CHAPTER 39

146 7 0
                                    

LORRAINE's POV

Nakatingin ako ngayon sa bintana at nasa malaking bahay kami ngayon, sabi ni Axel na dito muna raw ako dahil baka madamay ako mamaya. Sobrang naboboring ako at hindi ko alam kung nasaan na ang binili n'ya saakin na dalawang cellphone, ang mahal din n'on! Sana pala cinash ko nalang talaga.

"What's with your face?"tanong n'ya, napansin n'ya siguro na nakasimangot ako. Dapat lang hehe.

"Boring.." bulong ko. Nakita kong papalapit na s'ya sa direction ko at nilahad nanaman ang kamay sa harapan ko? Sawsaw suka? Ulit?

"Wala ako sa mood makipag sawsaw suka saiyo," usal ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya napairap nalang ako.

"Come, We're going to see kung anong mangyayari sa plane ni King." Dahil na narinig ko agad akong tumayo at hindi na inabot ang kamay n'ya, napailing-iling pa s'ya bago nagsimulang maglakad. Nasa second floor kami ngayon at papunta sa baba kasi nandoon ang TV, 'yung may tao sa loob? Ewan ko bakit sila nakulong doon.

Nagtataka rin ako bakit 'yung iba ang saya pa nakakulong sa loob ng TV, parang gusto ko rin tulot makulong doon. Hahaha.

Umupo ito sa sofa na katapat ng TV at tinap ang katabi nito, parang pinapaupo ako kaya wala akong nagawa kundi sundin 'yun. Tahimik kaming nanonood at kita ko ang step-mom nito na nasa loob ng plane.

"Axel?" tawag ko sa kanya.

"Aren't you going to regret?"tanong ko, hindi ko alam bakit bigla akong nag-english. Nakita ko ang paglunok nito at paghinga ng malalim, feel ko iniiwasan n'yang sagutin 'yun.

"I will not,"sagot nito. Napatango nalang ako, wala akong alam sa nangyari sa kanila noon sa pagitan ng mom n'ya at s'ya kaya sana tama lang magiging desisyon n'ya. Narinig ko kasi pasasabugin ang eroplanong pinanonood namin ngayon.

Nag-antay kami ng ilang minuto bago nag-off ang iba't ibang camera sa screen at may mga pagdabog na kaming naririnig. Nakita ko ang taranta at gulat sa mga kilos nila, lalo na 'yung Bernice raw. Sunod-sunod ang pagsabog hanggang sa ma block-out ang TV. Agad na kinuha ni Axel ang phone n'ya at may tinawagan.

"How's King?" tanong nito. Nanatili akong tahimik ayokong maing tsismosa, pero pwede rin kaso slight lang dapat. Napunta ang tingin saakin ni Axel at nagpakawala ng buntong hininga.

"Good. Fix everything." Pagtapos n'on ay binaba na n'ya ang phone n'ya at lumapit saakin.

"How are you? Okay ka lang?"nag-aalalang tanong nito saakin. Nginitian ko s'ya dahil ayokog makaramdam s'ya ng guilt na ginawa n'ya.

"Patay na ba sila?" I asked. Akala ko ay hindi n'ya ako sasagutin pero sumagot din s'ya kaso natagalan.

"I still don't know. I'll update you." Napatango ako sa sinabi n'ya at nanatiling tahimik. Umakyat nalang ako sa kwarto dahil naboboring ako sa baba. Napansin kong bumukas ang pinto at pumasok doon si Axel.

"Hey wife... " Tinignan ko s'ya at parang kabadong kabado s'ya kaya naman nagtaka ako.

"Bakit?"inosente kong tanong. Umupo s'ya sa gilid ko at nakatanaw kami sa may terrace.

"Are you scared of me?" tanong n'ya, napalunok ako sa sinabi n'ya kaya nakita kong lalo s'ya kinabahan dahil sa ginawa ko.

"I.. I.. "hindi ko na tinapos ang sasabihin nito nang hawakan ko ang kamay n'ya na nasa binti n'ya ngayon.

"I'm not. I trust you Axel and alam kong alam mo ang ginagawa mo. I'm not scared, I love you." Binulong ko ang huling salita pero sapat na iyon para marinig n'ya. Agad s'ya humarap saakin and he look ammused, nilapit n'ya ang mukha n'ya at agad na hinalikan ang labi ko. Kinawit ko ang kamay ko sa balikat n'ya at tinugon ang malalim n'yang halik.

Sa bilis ng pangyayari naramdaman ko nanaman s'ya sa loob ko, parehas kaming habol hininga dahil doon. Binagsak n'ya ang katawan n'ya sa gilid ng kama sabay yakap saakin. Dahil sa pagod ay agad na rin akong nilamon ng antok.

"Wake up, Wife." Nagising ako dahil may tumatapik sa mukha ko pero dahan-dahan lang, minulat ko ang mata ko at nakita kong nakangiti saakin si Axel ngayon. Lalo s'yang gumagwapo kapag nakangiti, nilapit n'ya ang mukha n'ya at hinalikan ang noo ko. Napangiti naman ako dahil doon at dahan dahan na umupo sa kama.

"Eat, I cooked this for you." Sabay lagay n'ya ng tray sa harapan ko.

"Wow. Thank youuu." Masiglang usal ko pero tinakpan ko rin ang bibig ko dahil naalala kong hindi papala ako nagmumumog.

"It's fine. Eat now." Wala akong nagawa kundi kumain nalang kahit wala akong mumog. Okay lang, hindi naman talaga ako nagmunmumog sa umaga, napanood ko lang 'yung sa TV dati.

Matapos kong kumain at niligpit na rin ni Axel ang pinagkainan ko at bumaba. Ako naman ay naligo, buti nalang nagpadala ng damit ko rito si Axel kaya may naisuot ako. S'ya, bagong ligo naman na s'ya kaya ako nalang ang inaantay. Sabi n'ya kikitain daw namin ngayon sila King kaya sumama ako, ayoko namang malayo kay Axel.

"Lahat patay." Salubong ni Phoenix. Narito rin si Zurie Edevaned, the lawyer. Katabi n'ya si King at kanina pa tutok sa laptop n'ya.

"How was it?" Tanong ni Axel habang nakatingin kay Zurie, siguro na feel ni Zurie na s'ya ang tinutukoy kaya sumagot ito.

"I'm making this clear. If ever na may magsampa ng kaso or mag-akusa,"sagot n'ya nang hindi tinitignan si Axel. Tumango naman si Axel at nakampante naman ang iba.

"Where's the body?"si Neon naman ang nagtanong. Narito pala s'ya hindi ko napansin. May kinuha si King sa isang drawer at inabot kay Neon.

"Sure?"tanong ni Neon.

"Yeah. The burned body have a necklace like what Bernice wearing when she arrived," si King. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero alam kong about 'yung sa pagsabog kanina.

"Right." Binigay naman si Neon ang papel kay Axel at ako naman ay simpleng sumisilip doon.

"We need to celebrate this." Ngiting sabi ni Axel. Ang seryoso at tahimik na paligid ay biglang naging maingay. Nangungunan ay si Phoenix.

"HEELLLLL YESSS!" sigaw n'ya. Hinawakan ako sa bewang ni Axel at agad na lumabas pero bago 'yun ay may sinabi pa s'ya.

"Doon tayo sa Pad ko. My treat." Narinig ko pa ang hiyawan nila sa loob kaya napailing nalang ako. I'm happy naman at wala na ang taong naging sanhi ng paghihirap masyado ni Axel.

"I'm happy for you," sabi ko noong nasa kotse na kami. He smiled at me then held my one hand, akma n'ya akong hahalikan nang biglang tumunog ang cellphone nito kaya narinig ko ang pagmumura n'ya. Adik ay.

"What the hell?!" sigaw nito, hinampas ko nang mahina ang binti nito para kumalma. Effective naman dahil biglang umayos ang pagsasalita nito.

"And?" tanong n'ya.

"Are you fucking insane?!"

"Fuck you, Azazel." Binaba n'ya na ang phone n'ya at napahilot pa sa sintido n'ya.

"Sino 'yun?" tanong ko.

"He's my fucking twin,"sagot n'ya. Magtatanong pa sana ako kaso h'wag nalang tinamad na ako at hinayaan s'ya paandarin ang kotse.

"Saan tayo?" tanong ko dahil hindi familiar ang dinadaanan namin at tila walang katao-tao.

"Somewhere." Sumilay ang kakaibang ngisi sa labi nito kaya agad akong kinabahan.

"Shit..."

The Unknown Disease[COMPLETED] Where stories live. Discover now