Immersion Part 1

659 22 8
                                    

The entire week passed. Sabi ko iiwasan ko si Donny kaso di rin nangyari. Pano nga naman kung my entire life para kaming magkakabit ng pusod. Sinubukan kong wag siyang kausapin kaso di umubra. Makulit masyado si Donato. Ok na sana kaso alas sais y medya ng hapon. Lahat ng second years at third years taking up SocSci gathered sa quadrangle. Nakahilera yung 5 bus.

I'm with my team, next to us is Donny's group. Halo din sila pero ang pumukaw sa pansin ko e si Kisses. The pretty girl he's crushing on. Iisang grupo sila ni Donny. Mukang masayang masaya si mokong. Nagkuhaan sila ng photo at magkatabi silang dalawa.

Nako lintik kang puso ka. Kumalma ka.
"Everything ok?" Si Kuya Turs.

"Ah ok lang ako kuya." Iniba ko tingin ko. Ayoko titigan si Donny. Kamalas malasan pa na sa parehas na bus kami. Halatang binubuntutan niya si Kisses. Ladies and gents, this is the first time I saw my bestfriend following someone like an obedient puppy. Tinulungan niya pa si Kisses sa maleta nito.

Shar wag kang papalamon sa selos. Kaya mo to.

"Aah!" Pang didistract ko sa utak ko. Internal lang dapat yon pero mukang naisigaw ko talaga. "Shar" mahinahong tawag ni kuya Turs. "Take this" inabutan niya ko ng yakee. "Gamot"

Napatingin ako sa paligid ko. Nakaramdam ako ng hiya nung nakita kong lahat pala nakatingin sa kin. Buti nalang nagtawanan sila after sumigaw ni Miles "Beshy nakalimot ka na naman ng gamot? Buti nalang andyan si Doc Turs"

Naghiyawan sila. "Ok na guys." Tatawa tawa si Turs " lahat tayo may sabaw moment, parang kayo wala. All right please do head counts. Susunod na sila Ma'am Maricel at Sir Anthony. In 15 minutes aalis na tayo. Snacks will be pass around. Feel free to grab some."

Tahimik akong tumingin sa bintana.

"This is why I have to keep an eye on you Shar" inilapat ni kuya Turs yung kamay niya sa ulo ko. Tapos marahan syang bumulong. "Lord please take away whatever bothers Shar today and let her enjoy the trip"

Di ko alam magiging reaksyon ko kaya ngumiti nalang ako. Nakinig ako sa playlist ko saka pumikit.

Mahaba habang byahe to. Itulog mo nalang Sharlene. Kunyare wala kang nakitang nakakapagpabagabag kanina.

Mga 8 pm nag stop over kami. 1 hour nalang nasa location na kami kaso mga gutom na yung mga estudyante kaya eto. Tumayo ako para umihi narin. Kasunod lang ako ni kuya Turs.

"Adobo" tingin ko sa mga choices na para bang naka target lock yon sa mata ko.

"Shar hanap ka na ng upuan. Ako na pipila saka bibili para mabilis tayo."

"ay sige kuya" hindi na ko kumibo baka kasama din sa funding yung food. Nakahanap naman ako kaagad ng upuan.

Pagkaupong pagkaupo ko, may nagbaba ng tray ng chicken adobo, kanin saka soda sa harap ko. Si Donny, tumabi siya sakin. May sasabihin sana ko kaso kasama niya rin si Kisses.

"Hi, pashare ng table ha" bubbly na bati niya. Pano ko naman kaiinisan tong babaeng to e mukang anghel.

"Ah oo naman, saka mas ok na dito ka na tumabi girl crush" masigla kong bati. Totoo naman yon kase imposibleng hindi hangaan si Kisses kaya lang kase imba lang tong pusot isip ko. Kasalanan to ni Donny e. Green monster go away!

"Akala ko malakas kumain tong si Donny" mahinang hinampas ni Kisses sa balikat si kumag. "Yun pala para sa iyo. Sure ba kayong di kayo magboyfriend?"

Tinitigan ko yung Chicken Adobo sa harap ko. "Hindi, may ibang gusto yan" mapait yata yung pagkakasabi ko. Pero kataka takang tahimik si Donny. Ganon napipe siya dahil katabi niya yung crush niya. "Donny bat antahimik mo yata ngayon?" Normal lang talaga dapat tono ko pero sarcastic masyado nagagawa ko.

Paano Aaminin?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα