Chapter 9

539 35 0
                                    

"SAAN tayo pupunta? " tanong ko kay Axel na madilim mukha at parang may malalim na iniisip. Hayst ano kayang iniisip nito? Iniisip nanaman kaya n'ya 'yung sakit n'ya? Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Hindi ko alam pero bakit ganito?

"Okay kalang ba? " sobrang nag-aalalang tanong ko. Alam kong bakas sa mga mukha ko 'yun lalo na sa mata ko. Tinignan ako ni Axel at nagulat s'ya kaya hininto n'ya ang sasakyan.

"Hey, What's with that face? " nag-aalala naring tanong nito. *pout*

"Eh kasi naman hindi ka sumasagot baka kung ano-ano nang iniisip mo d'yan, mamaya chopchopin mo na'ko sa sobrang dilim ng mukh---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sumingit s'ya. Tignan n'yo na bastos talaga 'to kahit kailan hmp.

"I-it's not important and I would never do what you're thinking" sabi nito at nagdrive nanaman. Tss sungit diba grrRr.

Nandito kami ngayon sa hindi ko alam kung saan. Basta madilim at parang kami lang ang tao kaya medyo natakot ako. Bakit kapag nasa bar naman ako at medyo madilim hindi ako natatakot? Andami ng nagbago sa'kin. Ewan koba. Napakapit ako sa braso ni Axel kasi madilim at natatakot ako.

"Tss. " Axel.

See? Ang sungit. Pakapit lang eh ang damot. Dahil narinig ko 'yun agad akong dumistansya sa kanya, kaya naguluhan naman s'ya pero hindi ko 'yun pinansin. Hmp.

"Why? " tanong nito pero hindi ko parin pinansin. Sinusundan ko s'yang maglakad pero huminto ito at humarap ng bahagya sa'kin.

"Hey. Are you okay? " kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala pero tumango nalang ako. Narinig kopang napabuntong hininga ito. Kala mo ha.

"Look. I'm sorry if I did something wrong." dahil sa sinabi n'ya nginitian ko s'ya. Nawala ang lungkot sa mukha nito nang makita n'ya akong ngumiti. Hinawakan n'ya ang kamay ko at pumunta kami sa ilalim ng puno.


Nakita kong naglapag ng parang sapin si Axel sa sahig kaya napatingin ako. Wait wala naman s'yang dala no'n kanina ah? Pa'no nangyari 'yun? Agad akong natakot at napahinto. Wait? Multo kaya 'tong si Axel. Omaygoood!

"Hey Lorraine! " sigaw nito pero napaatras ako kasi baka hindi s'ya 'yung Axel na totoo. Tatakbo sana ako ng makita kong masama ang tingin 'nung multo ni Axel sa'kin. Pinikit ko ang mata ko at kinusot.

"What are you waiting for? "

"Ay multo! " gulat na sabi ko at napatalon pa. Kumunot naman ang noo ni Axel dahil sa sinabi ko.

"Tss." kinuha n'ya ulit ang kamay ko at pinaupo sa sapin. Hayst ansarap dito ang fresh napapikit ako at hindi ko namalayang nawala na sa tabi ko si Axel.

Ilang minuto ang lumipas may narinig akong tunog ng tinidor at kutsara at 'yun kaya napadilat ako. Nakita kong nag-aayos si Axel ng makakain. I secretly smiled, ang gwapo n'ya talaga. 'Yung gesture n'ya hayst.

"Like what I said. Take a picture of me. It will last longer" sabi nito ng hindi tumitingin sa'kin kaya ibinaling ko ang tingin ko sa ibang diretso. Tss asa naman s'ya. Pa'no ko s'ya pipicturan eh wala nga akong cellphone minsan may pagkatanga rin 'tong si Axel eh. Ang yaman yaman pero argh basta.

"Let's eat." nakangiting sabi ni Axel sa'kin kaya nahawa ako sa mga ngiti nito. Shit nakakalaglag panty. Ay hala bad. Dahil sa naisip ko pinukpok ko ang sarili kong ulo.

"WHAT THE FVCK. WHY ARE YOU HURTING YOURSELF!? " napahinto ako sa pagpukpok nang hawakan ni Axel ang kamay kong pinangpapalo ko sa ulo ko at nakita ko ang halo halong emosyon nito.

The Unknown Disease[COMPLETED] Where stories live. Discover now