Chapter 36

231 9 2
                                    

Jave Accolade's POV

"Blair what's your plan?" tanong ko sa kanya. Magkatabi sila ngayon ni Cassius, bagay pala sila.

"Sa ngayon hindi pa siguro alam na Bernice na nasa inyo na ang panig ko. Maybe kapag lumapag na ang eroplanong sinasakyan nito doon natin uumpisahan ang plano" mahabang lintanya nito. Napatango naman ang iba sa sinabi n'ya at seryosong nakikinig.

"Tingin mo hindi ka kakanain ni Bernice?" tanong ni Yvan.

"I think? Good actress ako. Tiwala lang" inayos nito ang maliit n'yang bag sabay tumingin ulit saamin. Napabuntong hininga nalang ako, kahit ganoon ang ginawa n'ya saamin hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

"How about you, Zurie?" tumingin ako sa direction n'ya na busy sa pagbabasa ng documents. Pinaghahandaan na n'ya siguro.

"I'm fine, kaunting basa nalang siguro. Malulusutan natin 'yan" usal n'ya pero hindi man lang tinanggal ang tingin sa documents na hawak nito. Si Zurie ay isa lawyer and balita ko gusto s'ya ni King. Pero syempre hindi pa sure, balita lang naman pero pwede rin. Bagay naman kasi sila haha.

"Nice one,"puri ni King sa kanya. Napailing-iling nalang ako. Ang dami namin pero masaya kami, masaya ako dahil sa lahat ng nangyayari saamin lagi kaming nag-kakaisa. Nagpatuloy nalang ang kwentuhan namin about sa kung ano-anong bagay, mayabmaya pa ay bigla kaming natigil dahil sa gulat.

"WHERE THE FUCK IS MY WIFE! " agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas at nakakatakot na boses na iyon. Napatayo kami dahil nakita namin ang galit na galit na mukha ni Axel.

"What happened?" bulong ni Clay. Nagkibit baliksat nalang ako at sinalubong si Axel.

"Anong nangyari? Kalma," si Phoenix.

"HOW CAN I CALM DOWN WHEN MY WIFE IS FUCKING MISSING!" sigaw nito saamin. Namumula ang tainga n'ya at salubong ang mga kilay. Halatang galit na galit.

"Nag CR lang daw s'ya dre. Doon s'ya dumaan," paliwanag ni Yvan. Napatingin s'ya kung saan ang itinuro ni Yvan.

"FUCK! WALANG CR D'YAN. SHIT! " parang problemadong usal n'ya. Nagsimula itong lumakad palabas at wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Sumalubong saamin ang malakas na ulan kaya hindi kami nakalabas masyado, pero si Axel may dalang payong? Saan naman n'ya nakuha 'yun?

"Is that Lorraine?" bulong saakin ni Qarina. Napatingin ako sa direction kung saan s'ya nakatingin. Nakita naming pinapayungan ni Axel ang isang babae at s'ya naman ay nababasa.

"Si Lorraine nga," sagot ni Jazmine.

"What the hell? Bakit nandoon s'ya?" tanong ni Lavin. Hindi ako sumagot at sila nalang ang nagtanungan. Wala namang nakakaalam dahil pare-parehas kaming nasa loob kanina.

Mukhang may problema nanaman silang dalawa, pero kanina ayos naman sila. Ano namang kayang nangyari?

LORRAINE's POV

"Wife... " nang marinig ko ang boses n'ya ay agad akong napaangat ng tingin. Tinignan ko kung sino ang may hawak ng payong at hindi ako nagkakamali, Si Axel.

"A-Al,"utal na usal ko. Mabigat ang paghinga ko dahil nakakaramdam ako ng sakit sa puso, bakit ganito?

"What happened?" tanong n'ya. Tumabi s'ya saakin at nakapayong na kaming dalawa. Basa naman na kami bakit pa nagpapayong? Baliw ata 'tong si Axel.

"W-wala," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Sure?" tanong n'ya.

"Oo"

"Spill it wife"

"Wala nga"

"Spill"

"Ang kulit mo, wala nga diba? Huhu hindi konga alam na ginagamit molang pala ako para gumaling ka e" mahabang usal ko. Biglang natahimik ang paligid kaya nagtaka ako. Tinignan ko si Axel na ngayon ay walang expression ang mukha.

"M-may nasabi ba akong masama?" natatakot na tanong ko. Hindi maipaliwanag ang awra ng mukha n'ya ngayon.

"Wife," napabalikwas ako dahil sa pagtawag n'ya. Nakakagulat, nakakatakot s'ya.

"You heard it right?" napayuko nalang ako dahil sa tanong n'ya. Paano naman n'ya kaya nalaman? Mind reader ba s'ya? Huhu.

"O-oo,"nauutal na sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil doon at pinunasan ang mukha ko kahit basa rin ang kamay ko.

"Look wife, I didn't use you okay? I love you and I owe you. Because of you I'm now healed. Wife, listen to me... She kissed me pero hindi ginantihan 'yun. Except kung ikaw ang hahalik saakin," hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi n'ya o maiinis e. Kita kong sincere s'ya habang sinasabi n'ya 'yun, basa na rin s'ya at ang pungay ng mata nito, tila napapagod na s'ya.

"Kiss me,"utos nito saakin. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya. Wala akong masabi na kahit ano, bigla akong nablanko dahil doon.

"I said. Kiss me," napalunok ako at tinignan ang labi n'ya. Bago ko s'ya halikan at ipinahid ko ang kamay ko sa labi n'ya kahit basa iyon.

"What the—" bago pa s'ya magmura ay siniil ko na s'ya ng halik na agad din n'yang tinugunan. Ramdam ko kung gaano s'ya kaingat habang hinahalikan ako, hinawakan nito ang batok ko at pinalalim pa ang halik n'ya. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, hindi ako nakakaramdam ng lamig, wala akong pakielam kung parehas kaming nauulanan ngayon. Ang importante ay mahal namin ang isa't isa.

"WOAH PORN! "
"SEND LINK! "
"LIVE"
"YES NAMAN!"
"MALA MMK"
"HAHAHA"

rinig naming sigaw mula sa kalayuan pero hindi nalang namin pinansin. Hinigpitan n'ya ang kapit sa batok ako sa idiniin pa ako sa kanya. Ramdam ko ang paggapang ng kamay n'ya kaya hinampas ko 'yun. Sabay kaming napatawa, isinandal n'ya ang ulo n'ya sa ulo ko habang magkatinginan kami at nakangiti.

"I love you, Lorraine" nakangiting usal nito sabay halik sa noo ko.

"I love you too, Axel" napalunok ako habang sinasabi 'yun.

"Wet ka na,"nakangising usal nito. "Ikaw din"

Hinampas ko s'ya dahil bigla ulit n'yang hinalikan ang labi ko pero smack lang. Adik sa kiss, kinuha nito ang kamay ko at itinayo kami.

"Let's go home, I'll make you wet even more."

The Unknown Disease[COMPLETED] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt