Chapter 48

7.3K 396 36
                                    

"Are you afraid?"

"No,"

"Then go on."

"Bat ang dilim?"

Tanong ko sa batang babae na nasa tabi ko, ngunit pag linga ko ay wala na ito sa tabi ko.

I'm still standing in front of a long hallway na may kadiliman, mag iisang oras na ata akong nakatayo dito at di man lang alam kung ano ang gagawin ko.

Hanggang sa biglang umilaw ang bawat pintuan sa bawat gilid ko, nag tatakang nag simula na akong maglakad at inisa isa buksan ang bawat pinto, ngunit bigo ako dahil halos lahat ay naka kandado.

Hanggang sa dumating ako sa huling pintuan sa sulok, Napalinga-linga pa ako sa kapaligiran ng mapansin kong nawala ang mga ibang pinto na dinaanan ko.

"Katukin mo na."

Napalingon muli ako sa kaliwa ko ng muling lumitaw ulit ang bata.

"Anong bang meron jan?" Tanong ko rito,

Ngumiti lang ito sa akin at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit habang nakatingin sa pintuan na nasa harapan namin.

"Katotohanan,"

Bakas ang lungkot sa kanyang mukha, kaya nag tatakang napatingin na lamang ako sa pintong nasa harapan ko. At mas ikinagulat ko ng bigla itong naglakad at tumagos sa pinto na nasa harapan ko. Kaya dali-dali ko itong kinatok at pinilit pihitin ang pintuan. Ngunit tulad ng ibang pinto ay naka sera din ito,

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now