Chapter 19

315 19 0
                                    

THIRD PERSON POV




Nasa kalagitnaan ng tulog si Lorraine at hindi lingid sa kanyang kaalaman na may panganib na mangyayari sa kanya.


Mahimbing ang tulog nito dahil sa pagod. Habang s'ya ay natutulog biglang may kotseng huminto na may medyo kalayuan sa bahay niya.



"Goodluck" sabi ni Lavin kay Safriena.


"I-im scared" nanginginig na sabi ni Safriena. Agad namang hinawakan ni Lavin ang kamay nito at bahagyang hinalikan.



"You can do it. " pagpapalakas ng loob ng binata. Tumango si Safriena at huminga ng malalim.



"Ingat. Aalis na'ko" tumango naman si Safriena sa sinabi ni Lavin. She's trembling not because of cold but because of Axel. Hindi n'ya alam kung anong magiging reaction nito.



Nasa tapat na ng pintuan si Safriena at binuksan ang pintuan ng dahan dahan. Nagulat naman s'ya kung bakit bukas 'yun. Hindi ba sila nagsasara ng pintuan? Gabing gabi eh.


Ano kayang sasabihin ni Axel? Pagtatabuyan n'ya kaya ulit ako? Makikinig kaya s'ya sa'kin? Paniniwalaan n'ya kaya ako?



Punong puno ng katanungan sa isip ni Safriena dahil sa kaba at takot.


Pinasok ni Safriena ang bahay at nakita n'ya na medyo may kalakihan ito. Wala s'yang naririnig na kung anong ingay at tiyak na tulog na sila. Nilibot n'ya ang bahay hanggang sa makita n'ya ang isang kwarto. Sinilip n'ya 'yun at nakita n'ya na may babaeng natutulog.



"Is that Lorraine? " bulong nito. Alam n'ya babae 'yun dahil nakita n'ya ang mahaba nitong buhok. Pero ang ipinagtaka n'ya bakit wala si Axel? Sinara n'ya ng dahan dahan ang pintuan at naglibot muli.



Una nakikita n'ya ang ilang mga gamit at tambak na kung ano-ano. Malinis ang bahay nila at paniguradong masipag si Lorraine. Malawak din ang bahay n'ya. Habang nasa kalagitnaan s'ya nang paglilibot ay



May nakita ulit s'yang pintuan kaya agad n'yang sinilip 'yun. Habang s'ya ay sumisilip ay may narinig s'yang ingay sa likod kaya agad s'yang napapasok sa silid na kanina'y sinisilip n'ya.



"B-baka si Axel y-yun" nangangatog na sabi nito at malalim ang paghinga n'ya. Nilibot n'ya ang kanyang mata sa silid at mukhang naisip n'yang bata siguro ang natutulog dito dahil puno ng laruan at kung ano ano pa.



Hindi n'ya mapigilan hindi mangalkal ng gamit at nakita n'ya ang mukha ni Lorraine kasama ang babaeng bata. Kapatid n'ya kaya 'to?



Nagandahan s'ya kay Lorraine at bahagyang napangiti dahil s'ya ang napili ni Axel. Totoong hindi na n'ya mahal si Axel naka move-on na talaga s'ya sa binata gano'n din kay Cassius. Naiinis s'ya sa kanyang sarili tuwing iniisip n'ya ang kasamaang ginawa n'ya noon. Lagi n'ya iniisip kung bakit ba s'ya nagpagamit ng gano'n gano'n lang. Pero alam n'ya sa pagkakataong ito hindi na ulit mangyayari ang nangyari sa mga nakaraan.




Ilang minuto ang lumipas ng bigla narinig nito ang pagsara ng pintuan sa labas kaya nakahinga s'ya ng maluwag. Siguro umalis na si Axel. Sabi n'ya sa isip n'ya.




Nasa gano'ng sitwasyon s'ya ng bigla s'yang nakaamoy ng parang may nasusunog.





Sht may nagluluto ba?


Tanong nito sa isip n'ya. Agad s'ya tumungo palabas at lalo s'yang nagulantang dahil sa laki ng apoy na nasa harapan n'ya.






The Unknown Disease[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon