Chapter 46

6.8K 343 75
                                    

Eliz

"Dito ka ba matutulog?" Tanong ko kay Arabella habang binubuksan ko ang pintuan ng condo.

"Huh? Hi-hinde... Hinde... Uuwi ako agad,"

Kaya napatigil ako sa pag bukas ng pinto at lumingon dito habang naka crossarm sa harapan niya

"Again? It's Friday  today Ysabelle, bukas weekends na."

"So?" Kunot noong tanong nito.

"Anong so? Every weekends dito ka natutulog sa pad ko. Wag mong sabihin iindianin mo naman ako." Sagot ko at napasandal na sa pinto.

Napakamot naman ito ng batok at di man lng ako tinitingnan ng deretyo.

"Ganon ba, Friday pa lang naman ngayon eh. Bukas na lang."

Tinaasan ko ito ng kilay at napa crossarm muli sa harapan niya.

"You're acting so weird Ysabelle. Ilang araw ko ng napapansin may kakaiba sayo. May problema ka ba?"

"Wa-wala." Nabubulol nitong sagot.

Kaya tinaasan ko muli ito ng kilay at tinalikuran na lamang ito parang tuluyang e- unlock ang pinto.

"Seriously.... I'm ok. Medyo na te-tense lng tlaga ako. Without a reason. Weird right?" Natatawa pa ito habang nag kakamot ng kilay.

"Ewan ko sayo...." Pag iirap ko dito. "If that's the case, Can we have a drink?" Tanong ko dito ng tuluyan ko ng mabuksan ang pinto.

Tumingin lng ito sakin ng alanganin na parang wala sa sarili.

"Ysabelle." Tawag pansin ko dito.

"Ha? Su-sure. Sure. Pero pwede red wine lng? Kasi mag da-drive pa ako."

Umiling na lang ako at pinag buksan siya ng pinto. Dumiretyo na ako ng bar para kumuha ng alak at muling lumapit sakanya na ngayon at nakatayo lang sa may sala.

"What are you doing? Sit down."

Umupo naman ito at tinanggap ang baso sa kamay ko. Umupo din ako sa tabi nito at niyakap ang kanang kamay nito habang sumandal ako sa balikat niya.

Nag tatakang napa angat naman ako ng tingin ng may napansin akong kakaiba sa kanya.

"Did you change your perfume? Bakit parang hinde ito ung ginagamit mo." Tanong ko habang inaamoy amoy ang leeg nito.

"Y-yessss," she try to stop her moan kaya napapangiti ako wala sa oras. "Naubusan kasi ako. Kaya ito muna ginamit ko, mabaho ba? Di mo ba gusto?"

"Ano ka ba. Kahit ano pang perfume gamit mo o kahit wala kang pabango. I still love your natural scent Ysabelle." Pag lalambing kong sagot dito at napa upo sa lap niya na ikinalaki ng mata nito.

"Siya nga pala, may pinabibigay Mama mo sayo, Sabi niya you need to sign this papers kasi ipapasa na ng Finance ang budget na gagawing branch niyo sa Dubai."

Tumayo na ako mula sa pagka upo sa lap niya at binuksan ang suit case ko na nasa study table at kinuha ang iilang file ng mga Advincula at inabot ko rito.

Napakunot naman ang noo ko ng kinuha niya ito sa kamay ko at mas ikinanuot ng noo ko ng kinuha nito ang ballpen sa side pocket ng jacket niya at pina galaw-galaw sa mahahaba niyang malakadila na daliri.

"Iuuwi ko na lang yan Eliz." Sagot nito habang pinipirmahan ang iilang nabasa niya.

Napatigil ako sa pag bubuklat ng mga folder at napa angat ng tingin kay Arabella.

"What did you called me?"

"Ha?" Don lang siya nag paangat ng tingin at muling binalik sa binabasa.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now