Chapter 37

7.2K 332 57
                                    


Marahang kong itinabi muna sa isang gilid ang kotse ko, para maka pag ayos at mag apply ng kunting make up.

Mahirap naman humarap sa matandang yun, na haggard ang itsura mo. Dahil kilala ko ang ligaw ng bituka ng matandang yun, kahit titingnan ka lang nun from head to foot, alam kong umaandar ang mga matang mapanghusga.

Muli kong inandar ang sasakyan ko at pinark sa harap ng isang five star hotel dito sa Manila. Agad naman akong inasist ng mga empleyado ng hotel at sila na ang nag hanap kung saan man nila ito ilalagay.

Nang maka pasok ako ay agad akong sinalubong ng isang lalake, mukhang pinasundo talaga ako ni Mrs. Advincula.

"Good morning Ma'am, what can I do for you?" Magalang na tanong ng empleyado nila dito.

"Reservation for Mrs. Advincula," sagot ko naman.

"Ayy opo Ma'am, This way po"

Ginaya ako nitong pumasok sa loob ng elevator, may kung anong pinindot na floor.

Tahimik namin binabay-bay ang pasilyo hanggang sa tumigil sa kulay na pilak na pinto, agad naman binuksan nito at bumungad ang isa sa kilalang restaurant ng mga mayayaman.

Napa irap naman ako sa kaloob looban ko dahil sa kaartehan ng matanda, diko din ma blame kung gaano ka sopistikada ito dahil sa totoo lang isa siya mga pilipinong tycoon na matagumpay pagdating sa negosyo.

"Ohhh... Your finally here, sit down." Bungad sakin ng matanda. "You may leave us." Utos nito sa dalawang taong gumabay sakin kanina.

Tumango naman ang mga ito at umalis, ngunit ang isang lalake na sumalubong sakin kanina ay umupo lamang sa kabilang lamesa na dalawa ang pagitan, sa tingin ko bodyguard ito ng matanda.

"Buti naman at pina unlakan mo ako iha,"

Ngumiti lang ako ng matipid at inayos ang pagka upo ko.

"Kamusta ang Lolo mo?"

"He's doing well Mrs. Advincula."

"That's good to hear," sagot nito habang hinihiwa ang steak na nasa harap niya.

Diman lang ba niya ako yayain kumain?

"Dahil to tell you honestly iha, ipinag dadasal ko na gumaling na ang Lolo mo, dahil ayaw kong makipag negosyo sa isang baguhan---" tumigil pa ito at inangat ang tingin sakin. "Tulad mo."

Napataas naman kilay ko sa sinabi nito. "Excuse me?"

"I'm just stating fact iha, marami ka pang kakaining bigas sa mundong ginagalawan namin ng Lolo mo."

"This is not the first time na ininsulto niyo ako Mrs. Advincula. Kung ayaw niyo sa pamamalakad ko sa hacienda ni Lolo, well your free to leave."

Tumawa lang ito ng nakaka insulto at umiling iling na parang natutuwa pa sa sinabi ko.

Kung di lang to matanda baka kanina ko na to sinuntok!

"You can't do that iha, dahil di lang ikaw ang mag papasya about that." Puno ng pangunguntya nito.

Dala ng inis ay hinampas ko ng ubod ng lakas ang lamesa nasa harapan ko.

Napalingon naman ang mga tao sa loob dahil sa komosyong nagaganap samin ng matanda.

Tila nagulat naman ito at binigyan ako ng isang nakakamatay na tingin.

"Sit.Down.Mondragon." madiin na utos nito.

Habang tumitingin sa paligid niya.

Huminga muna ako ng malalim at napapikit para pakalmahin ang sarili ko bago umupo ulit. Napangiti ito ng sinunod ko ang utos niya,

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now