Chapter 27

313 10 0
                                    

Jave Accolade POV


"Can you fvcking stop staring at mywife" singhal sa'kin ni Axel. Umiwas agad ako ng tingin dahil sa sinabi nito. Grabe naman kasi ang inabot ni Lorraine. Ang totoo n'yan nag-aalala ako para sa kanya, naguguluhan din ako kung bakit?

Nasa bahay kami ngayon ni Flash dahil ito ang sinabi ni Axel. Ayaw n'ya raw muna umuwi sa bahay nila dahil baka kung ano nanaman ang mangyaring masama. Nasa kwarto kami at ang dalawang babae ay nasa kabilang kwarto kasama sila Neon at Flash.

"Kawawa naman si Lorraine" usal ni Phoenix habang nakaupo at nakatingin kay Lorraine. Pinupunasan ni Axel si Lorraine ng bimpo.

"Agree" biglang singit ni Hazel. Magkatabi sila ngayon at ako naman ay nakatayo lang gano'n din si Yvan. Wala ngayon si King at Qarina dahil inutusan sila ni Neon at paniguradong hindi sila papalya, kasama rin nila si Safriena at Lavin.

Napabuntong hininga nalang ako at umupo na rin sa tabi. Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa pader.

'Bakit ganito ang mga nangyayari? Sunod sunod' hayst.






Safriena's POV

"Saan tayo pupunta? Bakit iniba mo ang direksyon ng kotse? " kunot noong tanong ko kay Lavin habang nagmamaneho s'ya. Nakafocus lang ito sa daan.

"Inutusan ako ni Axel." sagot nito pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Nag-usap sila ni Neon." dugtong pa nito. Nagtaka naman ako, hindi ko masyadong kilala si Neon pero narinig kona ang pangalan nito dati.

"Nasaan ba si Neon? " tanong ko habang tumingin sa labas. Gabi na kaya mabilis ang takbo ng kotse namin dahil wala naman ng masyadong nagdadrive kapag ganitong oras

"Hospital" ikiling usal nito.

"Anong ginagawa n'ya roon? " ako.

"Binabantayan ang dad n'ya, doon ako galing kanina" tumahimik nalang ako at hindi na nagtanong pa. Baka kasi magalit sa'kin 'tong si Lavin dahil sa sunod sunod kong tanong. Mukhang seryoso s'ya ngayon kaya magseseryoso na rin ako.

Nakarating kami parking lot ng hospital kaya agad n'yang pinarada ang kotse n'ya. Sabay kaming lumabas at sinundan ko s'ya papasok sa hospital. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang pintuan at nakalagay na private room daw 'yun. Binuksan ni Lavin ang pinto kaya sumunod ako sa likod n'ya.

Sumalubong sa'kin ang lamig ng aircon kaya nakapawak ako sa magkabilang braso ko. Pag kapasok namin ay nakita kong may isang lalaking nakahilata sa kama. Matanda na ito pero bakas parin sa mukha nito ang kakisigan.

"We're not staying here" biglang singit ng isang lalaki, tinignan ko ang direksyon nito at nakapamulsa lamang s'ya. Walang emosyon ang makikita sa mukha nito, halatang masungit.

"Kala ko naman pagbabantayin mo kami" sagot ni Lavin.

"Tsk. I'll leave first before you two. I'm with Axel later. " usal nito habang may inaayos sa likuran n'ya, parang may kinabit s'ya na ewan.

"Sure. What's our role? " umupo si Lavin sa upuan kaya sumunod ako at tinabihan s'ya. Nag-aantay lang ako ng sasabihin ng lalaking kaharap namin pero nagulat ako ng maglabas ito ng baril at pinalitan ang magasin nito.

Bakit s'ya may baril? Naguguluhang tanong ko sa isipan ko.

"Hulihin n'yo lahat ng lalabas sa building na papasukan natin" saad nito at ibinalik ang baril sa likuran n'ya. In just a blink of an eye nakalabas na agad s'ya sa kwartong ito.

The Unknown Disease[COMPLETED] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora