TEASER

604 30 5
                                    

REMINDERS!

-magulo ang utak ni Author

-mag a update agad agad ang author kapag may pumasok sa kanyang isip

- ang author ay never nag pa promise

- Newbie lang si Author so if walang naiintindihan at naguguluhan ' Comment lang'

- Random genre ito dahil kung ano ano pumapasok sa isip ni author update agad!

DISCLAIMER: This is the work of fiction. Characters, names, deaths, event, place & incidents are the product of author's imagination.

PS! : inspired to ng ' Hell University' so wag mag taka if may pagkakatulad ito

Pero!

It doesn't mean parehas na ang buong story . maraming pagkakaiba ang kwento. Its my own work and my imagination create this!.

All Rights Reserved
(10-21-2021)

>>>> Hope you Enjoy it <<<<

Naiiyak na ako sa paghahanap ng kapirasong papel na iyon dahil yon na lang ang isang mumunting bagay na nagbibigay ng alaala sa kaniya. Hindi ko parin makita kahit na paulit ulit ko nang halungkatin yung drawer kung saan ko huling nilagay yon. Hanggang sa maalala ko na mahilig pala pumasok si Creige sa kwarto ko malamang ay pinag ti tripan na naman niya ako.

"Creige!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya

"What?!"  Sagot nito mula sa loob ng kwarto nito

"Ibigay mo saken, hindi ako nakikipag biruan Creige!"

"What? What are you talking about ?"

"Give it to me!" sigaw ko

"Reen, I told you... I didn't know what are you talking about"

"I-ikaw lang naman lagi ang nan ti trip saken ng ganito"

"But I didn't know what are you talking about" pangungumbinsi nitong sagot

"That's the only thing na binigay niya saken pero... hinayaan ko lang mawala"

Napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa  tanging mga hikbi ko lang ang ingay na maririnig ng biglang pumasok si Mom at may pinakitang isang kapiraso ng papel.

"Reen, anak..."

"Mom" itinaas ko ang paningin ko kay Mom at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano yung hawak ni Mom

"Ito ba ang hinahanap mo Reen?" tanong nito

Hinablot ko agad ang kapiraso ng lapel na hawak hawak ni Mom at tinago sa ko sabay takbo palabas ng kwarto ni Creige. Halatang pag aalala ang huling nakita ko sa mga mata ni Mom nang lagpasan ko siya, narinig ko rin ang ibinulong ni Mom...

"Magkikita rin kayo anak..."

Hindi ko alam kung paano nakuha ni Mom ang sulat na ito pero bakit ganoon na lang ang lungkot sa mga mata niya? bakit parang may alam siya na hindi ko alam? Nakikita kaya ako ni Mommy na gabi gabing umiiyak habang hawak hawak ang sulat na ito, siguro'y naaawa siya sa akin dahil hanggang ngayon naniniwala parin ako na babalik siya

••••

Lumipas na ang ilang oras simula nung sugurin ko si Creige sa kwarto niya at pag bintangan na kinuha nito ang sulat na iyon. Nahihiya man ako pero kailangan ko humingi ng tawad sa kanya. Oo, hilig niya ang pag tripan ako pero hindi siya nag sisinungaling sakin, tapos kanina lang ipinipilit ko pa sa kanya yung bagay na hindi naman niya ginawa

"I'm sorry"

"I-it's okay Ate Reen, alam ko namang hindi mo sinasadya yon siguro dahil palagi rin kitang pinag ti tripan kaya ako yung napag bintangan mo" ani nito sabay ngiti

"H-hindi sa ganoon Creige, nagpanic lang ako kasi... iyon na lang ang natitirang alaala niya sa akin"

"Si kuya Mavien ba ang dahilan ate Reen?" pang uusisa nito

Tinitigan ko lang siya sa tanong na iyon ayokong isipin niya na hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa biglaang pagkawala nito. Halos isang taon na ang nakalipas pero sariwa parin yung mga alaala niya. Paano kaya kung hindi na lang ako naka kita? Mananatili parin kaya si Mavien sa tabi ko? Siguro kasama ko pa siya hanggang ngayon.

"Ate Reen, huwag ka mag alala mahal ka ni kuya Mavien... siguradong may mahalagang dahilan kung bakit hindi siya nakapag paalam sayo ng personal" pangungumbinsi nito

"Salamat, Creige. Napagaan mo ang nararamdaman ko"

Niyakap ko siya at pinasalamatan agad na tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa ginhawang nararamdaman ganito pala kapag may taong nasa tabi mo. Habang pinupunasan ko ang mga luha sa mata ko may nahagip akong anino sa labas ng bintana ng kwarto ni Creige tila pinag mamasdan kami nito sa ginagawa namin naka tayo lang ito. Humiwalay ako sa pagkaka yakap kay Creige at lalapitan ko na sana ang aninong iyon nang bigla itong gumalaw at nawalang bigla.

Arcanum Academy (On-Going)Where stories live. Discover now