EPILOGUE

272 10 0
                                    

"BUNTIS?!" Sigaw ni Phoenix. Sakanya ko unang sinabi at natatakot kasi ako sa magiging reaction ni Axel. Baka ayaw n'ya saakin, Baka iwan n'ya ako kung nagkataon. Ang daming negatibo ang pumapasok sa isip ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"O-oo." Napamura s'ya doon na lalong nagpakaba saakin. Kitang-kita ko ang gulat sa mata nito sabay napahilamos pa sa mukha, napapailing pa s'ya at tumatawa ng mahina. Baliw na ata.

"Hinaan mo boses mo," bulong ko. Sa isang na ang kasal namin ni Axel at natatakot ako.

"PERO BUNTIS KA NGA?!" sigaw ulit nito. Hinampas ko s'ya kasi ang ingay-ingay ng bunganga n'ya. Napakagat ako ng labi bago ako nagsalita.

"Paulit ul—"

"Who's pregnant?" napahawak ako sa dibdib ko dahil nakarinig ako ng familiar na boses mula sa likod ko. Nakita ko ring napalunok ni Phoenix kaya kinabahan ako. Unti-unti akong humarap then I saw Axel. Seryoso ang mukha n'yang nakatingin saamin. Nangangatog ang labi at tuhod ko, parang gusto kong matumba pero hindi pwede.

"A-ako.."halos pabulong nalang na usal ko at yumuko. Nanatiling tahimik ang room at nag-angat ako ng tingin at nakita kong wala na s'ya roon, kaya napaiyak ako at kinabahan. Ayaw n'ya ba saakin? Paano na kami ng anak n'ya? Dinilaan ko ang labi ko at huminga ng malalim.

"Oh shit," si Phoenix. Kinuha n'ya ang phone n'ya sa gilid at may tinext s'ya doon. "Ano 'yun?"tanong ko, hindi n'ya ako pinansin at patuloy lang sa pagtetext. Inantay ko nalang s'yang matapos, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Tara." Hinawakan ni Phoenix ang kamay ko at lumabas sa Hotel. Maraming sumalubong saamin kaya tinatanong namin kung nakita nila si Axel. Sikat si Axel kaya maraming nakakakilala, buti nalang at may nagturo ng daan kung nasaan s'ya. No'ng makarating nankami ay nagulat pa kami sa nakita namin, nandoon si Axel kaharap ang maraming tao, kasama na roon ang family ko at family n'ya.

"FUCK, MY WIFE IS PREGNANT, YESS! SHIT." Announce nito sa kanila kitang-kita ko ang saya sa mga mukha nito, hindi maipaliwanag. Masaya rin ang mga taong naroroon, agad na nawala ang kaba ko at napalitan ng tuwa. Sa sobrang tuwa ko ay napaiyak na ako, nakita kong nakatingin na sila saakin gayon din si Axel. Papalapit na ito saakin at agad akong hinalikan.

"Damn, thank you wife." Hinalikan nito ang noo ko. Dahil doon lalo akong napaiyak kaya sumandal ako sa dibdib nito at doon nilabas lahat. Hinagod hagod n'ya pa ang likod ko para pakalmahin ko, n'ong kumalma na ako at humugot ako ng hangin at ngumiti sa kanya.

"Uy ninang kami ha." Rinig kong sabi ni Lezabel kaya napatawa ako, at tumango sa kanila, 'yun naman talaga ang plano ko, kahit kaibigan sila ni Axel at naging kaibigan ko na rin sila. Sobrang swerte namin dahil may kaibigan kaming tulad nila, maaasahan. Todo alalay saakin si Axel na akala mo ang laki na nang tyan ko. Lagi s'yang nasa tabi ko at ayaw akong pagalawin.

Nagmumukha tuloy akong special child dahil tanong ng tanong ng kung ano-ano.

"Gutom kaba?
"Do you want something?"
"How's your feeling? "
"Are you okay?"
"May masakit ba saiyo?"
"Saan mo gusto pumunta?"

Si Axel lahat 'yan, napaparanoid at alalang-alala. Pero excited talaga s'ya maging tatay kasi bumili agad kami ng gamit ni baby, nakipagpustahan pa kila Phoenix na kapag babae raw 500k ang bayad. Pustahan ng mayayaman. Napailing-iling nalang ako, gusto ni Axel ng lalaki at sila naman ay babae. Ako? Kahit ano.

The Unknown Disease[COMPLETED] Where stories live. Discover now