Chapter 10

8.5K 466 94
                                    

Arabella

"Ohhhh....Look who's here? Major Althea Guevara." Nakangiting pahayag nito pero biglang napalitan ng seryosong titig kay Althea.

"Asan ang kapatid mo?" Seryosong tanong nito kay Althea.

Kaya muling napatingin sakin si Althea, at sa totoo lang di ko alam anong tumatakbo sa isip niya ngayon, dahil napaka blanko ng expression niya.

Pinag titigan ko siya na parang nakiki usap na wag akong ilalag-lag sa harap ng mga taong andidito at lalong-lalo na kay Sophia.

"Bat di mo hanapin?"pangungutya ni Althea.

Minsan di ko alam san ba pinag lihi ni Mommy Sandra ang kakambal kong to.

Sobrang masungit.........

Kaya mas lalo kong hinigpitan ang pag kawak sa pulsuhan niya na parang nag sasabing wag na niyang patulan.

Agad naman napalitan ng inis ang mukha ni Sophia at humakbang papalapit samin ni Althea.

Napalunok naman ako wala sa oras ng nasa tabi na namin ito. Habang masamang tingin ang pinupukol niya kay Althea.

Gusto niya itong sumbatan at makipag diskusyon pero di niya magawa dahil napapansin niya ang mga matang pumupukol ng mga ka grupo niya.

"Aahhh Sophia, tama na yan..." tawag pansin sakanya ng isa sa bisita ni Anne.

At siya ung babae kanina na kausap ko sa counter, if I'm not mistaken...Selene or Selena ang name niya.

Tumayo ito at may kung anong binulong kay Sophia, kaya biglang nanlambot ang expression nito at bumaling sa pwesto ni Anne.

Pero di yun ang naka agaw ng pansin ko, kundi ang babaeng naka upo sa tabi ni Anne.

Si Valerie........

And that's all sum up....

Kung bakit andito sila Jade at Althea, dahil umatend sila ng Despedida party ni Valerie, dahil si Val ang bride.... Ibig sabihin napipinto na ang kasal nila Athena at Valerie.

Pero itong isa anong connection niya sa bride?

Don ko lang natandaan ang sinabi ng kausap ko kanina.

Hhhmmm fierce... You remind me with someone, pareho kasi kayo ng goal."

"Really? Good to hear."

"Hhhmmmm.... Hayaan mo, ipapakilala kita mamaya sakanya, e re-recomend ko sakanya ang galing mo sa pag timpla, umuwi lang siya dahil ikakasal ang kinakapatid niya."

Kinakapatid niya si Valerie?!!

May galit ba ang tadhana sakin? Bakit ang liit ng mundo naming dalawa ng Sophia na ito.

"Althea, calm down. Ano ba ginawa sayo ng bartender na yan at nag kaka ganyan ka?" Nag tatakang tanong ni Jade.

Mariing napapikit na lang si Althea na parang kulang na lang tirisin niya ako ng buhay, kaya wala itong nagawa at dahan dahan niyang binitawan ang damit ko, pero bago pa niya ito bitawan, ay hinila niya muli ako para bulungan.

"Di pa tayo tapos.... Mamaya ka sakin." Puno ng diin ang bawat kataga nito.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now