Chapter 15

8.1K 391 38
                                    

Arabella

"Th-that's impossible Althea, t--tell me, your kidding right?" Di makapaniwalang sagot ko rito.

No... It's impossible.

"No I'm not....." Mariin dn nitong sagot.

Napakagat labi naman akong nakatitig kay Althea. At napatawa ng pagak.

"Arabella, it's just my theory ok? Duda lang naman eh..... Pero malakas ang kutob ko. Ikaw ang pakay niya dapat ng gabing yun,"

"Stop!!! Eh kung ganon? Eh bakit nahantong kay Sophia? Bakit---bakit lumabas na ako ang nang-gahasa?!! Althea tell me?!!!" Diko mapigilan mapataas ang boses ko because of frustration.

Ngayon pa nalaman ko na posibleng ako nga dapat ang magiging biktima ng gabi non. Dahil lahat ng teorya ni Althea ay maaring tama.

Pero ang pinakamalaking tanong SINO!!! Sino ang taong nasa likod ng lahat ng ito?! Ang taong sumira sa career na inalagaan ko mula pag ka bata.

Sino ka ba talaga?!!!

"Your under in drugs Arabella... Kaya pano mo masasabi na imposible? Isang patak. Isang tikim. Arabella mawawala ka talaga sa wisyo mo at talagang wala kang maalala. Kung di ka lang nag tago Arabella, sana noon pa--" Tumigil muna ito at tumingin sa paligilid.

Nakatingin kasi samin ang mga tao ngayon, marahil ay dahil sa sigawan namin ni Althea.

"Sana noon pa ito tapos, sana noon pinag katiwalaan mo ako, tutulungan naman kita eh. Sana noon pa nalaman na natin kung sino ang nag laglag sayo, pero ano ginawa mo? Nalaman mo lang ikakasal ka sa batang Mondragon tumakbo kana at nag tago."

"Althea di mo ko masisi, gulong-gulo ako noon, and Sophia is just 16 for God sake? 16 Althea, napaka menor de edad pa niya. And besides I have a boyfriend that time----"

Tumawa naman ito ng pagak at napa iling-iling.

"Is that really the reason?" Puno ng pangungutyang tanong nito. "Ha? Arabella? Dahil sa may boyfriend ka that time? Ohhh Dahil sa bata pa si Sophia?? Ohhh dahil jan sa kahibangan mo sa Ina ni Sophia?"

Diko alam pero parang napa urong ang dila ko sa mga sinabi ni Althea. Napalunok tuloy ako ng laway wala sa oras, kaya kapatingin na lang ako sa karagatan dahil wala akong maisagot sakanya.

"Tama ako diba? Sinasabi ko na nga ba. Arabella kelan ka ba titigil? Eliz is to much for you, napakalayo ng edad niya sayo--"

"Ganon din naman si Sophia diba?! Walong taon ang agwat ko sakanya Althea. Kaya anong pinag ka iba naming dalawa?"

Mariin lamang itong nakatingin sakin, at masasabi kong puno ito ng disappointment.

"Di na ikaw ang Arabella na kilala ko."

Napatayo na ito sa kina uupuan niya at tinalikuran ako, pero muli itong napatigil at muling lumingon sa kinaroroonan ko.

"Akala ko si Athena na ang pina worse na nakilala ko, pero mas matindi ka pa pala," napa taas naman ang kilay ko sa sinabi nito."minsan parang di nakita kilala"

Gusto ko sana siyang sumbatan, dahil parang inaapakan niya ang pride ko. pero tama si Althea, dahil kahit ako, parang diko na kilala sarili ko.

Napayuko na lamang ako, dahil gulong-gulo na ang utak ko, what should I do?

"Tell me Althea...." Bulong ko rito.

Doon lang ako napa angat ng tingin at tumitig sakanya.

"What should I do?" Malungkot kong tanong rito.

Tila lumambot naman ang kaninang galit na mukha ni Althea, at napalitan ng awa.

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now