CHAPTER 35

190 9 2
                                    

Phoenix POV

"Anong oras daw sila darating? " tanong ni Qarina, magkakasama ulit kaming lahat ngayon dahil balita ko ay ngayon magpapacheck-up si Axel, sa sakit n'ya.

"Malapit na raw sila," si Lavin. Napabuntong hininga nalang ako.

"I hope umayos na ang lagay ni Axel," usal ni Jave.

"Si Bernice rin may kagagawan kung bakit may ganoong sakit si Axel" nakayukong usal naman ni Safriena na ipinagtaka ko. What is that mean?

"What do you mean? " si Jazmine naman ang nagtanong. Bumuntong hininga muna s'ya bago sumagot.

"Matagal na 'yun. Kala ko wala lang, narinig ko sila nag-uusap sa kwarto and hindi ko alam kung sino ang kausap n'ya. Narinig kong ipinasa kay Axel ang sakit dahil kala n'ya gagaling ang anak nitong lalaki" narinig ko ang malakas na mura ni Yvan at ganoon din si Clay. Ako? Hindi ko alam. Walang kamuwang muwang si Axel, tapos pinasahan ng kakaibang sakit?

"Alam ni Axel 'to? " si Lezabel.

"Surely he will" Neon.

"How?" ako na ang nagtanong.

"He already know but he doesn't want na may madamay na iba. Kahit pagpapasa ng sakit ang solusyon or what. Ayaw n'ya. Mas gugustuhin n'yang s'ya ang magdala ng ganoong sakit kaysa sa iba" napatikom ako ng bibig nang marinig ko iyon. Si Axel, kilala bilang walang pakielam sa taong nakapaligid sa kanya.

Siguro nga hindi pa namin na memeet masyado ang goodside nito. Napangiti nalang ako sa iniisip ko, si Axel magiging anghel? Hahaha. Damn.

"Nasa labas na raw sila," napatayo kami dahil sa sinabi ni Lezabel. Agad kaming pumunta sa kabas upang salubungin sila.

"What the hell,"rinig kong bulong ni Neon. Napaismid nalang ako dahil sa nakita ko. Axel wearing a pink shirt. I want to laugh out loud because of his facila expression, while Lorraine hahaha ngiting ngiti s'ya.

"Fuck?" si Jave.

"HAHAHAHAHAH" malakas na tawa ni Jazmine, dahilan para malabas nanamin ang kanya kanya naming tawa.

"Axel is that you? Fuck HAHAHAH" natatawang usal ko. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Axel kaya agad akong sumeryoso.

"Ehem,"pag-ubo ko kunwari.

"Hi sainyo!" masiglang bati saamin ni Lorraine. Tsk, cute.

"Hello, namiss ka namin"
"Hi"
"Nice one"
"Pff hahaa hello"

"Cute ni Axel 'no? " tanong nito sabay dila sa kinakain n'yang ice cream. Para talaga s'yang bata. Napatango nalang ang iba saamin.

"Tsk," si Axel.

"Anong oras check up ko?!" parang naiiritang tanong ni Axel saamin. Gusto ko talagang humalakhak pero pinipigilan ko lang, mamaya saakin pa magalit 'tong isang 'to.

Umayos nalang ako ng tayo at nag-aantay sa sasabihin nila.

"Pumunta kana" si Yvan.

"Balitaan mo kami" si King.

"Pwede sumama?" tanong ni Lorraine. Napakamot naman ako ng batok dahil sa narinig ko. Kahit kailan talaga, tsk tsk.

"A-ah eh. Bawal babae roon e," usal ko. Nakita ko ang paglungkot ng mukha nito. Tinignan akong masama ni Axel, damn. Patay.

"Just wait me here my wife. I'll be back okay? Don't worry" pag-aalo ni Axel kay Lorraine na tila maiiyak na. Bagay na bagay talaga sila ni Axel, hindi ko alam kung anong epekto ni Lorraine kay Axel at biglang gan'on na lamang. Grabe.

"AL naman e! " reklamo nito, hindi ko alam kung matatawa ako or hindi e.

"Tsk. Just wait me here." hinalikan ni Axel si Lorraine sa noo dahilan para asarin sila. Lumayo nalang ako at pumasok na sa loob ng hospital.

"Ano kayang magiging resulta?" bulong saakin ni Yvan. Nagkibit balikat nalang ako, maski ako hindi ko alam. 


Lorraine's POV

Naiinip na ako kakaantay at wala akong makausap sa kanila. Busy sila sa pakikipagkwentuhan, hindi man lang ako isinama. Kaya wala ako sa mood na tumayo at pumunta kung nasaan si Axel.

"Lorraine! Saan ka pupunta?" rinig kong boses ng isang lalaki, lumingon ako at nakita kong si Phoenix na baliw pala 'yun.

"CR lang" ngiting usal ko, nakita ko ang pag galaw ng bibig nito na nagsasabi ng "ahh" tumango nalang ako sa dumiretso sa pupuntahan ko. Mamaya inaahas na s'ya doon, nako pugutan ko talaga ng ulo 'yun. Hehe

Narito ako sa pinto at nakita kong nakauwang ito, nakita ko ang nakatayo na si Axel at ang nurse na malagkit ang tingin sakanya. Bakit kaya malagkit? Crush n'ya ba si Axel? Aagawin pa ata

"Magaling, pwede mo nang iwan si Lorraine" usal nito at kinagat ang daliri, yak. Kagandang babae dugyot naman.

"Alam ko namang ginagamit mo lang s'ya para gumaling ka diba?" biglang kumirot ang puso ko dahil sa narinig ko, ginamit... Hindi ko alam pero bakit ang sakit? Umiling-iling ako dahil alam kong hindi s'ya ganoon, sa lahat ng pinakita n'ya alam kong hindi kapekean 'yun, sana.

"You are now healed. Marry me" nakita ko kung paano halikan ng babae si Axel. Kaya napaatras ako at tinakpan ang bibig ko. Huminga ako ng malalim at nagsimulang tumakbo palayo.

"B-bakit... Ako umiiyak" tanong ko sa sarili ko, tumakbo ako hanggang sa makalabas akong hospital. Saktong umuulan, humanap ako ng masasakyan pero wala. Kaya naiwan akong basa dahil sa ulan. Napaupo nalang ako at doon nasisimulang umiyak, mabigat ang mga paghinga ko dahil sa nararamdaman ko.

"Alam ko namang ginamit mo lang s'ya para gumaling ka"

"Alam ko namang ginamit mo lang s'ya para gumaling ka"

"Alam ko namang ginamit mo lang s'ya para gumaling ka"

"Bakit ang sakit?" itinaas ko ang paa ko at sumandal sa tuhod ko habang umiiyak. Kaya ba bigla nalang n'ya akong sinabihang asawa na n'ya ako? Sex lang ba ang habol n'ya saakin? Kaya ba ganoon s'ya saakin? Joke lang ba ang lahat sakanya?

Gulong gulo ang isip ko, basang basa ako ngayon dahil sa ulan at wala akong pakielam kung maraming nakakakita saakin. Basta ang alam ko lang ngayon ay nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag iniisip kong ginamit n'ya nga ako, sana hindi. Dahil napalapit na ang loob ko sa kan'ya.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-iyak ng maramdaman kong wala ng butil ng ulan ang tumutulo sa katawan ko. Hindi parin ako gumalaw at patuloy na umiyak. Hanggang sa marinig ko ang boses ng lalaking minamahal ko.

"Wife... "

—————————————————————————

:)

The Unknown Disease[COMPLETED] Where stories live. Discover now