Chapter 44

7.4K 337 63
                                    

Sophia

"That's impossible Damon." Napatayo ako at napa iling iling na lamang sa nalaman ko.

"But she's look like my sister, Sophia. Kahawig---"

"Kahawig lang niya ang kapatid mo, pero di siya si Ysabelle! This is not the first case na may kahawig ka san man lumapalop o panig ka ng mundo!" Napabuntong hininga na lang ako at napapikit dahil sa inis at frustration sa mga taong to. "Isa siyang Guevara! At hindi isang Advincula!" Doon lang ako napamulat at seryoso siyang tiningnan.

"I know, I know..... Alam kong may pag ka resemblance lang sila ng kapatid ko, at lalong lalo alam ko na hinde siya si Ysabelle, ang akin lang-"

"Alam mo naman pala, bat mo inilihim sa akin? Bat niyo itinago samin at lalong lalo na sa mga Guevara ang anak nila?!"

"Because I have to...... Dahil kaylangan! Kaylangan namin si Arabella for our Mom, Ang pinupunto ko dito sayo Sophia, ang tinatak ni mama sa isip niya ng makita niya si Arabella nung dinala siya dito ni--" napatigil ito agad at umiwas ng tingin sakin.

"Nino?"

"I'm sorry Sophia, hanggang dito na lang ang maitutulong ko sayo, na ang malaman mong buhay ang isang kambal ng mga Guevara. Mag handa kana ihahatid ko na kayo pa uwi, mag papalit lang ako." Seryosong pahayag nito at tinalikuran ako.

Tumigil pa ito at muling lumingon sakin.

"Mag iingat na lang kayo, anjan lang ang kalaban niyo sa tabi-tabi. Yan lang ang maitutulong ko sayo Sophia" Ngumiti lang ito ng tipid sabay talikod nito at iniwan akong nakatulala.

"Wait!!! Damon!" Pag pipigil ko sana dito ngunit agad itong umalis at iniwan akong mag isa.

____________________________________

Habang patungo ako sa silid na hinanda ni Damon para sa anak ko. Napatigil ako ng makita kong naka awang ang pinto walang laman ang loob nito. Kaya dali-dali akong lumabas at sumilip saan saan para hanapin ang anak ko, nag sisigaw na ako sa mga kasambahay nila at dali- dali din ang mga ito lumabas.

"Nasan ang anak ko?"

"Nasa kwarto po Ma'am, iniwan ko na po namin kasi natutu--"

"Wala siya doon Manang, wala sa silid ang anak ko."

"Po?" Tila natakot naman ang matanda at dali-daling umakyat para sumilip dn.

"Ung bata po ba hanap niyo?"

"Oo." Ma agap kong sagot.

"Nasa balkonahe po--"

Diko na tinapos ang sasabihin nito ng dali-dali akong tumungo sa teresa nila. Ngunit agad akong napatigil ng makita kong may taong kumakarga kay Yuri habang nag papahele rito.

Dahan dahan akong nag lakad papalapit hanggang sa tumigil ng di kalayuan.

Mukhang naramdaman naman nito na may tao sa likuran niya kaya dahan dahan itong lumingon sakin para mas lalong luminaw ang mukha nito.

Napasinghap naman ako ng makilala ko kung sino ang may hawak kay Yuri.

"Arabella,"  bulong ko sa sarili.

Tila nagulat naman ito pero agad naman ngimiti sakin at inilipat sa kabila niyang balikat si Yuri.

"She's crying," pag papaliwanag nito."kaya kinuha ko siya to stop, mukhang tumalab naman." Natatawa nitong sagot.

Mukhang napahiya naman ito dahil di ko siya sinagot man lang kaya tumikhim ito at lumapit sa akin.

Ngayon nasa harap ko na siya, Daig ko pa ang pinutulan ng dila dahil di ako maka pag salita.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now