Chapter 52

6.9K 318 55
                                    


Sophia

Kaliwat kanan akong naka masid sa mga paninda dito sa palengke para makapili ng mabibili,

Diko pa alam kung ano ang iluluto ko para sa dalawa ngayon tanghalian. At kaylangan ko na din bumili ng pang isang buwan namin sa Isla total andidito naman ako sa bayan, at isa pa hanggang mamaya na lang din ang pagkain namin sa ref, kaya kaylangan maka ipon ng pani-bago.

Plano ko sanang lutuan ang dalawa ng sinigang sa baboy, lalo nat pareho nila itong paborito.

At mamayang gabi mag gugulay na lang kame at pritong isda, buti na lng talaga tinuruan ako ni Jade sa mga ganitong bagay. Lalo pa't alam naman natin kung gano ka independent na tao si Althea, ayaw na ayaw kasi nun na dumi-dipende sa mga kasambahay nila.

Maski ang mga kakambal nito ay ganun din, pero mas malala lang nga sa kanila ang asawa ni Jade.

Saksakan ng kasungitan.....

Kung babasehan mo din kame apat nila Jade, Zoe, Valerie at ako ay lumaki na may naka agapay na kasambahay sa buhay. Di kame lumaki na independent, dahil halos pareho kameng lumaki apat na may kasambahay umaalalay samin.

Kaya nung naging bahagi ako sa pamilya ng mga Guevara ay nag paturo na ako kay Jade sa mga gawaing bahay. Dahil di natin masasabi kung hanggang kelan tayo nakasalalay sa ibang tao,

And thank God.... Kahit papano may talent na akong mag luto.
Thanks to Jade.

"Suki, bili na po kayo.... sariwang karne po pang sinigang o adobo, bagong katay po iyan." Pag papa-cute naman ni Manong na nasa kanan ko.

Napangiti naman akong lumapit sa pwesto niya para sipatin ang karne na tinda ng matanda.

Mukhang sariwa naman kaya bumili na ako pang isang linggo namin sa bahay.

"Kuya, isang kilo pong baboy, wag po puro taba ha, at dalawang kilo naman nitong chorizo,"

"Aba syempre ineng, para sa bwena mano ko. Dadagdagan ko pa ng 3/4 para sa iyo." Nakangiting sagot ng matanda habang nag tatad-tad ng karne.

"Jusko Tashong, anjan na naman yang kabalbalan at kapreskuhan mo sa mga bata, kilabutan ka nga. Eh parang apo mo na nga ang batang ireh." Sita ng babae na nasa harapan namin.

"Ano ka ba naman Tonyang, diko naman binabstos ang batang ito, ikaw talaga masyado kang judgemental. Ginagamit ko lang naman ang aking matamis na karisma sa mga costumer ko." Pag yayabang ni Kuya habang inaabot sakin ang pinamili ko. "820 lang ineng, pero para sayo 720 na laang."

"Naku-naku, kapag nalaman yan ni Biday sisipain ka na naman sa bahay niyo. Ang laki ng binawas mo, malulugi ka niyan." Pag babanta muli ng babae sa harapan namin.

"Pake alam mo ba, pansinin mo na lang nga yang costumer mo diyan para kumita kana man." Sita naman ng matanda. "Don't mention her, she's just chelus to me iha ."

"Anong 'don't mention???' DON'T MIND HER ang dapat sabihin mo at hinde MENTION. At isa pa JEALOUS!! hindi CHELUS. BALIW!!"

"CHE!!! Antrimitida!"

Napa-iling na lang ako habang inaabot ang isang libo na bayad sa matanda,

Ngunit agad akong napatigil sa pag abot ng parang nakaramdam ako na parang may mga matang naka masid sa akin.

Ilang araw ko na itong napapansin na parang may naka sunod sa akin, parang may naka madyag sa kalayuan.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now