Chapter 43

6.9K 320 37
                                    

Sophia

"Sophia, let me explain-" diko na pina tapos ang sasabihin nito ng pinag sasampal ko ito ng paulit ulit.

"Traydor ka!! Pinag ka isahan niyo kameng lahat! Akala ko iba ka sa Nanay mo, pero gaya ka din niya!! Mapanlinlang!!!" Mangiyak ngiyak kong sumbat rito habang pinag hahampas ang dibdib nito.

"Sophia, please listen to me."pag papakalma nito sakin at pilit pigilan ang mga kamay ko sa pag hahampas sakanya.

"Kaya kita dinala dito, dahil doon. Kaya kita pinapunta rito, para makita mong buhay siya."

"Sana inamin mo sakin ang totoo!!! Sinungaling ka!! Niloko mo ako! Sa loob ng ilang taong pagkakaibigan natin, ni minsan!! Ni minsan wala akong tinago sayo! Alam mo lahat Damon, alam mo kung gano ako nag luksa sa pagkawala niya, alam mo kung gano ako naapektuhan sa pag kawala niya, alam mo pano ako naka nasaktan, alam mong gano ako ka desperadang hanapin siya ng malaman kong walang laman ang puntod niya!! Tapos gago ka?!!! Alam mong buhay si Arabella?!!! Ni di mo man lang sinabi sakin?!!!"

"Yun lang ang paraang alam ko Sophia, para makatulong sayo. Dahil di na kaya ng konsensya ko ang pag papanggap at pag tatago ng katotohanan sayo, Sophia..... Patawarin mo ako.... Patawarin niyo kame---"

"Bakit na sa inyo si Arabella?" Pag puputol ko sa eksplenasyon niya. "Pano nangyari yun? Pano napunta sa inyo si Ara? Bakit niyo pinalabas sa amin na patay si Ara?!!!"

Nakayukong di makatingin ito ng diretyo na parang naging mailap.

"Sagutin mo ako?!!"

"Sophia, diko masasagot yan---"

"Sagutin mo ako!!!"

"Dahil may nagdala sakanya sa bahay!" Maagap niyang sagot.

"Sino, sino siya? S-si Mommy ba?"

Napakagat labi ito na parang kinakabahan kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hinde,

"Si Mommy Eliz ba?!!"

"No!!"

"Then who?!! Tell me Damon! Marami akong tanong na gusto ko sagutin mo!"

"I can't tell you ok?!"

"Why?? Akala ko ba gusto mo akong tulungan? Bakit di mo na lang sabihin sakin lahat-lahat--"

"Mapapahamak kame Sophia, papatayin niya ako. Mababaliw muli ang Mommy ko Sophia, sa oras na kunin niyo samin si Ysabelle.... please.... Pabayaan mo na lang si Ysabelle samin."

Naguguluhan akong tumingin sakanya dahil sa sinabi nito. Papatayin? Mababaliw? Sino? Bakit?

"Anong pinag sasabi mo?! Sinong papatatay sayo? At bakit mababaliw ang mama mo?"

Lumingon lingon pa ito sa paligid na parang takot na takot, tinitingnan nito kung may taong nakikinig.

"Ang taong nagdala sakanya, Papatayin niya ako sa oras na lalaglag ako sa usapan namin."

"Sino?"

"I can't tell you. It's very dangerous Sophia. Very very dangerous. Please, wag mong kunin samin si Ysabelle."

"She's not Ysabelle, her name is Arabella. Wag kayong umangkin ng di sa inyo!"

"Sophia, baka babalik ang sakit ng Mama ko sa oras na kunin niyo sakanya si Arabella.

"Bakit anong problema ng Mama mo?"

Bumuntong hininga na lamang ito at tumingin sakin ng mataimtim.

"Sumama ka sakin. May ipapakita ako sayo." Pag aya nito.

Walang alinlangang sumunod ako rito at sumakay na kame ni Yuri sa sasakyan ko at sumunod sa likuran ng sasakyan ni Damon.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now