Paano ba Magmahal?

652 21 3
                                    

Nanatili akong tahimik nitong mga nakaraang araw. Umiiwas sa mga nakakailang na sitwasyon. Kahit kase kahit anong isip ko mukang hahuntingin lang ako ng nararamdaman ko. Hindi ko naman pwedeng pilitin si Donato na panagutan tong kamoteng feelings ko. Ayoko nalang magpakalunod kaya kung anu-anong kinuha ko para pagka abalahan.

Sayaw, kanta, arte, at drawing tutal arts month. Noong marealise kong may time pa ko mag inarte sa tapat ng bintana niya, pati na pagkukusang loob na igala yung mga aso ng kapitbahay namin pinatos ko. Ginawa kong busy yung sarili ko hanggang sa naging fully booked yung schedule ko. Alas singko ko gumigising tapos umuuwi ako ng ala una na gawa ng mga rehearsals na sinalihan ko.

Sinasadya kong hindi magreply sa mga text niya. Bahala na si Batman. Hindi ko kase alam kumprotahin si Donny at hindi ko din alam kung papano ko kakastiguhin yung sarili ko.

Kaso isang sabado na ikinancel lahat ng rehearsal sa uni dahil sa renovations na kailangang maglagay ng restriction sa mga kagaya kong estudyante, out of nowhere naiwan akong bakante. Ang natira sa activities na pinlano ko e yung paglalakad kasama yung mga aso ng mga taga samin. Ayon, nacorner niya ko kaya sabay kami ngayong pinapasyal
yung mga aso.

"Shar" tawag niya.

"Bakit?" Matipid kong sagot.

"Kumusta ka nitong mga nakaraang araw? Sobrang busy mo"

"Ok naman"

"Nangayayat ka lalo. Sigurado ka bang ok ka lang? Balita ko ang aga mo daw umaalis ng bahay tapos balik mo umaga na rin"

"San mo naman narinig yan?" Tanong ko.

"Nakikita ko" napatingin ako sa kanya. Tama ba narinig ko? Nakikita niya? Hinihintay niya ba ko?

"Oo nga, talagang napilit lang akong magsasali sa activities. Alam mo naman kung gaano ko kabibo" ako na sinungaling pero alanga namang sabihin ko kay Donny yung totoo. E ilang taon na nga kaming magkasama pero di pa rin ako immune sa mga mata niya. Halatang halata kapag nasaktan siya o kapag galit at wala ko sa hulog para makita yon ngayon. Baka mamaya mapaamin ako tapos maging awkward kaming dalawa.

"Sa bagay. Nitong mga nakaraang araw kase iniisip ko na baka umiiwas ka sakin"

"Luh san mo naman nakuha yang ideya na yan?"

"Ewan ko din Shar e kaya nga please lang sabihin mo kung may nagawa akong mali. Itatama ko naman. Hindi ako sanay na ganito tayo"

"Wala ka ngang ginawang masama. Ako lang to. Naging busy lang. Pagkatapos nito wag ka mag alala. Iyong- iyo oras ko" sige pa Sharlene. Isinubo mo sarili mo sa apoy. Wag kang aaray aray diyan kapag nagkataon.

"Talaga?" Pagkukumpirma niya.

"Oo nga"

"Basketball?"

"Oo basketball kahit pa araw araw"

"Yes! I love you Shar!" Umirap ako. Kunwari di affected. Pero sa totoo lang sana yung I love you niya parehas ng I love you na gusto kong marinig, kaso hinde.

After naming mag usap, nakita ko kung pano nagbago yung reaksyon niya. From nakabusangot to parang batang ang saya saya.

Halos hilahin siya ng anim na asong hawak hawak niya samantalang dalawa lang natira sakin. Ginusto niya yon. Mas malakas daw siya sakin. First time kong marinig yon. Kadalasan kase sinasabi niyang kasing lakas ako ng gorilya.

Hayup, Nakaka istress ka Donato Antonio Pangilinan!

Paano nga bang magmahal? Hindi ko maiwasang titigan tong best friend ko. Hindi naman na bagong mainlove sa taong kasabay mong lumaki pero hindi rin malabong makapatid zone.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now