Kada Lunes

993 22 2
                                    

Lunes na naman. Naghihintay ako sa labas ng bahay nila Donny. Nakapamulsa habang pinagdidiskitahan tong mga piraso ng graba na di ko malaman kung saan galing. Di nagtagal tumunog yung gate, lumabas si Donny. Nakashades, naka tshirt na pula, black na maong saka puting sneakers. Napatingin ako sa suot ko. Aakalain mong nagusap kami dahil sa parehas naming get up.

"Ginaya mo na naman ako Sharlene." Nakangisi niyang sabi.

"Anong ginaya? Ikaw tong kinokopya lahat ng binibili ko. Tara na nga"

"Sabi mo e" pinaandar niya yung makina ng motor niya. "Sakay na baka malate pa tayo" pag aaya ni Don.

Sumakay naman ako sa likuran. Isinuot ko yung spare helmet na pink hello kitty. Sadyang iyon ang binili niyang spare helmet kase reserved daw para sakin. Di na ko nagtanong non kung bakit. Medyo nakakainsulto pero these years kung dati blue ang paborito kong kulay napalitan na ito ng baby pink. Nag umpisa na kong maging conscious sa mga galaw at kilos ko lalo na pag kasama siya.

Amoy na amoy ko kung gaano kabango si Donny. Yung dating uhugin saka amoy araw na bata, ngayon parang laging bagong ligo na at parang magic na kahit anong gawin hindi magmumukang haggard. Hindi ko maiwasang maidikit ang katawan ko sa kanya. Ako lang yata tong bothered. Anlapad kase na ng balikat at ang ganda ng hulma ng likod nitong isang 'to. Kulang nalang maglaway ako.

"Shar" pukaw niya sa atensyon ko.
"Nag agahan ka na ba?"

"Hindi pa. Ikaw?"

"Gusto ko ng hashbrown saka pancakes"

"Ako din" gatong ko. Mabilis kaming dumaan sa drive thru saka umorder ng pagkain. Prente akong nakahawak sa inuupuan ko. Hahawakan ko lahat maliban kay Donny. Simula kase ng marealise kong mag iba na kong nararamdaman di ko na maiwasang bigyan ng malisya lahat ng kilos namin para sa isa't - isa. For sure kay Donny wala lang pero sa kin iba.

Pagdating namin sa uni may 20 minutes pa kami bago mag umpisa mga morning class namin kaya tumambay muna kami sa ilalim ng punong manga habang nilalantakan yung binili namin.

Focus kong ipinahid yung pancake butter saka nilagay yung maple syrup sa pancakes. Ginawa ko din yon para kay Donny. Nang matapos, inilapag ko sa gilid ni Donny yung karton ng pancakes nya. Susubo sana ko ng hashbrown pag angat ko ng tingin, nanlaki mata ko. Ambilis! Kung hindi nasalo ni Donato yung bola ng volleyball jusko magkakablack eye ako lunes na lunes ng umaga. Muntik matanggal puso ko. May magandang babae naman na patakbong lumapit samin.

"Nako guys sorry, nagkamali ng receive yung libero namin. Okay lang ba kayo" tumango lang ako at napahigop ng orange juice. Automatic na hinagod ng mata ko yung itsura niya simula ulo hanggang paa. Naka girl's volleyball team jersey sya. Mamula mula ang pisngi, mahaba ang buhok tapos ang cute niya. Nagstop yung paningin ko sa legs nya. Ang puti.

Di ko naman napigilang tumingin sa katabi ko.

"Ok lang, no harm done" nakangiting sagot ni Donny.

" Nako sorry kuya, muntik ng mahagip yung girlfriend mo" iniabot ni Donny yung bola sa kanya.

" Bestfriend. Bestfriend not girlfriend" pagkocorrect ni Donato. Tinignan ko kung pano kuminang yung mata ni Donny samantalang nag blush naman si ateng maganda.

"I'm glad you guys are fine" ngumiti lang siya. Antamis ngumiti kung di ako straight baka nainlove na rin ako.

"Kisses!" Sigaw ng teammates nya.

"Sige guys, pasensya na talaga. Una na ko" bumali na sya sa field.

"Shar" tawag ni Donny sakin. "Do you believe in love at first sight?" Eto na sinasabi ko. I knew it. One day mangyayari yung ganitong sitwasyon. Dumating ng maaga at hindi ako ready.

Paano Aaminin?Kde žijí příběhy. Začni objevovat