Chapter 42

6.7K 337 63
                                    

Sophia

Habang busy ako sa pag papatuyo ng buhok ay biglang may kumatok, kaya pinahintulot ko na itong pumasok.

"Come in."

"Ma'am, andito po si Sir Damon."

"Let him in."

"Opo Ma'am."

"Hi Sophia, eto na pala yung mga damit na pipiliin mo, dinamihan ko na para maka pag pili ka." Sabay lapag nito sa kama ko.

"Masyado naman atang daring ang mga ito?" Habang isa isa ko itong tinitingnan. "Gusto mo atang agawan ko ng spot light ang kapatid mo sa engagement night niya."

"Ano ka ba?"hinampas pa ako nito ng mahina. "Di naman sa ganon, siyempre inaalala ko lang na baka Mom gonna I on you, alam mo naman ugali non, kahit Nanay ko siya ay alam kong numero unong namamantay un sa mga bisita niya. Lalong lalo na sayo," sabay turo nito sa akin habang tumatawa.

"Buti naman kilala mo Nanay mo."

"Syempre, don ako galing." Pilosopo nitong sagot habang tumatawa.

Napatawa na lang din ako sa baklitang ito at tinuloy ang pag tuyo sa buhok ko habang nasa harap ng salamin.

Pinuntahan na lang talaga kasi ako ni Damon dito sa Rest house niya kasi di kame natuloy kahapon sa lakad sana namin. Di din kasi siya Available kahapon dahil may biglaang lakad sila, dahil sa pag hahanda ng event bukas, kaya di natuloy ang lakad namin.

Kaya tumawag na lang siya at humingi ng pasensiya sakin, at bilang pambawi... Siya na ang nag dala ng mga posibleng damit na pipiliin ko, kaya andito siya ngayon at tinulungan narin niya akong maka pag handa, dahil masyado ng short ang time lalo pat bukas ng gabi na ang event ng mga Advincula.

"Alam mo bakla, buti na lang talaga di kayo nag mana sa kamalditahan ng Nanay niyo." Komento ko habang tinitingnan siya sa repleksiyon ng salamin.

"Buti na lang talaga, pero wag ka.... Ung kapatid kong bunso, Mukhang na mana niya ang ugali ni Mama. May pag ka maldita kasi." Komento nito habang inisa isa niya ang mga damit sa kama.

Napatigil ako sa pag suklay ng banggitin niya ang tungkol sa kapatid niya. Diko tuloy mapigilan maalala ang boses na narinig ko sa telepono kahapon.

"Si-Siya ba si Ysabelle?"

Pansin ko ang pagtigil ni Damon sa ginagawa niya at napatingin sakin.

"O-oo" sagot nito na di man lang makatingin sakin ng diretyo.

"Can I see her? If you don't mind." Diko alam bakit ko yun natanong pero di talaga ako mapakali kagabi pa.

I want to know sino si Ysabelle, sino ung  naka usap ko kagabi.

"Bakit?"

"Gusto ko lang siyang makilala."

"Bakit pakiramdam ko, interesado ka sa kapat--"

"Because she remind me to someone."

"W-what?" Kunot noo nitong tanong.

"No... Scratch that." Iiling iling kong sagot at saka lumingon sakanya. "Her Voice remind me with someone that I longing for so long."

"With whom?" Seryosong tanong nito.

Sasagot sana ako ng biglang nag beep ang notification ko sa messenger, Kaya kinuha ko ito at binasa.

It came from Althea....

Althea: "Anjan ba si Valerie?"

#4 Arabella Guevara Series: Scandalous Intentions(GxG)Where stories live. Discover now