samantalang sila mga naka shorts at sleeveless. 

"Ano yang suot niyo?" pansin ni ate Dawn. Nag iihit ng tawa sila Kristel at Yohan. 

"We'll see what will happen. Immersion nga. You should immerse. Ginawa niyo namang Manila Fashion Week" 

"Ay nako di mo ko mapagsusuot ng ganyan. Ayokong magmukang manang." Pagmamaktol ni ate Ai. 

Alas dose ng tanghali.  

Ilang oras na rin kaming nagtatrabaho sa initan. Kahit panay lagay ni Yohan at ni Kristel ng sunbock halatang halata pa rin yung pamumula sa balat nila. 

"Masyadong matapang yung araw" puna ni ate Dawn na puro pantal na dahil nakashorts, spaghetti strap sando, bullcap at rubber shoes siya. 

Oo mainit at basang basa na kili kili ko pero at least alam kong protektado ko. Alas kwatro daw matatapos ang lahat. Natoka ang grupo namin sa pag gapas ng mga ani at pagtutulak sa gilingan. Sobrang hirap ng trabaho. Sasakit ang likod mo. Hindi sapat yung kinikita ng mga magkakape base sa sinabing presyo ni Mang Ben. Parang dinurog yung puso naming magkakagrupo ng malaman namin yung kalakaran pero iba din resilience nang mga tao dito. 

Nagagawa pa nilang magkantahan. Bandang Ala una dumating si Aling Minda- asawa ni Mang Ben bitbit yung isang bandehado ng kanin. May dala din siyang pinritong galungong at mga pritong itlog. May kamatis at manga ding ginawang ensalada. 

Ansarap ng kainan namin. Habang kumakain, napansin kong mangiyak ngiyak si ate Ai dahil para na siyang kamatis sa pula. Hindi umubra yung SPF 50++ niya. Halata namang tinitiis niya. Siguro lesson narin sa kanya yon. Kaniya kaniya kaming take down ng notes. 

Kahit naman ganoon yung sitwasyon alaga kami ni Kristel ng mga seniors namin. Mommy na nga tawag ni Kristel kay ate Ai. Tapos para namang body guard na susunod sunod si Yohan sa kanya. 

"Grabe sobrang init talaga dito sa Pilipinas" puna ni Yohan. "Oo kaya pupunta tayo sa Korea" nagtanguan naman sila ate Dawn at ate Ai bilang pagsang ayon sa sinabi ni Kristel. 

Inilibot ko ang paningin ko. Nagbabakasakaling mahagip si Donny kaso malaki talaga yung plantasyon. Sa ekta ektaryang lugar na to malabong basta basta ko nalang makita si Donny. 

"Hinahanap mo ba siya?" puna ni Kuya Turs sa kin. "Nasa gilingan sila. Nakita ko siya kanina" 

Muntik na kong mapanganga kay Kuya Turs. Hindi naman ako nagtatanong pero alam na alam niya. 

"Nasubukan mo na bang umamin sa kanya?" discreet lang yung tanong ni Kuya Turs pero di nakaligtas yon sa pandinig ni ate Dawn. 

"At bakit may pag amin? Sinong aamin ha Arturo? Anong itinuturo mo dyan kay Sharlene?" 

"Wala" uminom ng malamig na kape si Kuya Turns. 

"Sorry di namin bibilin yang palusot mo." si ate Ai. 

"Nako yang si Sharlene kase nagdadalaga na. Baka ayun yung sinasabi ni mie" 

Aba talagang! traydor na Kristel to. "Bat ako? Ano yon?" pagmamaang maangan ko. 

"Share mo naman. May love life ka ba baby girl?" usisa ni ate Dawn. 

"Wala ate bata pa ko."

"Wushu sabihin mo in love siya sa best friend niyang halaman. Wala atang maramdaman" 

"Hoy Kristel!" pinanlisikan ko ng mata si Kristel

"Ay ansakit naman niya Shar. Natry mo na bang magconfess? Gusto mo tulungan ka namin?" Subtle mamilit umamin tong si Ate Dawn e. 

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now