Epilogue

13.5K 442 81
                                    

Taimtim kong hinehele si Yuri, na naka sandal sa dibdib ko. Habang naka tayo lamang sa labas ng maliit na teresa na sinadya para lang sa anak ko, mahilig kasi siyang mag sight seeing sa mga bituin sa langit, mukha alam ko na kung anong kukunin nito pag laki.

Sinumpong na naman kasi ng pag ta-tantrums nito kaya tinawag na ako ng Yaya niya dahil di na nila makontrol ang pag mamaldita ni Yuri, wala din ako nagawa, dahil I'm proud to say na sa akin nga nag mana ang anak ko sa kamalditahan kapag sinu sumpong.

Napatigil lang ako sa pag hehele kay Yuri ng maramdaman ko ang dalawang kamay na naka yakap sa bewang ko, kahit diko na ito lingunin ay alam ko kung sinong nag mamay ari nito.

She gently kiss Yuri's little hand bago ako hinalikan sa pisngi, habang naka sandal ang baba nito sa balikat ko.

"Kaya pala bigla ka na lang nawala sa baba, kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala."

"Tinawagan ako ng Yaya ni Yuri, sinusumpong na naman kasi ang anak mo." Sagot ko dito at nag lakad patungo sa higaan ni Yuri.

Ramdam ko ang pag sunod ni Arabella at tinulungan akong ayusin ang mga unan ni Yuri.

"Nag mana lang yan sayo." Sagot nito na ikinatuwa ko.

"Oo na," naiiling kong sagot.

Niyakap ako muli nito mula sa likod, kaya napaharap na akp rito na nakangiti, pinag saklop ko ang mag kabilang kamay ko sa pisngi niya at pinan-unlakan siya ng isang halik sa ilong.

"Thank you," pag papa-salamat ko rito.

Kumunot naman noo nito, na parang nag tatakang ano ang ibig kong sabihin.

"Thank you para saan?"

"Thank you for formally introduced me to your family, and especially in front of those intriguing thoughts and judgemental eyes--"

"Dapat ko lang gawin yun. Ina ka ng anak ko, asawa kita, madami akong pag kukulang sayo Sophia," malungkot na sabi nito. "Kaya dapat lang na bumawi ako, sa inyong dalawa ni Yuri."

"Naka usap ko si Mommy kanina,"

"Alam ko, hinatid pa nga kita diba?"

"May---may pina pasabi si Mommy para sayo."

Napatayo naman ito ng deretcho at pinag titigan ako ng mataimtim.

"Humihingi siya ng tawad sayo Arabella, at pina-pasabi din ni Mommy Eliz na thank you sa pag ligtas mo sakanya sa kapamahakan. She's just to blind for the love, pareho natin alam na mahal na mahal ka ng Mommy ko."

"Sophia, all I want is a new life... With you, at isa na doon ang pag papatawad sa Mommy mo."

"Ibig mo bang sabihin, pinapatawad mo na siya?"

"Oo, naka usap ko si Eliz nung kabing nagising siya sa hospital, sinabi niya sakin ang lahat-lahat kung paano ako napalayo sa pamilya ko, at sayo. Kung pano sila nag tulungan ni Rachel para lokohin ang kapatid kong si Athena." Taimbagang komento nito. "Ngunit gaya ng sabi ko kanina, gusto ko maka pag simula muli, gumawa tayo ng bagong alaala Sophia. Kung yun ay mararapatin mo."

"Oo Arabella. Oo..." Mangiyak ngiyak kong sagot at hinalikan ito ng walang ano-ano.

Malugod naman niya akong ginantihan,

Kahit may halong pagtataka na nagiging mapusok na ang bawat halik ni Arabella.

Hanggang sa maramdaman ko ang pag baba ng kamay nito sa balakang ko na mas lalong nag padagdag ng init na nararamdaman ko.

Lumabas kame sa silid ni Yuri na di pinuputol ang pag hahalikan namin hanggang sa maramdaman ko ang pag click ng pinto at hinila ako nito papasok sa kwarto namin.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now