Parents Approve

610 23 5
                                    

"Tita I can explain" halata sa mukha ni Donny yung takot. Pano hawak na ni mama yung baseball bat na nakasabit lang kanina sa dingding ko.

"Nay, ma,tita I swear nothing happened" shit babambuhin talaga siya ni mama.

"Ikaw lang ang bukod tanging pinagkatiwalaan ko pagdating kay leklek tapos ganito makikita ko? Halika rito Donato babasagin ko yang junior mo!" Para silang Tom and Gerry kung maghabulan. Inisang talon lang ni Donny yung kama nang muntik na siyang macorner ni mama. Kaso dating champion ng patintero si mama sabi ni papa, noong saktong hahampasin niya na si Donny biglang lumuhod yung loko saka pinagsalikop ang kamay.

"Tita wala po talagang nangyari lasing ako kaya inalagaan ako ni Shar. Virgin pa po yung anak niyo"

Abat gagong to. Tumayo ako ng kama "akin na yan ma ako hahampas dyan sa kamoteng yan!"

"Magtigil ka Sharlene ha! Isa ka pa. Hindi ba talaga lalaki ang tingin mo dito kay Donny para payagan mong matulog na walang salawal sa tabi mo? Hala lumuhod ka dito sa tabi ni Donny. Itaas niyo mga kamay niyo!"

Gulat ako kay mama. Ngayon kapwa kami ni Donny na nakataas ang mga kamay at braso sa ere. Pucha namimitig na yung buong braso ko.

Mga kalahating minuto bago nagsalita si mama. Si papa diretso lang na nagluto.

"May tiwala ako kay Sharlene dahil pinalaki ko siya ng tama. Sa iyo rin naman Donny anak, kaya lang dapat ba meron pa rin kung ni hindi mo man lang kami binati ng kahit na isang beses noong mawala ka? Antagal mo sa Australya. Malay ko ba kung gorilya ka na rin kagaya ng ibang lalaki"

"Sharlene alam ba ni Ricci na andidito si Donny? Baka magselos yon. Pasalamat kayo kami ng papa mo nakakita kung iba iba e talagang pag iisipan na kayo ng masama"

"Bakit ma hindi ka ba nag isip ng masama?"

"Sasagot pa. Nag isip ako pero may tiwala ako sa inyo. At kung talagang gumawa naman kayo ng kabulastugan mapipilitan akong tawagan ang mga magulang ni Donny para ikasal kayo ngayon din"

"Meron na pala tita. Saan mo gusto kaming ikasal? Sa simbahan? Sa huwes? saan ang venue? Kahit under the sea pa yan" ngising ngisi yung gago.

"Magtigil ka nga Donato.Wala nga ma. Pwede na ba naming ibaba yung mga kamay namin."

"Hinde! Itaas niyo yan hanggang sa maluto yung paella"

"Ma naman"

"Tita please" nagpuppy eyes pa yung kumag.

Umismid si mama "sige na nga. Hoy Donato magsalawal ka."

Sabay pa naming ibinaba yung mga kamay naming tinakasan na ng dugo. Nagmamadaling nagpantalon si Donny.

Noong matapos maghain si papa saba sabay kaming umupo para mananghalian. Yung titig ni papa kay Donny nakakatakot. E binali niya pa yung binti nung malaking alimango.

Pinapanood ko kung paano napalunok si Donny.

"Papa tama na nga. Wala po talagang nangyari. Wag niyo na takutin si Donny" sinandukan ko si papa ng niluto niyang Paella.

"E ano na nga bang nangyare. Bakit walang paramdam Donato?" Si papa talaga, ayaw pa ring tigilan si Donny.

"Naging busy lang po tito. Hindi pa po ganoong kadevelop yung communication commitment ko before unlike now"

Tumango lang si papa. "Kasal ka na ba?" Sunod ng tatay ko.

"Hindi pa po. Si Sharlene nga lang po hinihintay ko" muntik na kong mabilaukan sa sinabi ni Donny.

"Magtigil ka ha may boyfriend na ko." Saway ko.

"Hindi pa naman kasal. Pwede pa" nanlaki yung mata ko noong sinabi ni papa yon. Parang normal lang yung pagkasabi niya. Sinipsip niya pa yung sipit ng alimango.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now