Chapter 38

7.3K 350 62
                                    

Sophia

"Excuse me po,"

"Ano po yun Ma'am?"

"Ahh--Anjan ba si Major Althea Guevara?"

"Naku Ma'am wala siya ngayon dito, may pinuntahan lang po. Pero babalik daw po siya agad, yun po kasi bilin niya kapag may humahanap sakanya."

"Ganon po ba? Babalik na lang siguro ako--" diko na matapos ang sasabihin ko ng biglang may dumating ng grupo ng kalalakihan at sa tingin ko ay mga kabaro ito ni Althea.

"Aba De Lencia!! Ganda ng chicks mo ah, pakilala mo naman kame,"

Tumatawa pa ito habang pina pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Nieles, wag ka naman ganyan bok. Baya--"

"Ang sabihin mo nag sasarili ka!" Sigaw nito sa kasamahan niya.

Sa tingin ko may pag ka presko ang isang to, mayabang na mukha pang manyakis.

"Alam mo Ms, kesa diyan ka maki pag date, bakit di na lang sakin--"

"Nieles, maling tao ang pina pake alaman mo--"

"Tumahimik ka!! Sasamain ka sakin!" Taimbagang pinag tuturo niya ang kabaro niya.

Tahimik lamang akong nakikinig sakanila at mas piniling di na lamang ito pansinin. Wala ako sa mood ngayon para patulan pa ang pag babastos ng taong ito dahil parang wala ako sa wisyo mula kanina.

Ng malaman ko ang balita sa mga tao ko. Ay parang daig ko pa ang na high dahil sa sobrang pag ka lutang, diko alam pano at san ako mag sisimula, ngunit iisang tao lang ang pumasok sa utak ko para humingi ng tulong at walang iba kundi si Althea lamang.

"Nakikinig ka ba?!"

Don lang ako bumalik sa katinuan ng may biglang humablot sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako!" Habang pilit bawiin ang braso ko.

"Di ka naman pala pipi eh, mas maganda ngang pakinggan na may boses akong naririnig mula sayo." Sabay dilap nito sa labi niya.

Yuck!!! Nakakadiri siya sa totoo lang! Ang manyak niya!

"Nieles, bitawan mo siya. Bago ka maabutan ni--"

"Di ba sabi ko wag kang make alam?!"

"Mukhang naiinggit boss." Sabi ng isa sa kasamahan ng manyak na ito. At para mapansanhi ang tawanan ng grupo nila.

"Naiinggit ka ba De Lencia? Wag kang mag alala, kapag pumayag si Ms. Beautiful maki pag date sakin, may share ka din sakan--"

Di na tapos ang sasabihin nita ng bigla ko siyang sinampal. Di ako mang mang para di ko alam kung ano ang tinutumbok niya.

Tila nagulat naman siya at taimbagang tumingin sakin ng matalim.

"Sino ka para sampalin ako!!--"

"Nieles."

Napatigil naman ito ng may tumawag sa pangalan niya, kaya inis na napalingon ito sa likuran ko na may ngiting nakaka loko.

"Lagot na." Dinig kong bulong ni De Lencia sabay iling.

"Oh boy?! Bakit? Naiinggit ka din ba huh? Tomboy?!"

Puno ng insulto ang sabi nito sa kaibigan ni Althea. Kung di ako nag kakamali siya yung tinatawag na Batchi ni Althea. Minsan ko na siyang nakikita sa mga kapatid na Guevara, lalong lalo na kay Althea.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now