CHAPTER 13

2.5K 65 1
                                    

DEBORAH

Halos hindi ako makatulog nang makauwi ako sa amin. That Attorney is surely breathtaking. Kapag kinakausap niya ako, talagang tumititig siya sa akin at hindi siya kumukurap hanggang sa hindi siya natatapos magsalita. Sa bawat dulo rin ng pangunusap niya ay palaging lumilitaw ang kanyang nakakainis na pagngisi. Palagi rin niyang sinisikop ang kanyang mga palad kapag nagiisip. Hindi siya nao-awkward makipag-usap sa akin at sa katunayan ay ako pa nga ang nahihiya sa kanya. Alam niya at iniisip niya ang mga sinasabi niya na tipong sa mga pagkakataong nakakawala na ang mga salita mula sa kanyang mga labi ay sinisigurado niyang hindi niya babawiin ang mga iyon. He's very confident with himself that it is a bit intimidating. He's just 27 years' old but he has already an authority. His back never bends, as well as his gaze. May kung ano hindi lang sa tindig niya pati na sa kabuuan niya ang nagsasabing karespeto-respeto siyang nilalang. At iyon din ang mismong dahilan kung bakit ako nagugulumihan kung paano ko siya tatratuhing boyfriend.

For me, he's like a very handsome and intelligent brother, or worse, a very charming male teacher. Taong puwede mong tangkilikin pero hindi mo puwedeng landiin at pagnasaan.

With the physical aesthetics, malinaw naman na mayroon siya nun. He is so lean that in his brown parka, he looks like a malnourished teen. Pero sa totoo ay mayroon siyang mga tinatagong muscles sa loob niyon. At ang nakakainis lang din, mas maumbok ang dibdib niya kaysa dibdib ko. And with this, ayaw ko nang tumangi na sobrang guwapo niya talaga pero na-we-weird-duhan lang ako sa itsura niya. He looks so young na para bang isa siyang cute na bata na biglang lumaki o sumapi sa katawan ng isang adult na lalaki, na tipong kapag tinititigan mo siya ay hindi mo maiwasang mapakagat-labi dahil sa pagpipigil na huwag siyang kurutin. His youthful face is so inappropriate on his adult built. Pero ewan ko ba. Baka guni-guni ko lang din iyon.

"Aish!" Napabalikwas ako sa aking banig. Nakakainis lang kasi! Bakit ba ako naga-guwapuhan sa kanya? He looks so strict and I think he has an extreme OCD too with his excessive cleanliness. Hindi ko type ang ganoong lalaki.

Gusto ko ng medyo madumi. Ayaw ko ng sobrang heartthrob ang datingan. Masarap lang ang guwapo sa kama pero masakit 'yun sa ulo.

Pero as if naman magkaka-interes siya sa akin? The way he approaches me when I'm still in his house hanggang hinatid niya ako rito sa amin ay para ba akong estudyante niya. He didn't call me 'Miss' but the way he speaks my name 'Deborah' sounded like a teacher scolding his student. As isa pa, I'm way out of his league. Marami na siyang napatunayan sa sarili niya. He already has a stable career kaya panigurado'y ang hanap niya ay iyong ka-lebel niya lang din.

"Piste!" pagmumura ko sa lamok na kumagat sa akin. Tinampal ko 'yung legs ko pero hindi ko siya napatay.

Mag-a-alas-dos na ng madaling araw nang makatulog ako ng mahimbing. 5:30 naman ng umaga ng magising ako dahil sa alarm ko. Nagmadali pa akong bumangon pero noong natanto kong pansamanatala nga pala akong walang trabaho dahil sa pagiging kasama ko sa layoff listing ay naisalampak ko na lang ang noo ko sa pader ng kusina namin. Ako kasi iyong tipong tao na kapag nagising na, mhihirapan na akong makatulog ulit kaya ang ginawa ko, nagtimpla na lang ako ng kape at nagpunta na sa labas ng bahay para maupo roon sa malaking bangko na nakaharap sa malawak na bundok ng basura.

"Si Papa?" tanong ko kay Mama na naghihimay ng bean sprouts roon. Medyo madilim pa sa labas pero sa mga ganitong oras, kagaya ng ibang maybahay dito sa amin ay nagpe-prepara na rin siya ng agahan.

Nginitian niya ako. Bakas sa mukha niya ang pagod. Ramdam ko rin ang bigat sa balikat niya. "Tinawagan siya ng kabilang barangay, may mga basura raw roong hindi nakuha kahapon."

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now