Tatlumpung Segundo

611 17 0
                                    

Isang oras ng paikot ikot si Donny. Paroot parito sa labas ng gate nila. Nandon lang siya,hindi lumalayo sa motor.

After ng nangyari kagabi takot ko lang na sumabay sa kanya ngayon. Kaso di ko siya matiis. Lalabasin ko na sana nang magring yung phone niya.

"Uy!" Sagot niya sa phone. Parang tanga tong kaibigan ko. Ansaya ng boses niya, hindi bagay sa reaksyon niya ngayon.

"Sunduin ka? Okay sige. I'll be there in 20 minutes." Sumipat siya sa gate namin. Nagtama pa mata namin. Napasinghap ako pero ano pa nga ba. Tumalikod lang siya at saka matulin na pinatakbo yung motor.

Kung sino man yon, answerte mo. Never nagpasakay si Donny sa motor niya maliban sa akin.

First time kong magkocommute. Road to independence  daw ang peg pero ok lang.

Never kaming ng away ni Donny before, minsan nagkakainisan kami pero wala namang mataas ang pride samin. Usually tumatagal lang ng 10 minutes pagkatapos nag aayos na kami ulit.

Iba ngayon. Pagkatapos nang nangyari kagabi, hindi ko na alam. Para kong isang malaking scribble sa pader pero yung undefined. Indefinite.

Isang malaking math equation  tong nararamdaman ko kay Dons pati na rin kung ano bang mga mangyari sa mga susunod na araw. Ang kaso mo, hindi ako magaling sa math.

Isang malaking tokis. Yan kami. Sa hinaba haba ng panahon pakiramdam ko tumatanda yata kami ng paurong. Kasalanan ko to e. Hindi na kase ko dapat umamin. Nagkanda leche leche tuloy.

Sabi namin walang magbabago. Sabi namin hindi kami mag iiwasan at higit sa lahat sabi namin hindi namin gagawing komplikado pero ano kami ngayon? Nganga.

Pawis akong dumating ng uni. Ang init naman kase sa pinas. Kapag sinuwerte ka nga naman, dadaanan ka lang ng motor ng bestfriend mo. Ang masaklap? Yung dating pwesto mo at yung helmet na dapat sa'yo lang, iba na may ari.

Napailing ako. Nagmamadaling bumaba si Kisses bitbit yung napakaraming bag.

"Shar! sorry I have to ask Donny to help me. Wala kase kong makuhang grab car or uber tapos malelate na ko. Saksakan pa ng traffic samin."

"Hey Kisses you don't have to explain. Kay Donny yung motor hindi sa'kin kaya chill lang" kumuha ko ng tissue sa bag saka ko pinunasan yung pawis ko sa noo.

"Ano ba yang bitbit mo?" Tanong ko. Ayaw kong magpaapekto. Kunyari wala lang.

Sa likod ko ramdam ko si Donny. Alam na alam ko yung bulto niyang yon. Pero wala siyang sinasabi.

"Mga food for committee" paliwanag ni kisses.

"Nako importate naman pala. O siya good luck. Mauna na ko."

Pumihit ako paharap kay Donny.

"Ingatan mo yang prinsesa mo Donny"
Pagak akong tumawa. Hindi ko na hinintay yung reaksyon niya.

Good Shar. First step. Tama lang yan.

oOo

Lunch time. Ang maganda lang sa aming dalawa kung hindi namin hahanapin ang isa't-isa hindi kami magkikita. Kaya sa ngayon ok ako. Ok ako kumain mag isa kaso hindi rin naman ako hahayaan ng mga kaibigan ko.

"Girl bat parang ang tamlay mo?" Si Miles. May pagkapa pa sa noo ko. "Wala ka namang lagnat"

Ibinaba ni Kristel yung iniinom niya.

"Nako may love sickness yan. Halata naman"

"Hindi ba pwedeng pagod lang?" Depensa ko.

Paano Aaminin?Where stories live. Discover now