CHAPTER 25

2K 69 6
                                    

LEXUS

"Sinong nabunot mo? May I see?" Kasalukuyan silang paakyat sa escalator ng isang mall. Nasa tabi niya si Deborah at kanina pa nga niya ito kinukulit kung sino ang nabunot nito. Boluntaryo niya rin itong sinamahan nang sinabi nitong bibili ito ng regalo. Bukas ng madaling araw ang flight nila at bago pa nga maubos itong walang kasing lamig na gabi ay gusto niya muna itong makasama.

"Yah! Huwag ka ngang madaya!" Halatang wala sa mood si Deborah pero gusto niya pa rin itong kulitin. Deborah picked the sky-blue paper at confident siyang ito ang nakapili sa kanya. Bago pa man ang bunutan kanina, binulungan niya na si Short sa mga gusto niyang mangyari. At isa sa mga sa mga gusto niyang maganap ay ang mapili nilang dalawa ni Deborah ang isa't-isa. At hindi nga siya binigo ni Short dahil ito ang napili niya. Medyo kinakabahan nga lang siya kay Deborah pero malaki ang tiwala niya kay Short. Never in his entire career that Short had disappointed him kaya mataas ang pananalig niya rito.

Nang makarating sila sa third floor ng mall ay nalaglag ang panga niya nang ang mga pinamiling regalo ni Deborah ay isang set ng panyo at isang picture frame.

"Y-y-yah!" sita niya kay Deborah at wala na nga siyang nagawa nang pina-punch at pina-gift-wrap na nito ang mga pinamili.

***

"Deborah..." Malapad na malapad ang ngiti ni Attorney Lexus habang naglalad silang dalawa ni Deborah sa mga gilid ng stall ng mall. Bitbit-bitbit nito ang isang supot na may lamang regalo habang siya naman nilalantakan lang ang hawak-hawak na icecream.

"Ano na naman?" tanong ni Deborah sa kanya.

"May regla ka ba?" tanong niya rito at dumila nga siya ng kaonti sa sariling ice cream.

"Yah!" inis na inis na sigaw ni Deborah sa kanya at natawa lang siya. He really enjoys hitting Deborah's nerves and he don't know why.

"Punasan mo nga ang sarili mo. Nakakadiri ka..." ani Deborah sa kanya.

Mabilis niyang hinagilap ang mantsa sa bibig niya pero hindi niya ito mahanap.

"Tsk!" Biglang humarap si Debora sa kanya, nag-tip-toe at inalis ang ice cream stain sa gilid ng labi niya.

"Nahahawa na ako sa pagiging clean freak mo!"

Napatingin lang siya sa mga labi ni Deborah nang mas lumapit pa ito sa kanya. He feels like he's kissing her pero pinigilan niya lang ang sarili niya.

Yet, he can't deny the fact that he was moved by this gesture of hers. Again.

***

"Are you aware that you are trending on line because of what happened last night?" tanong niya kay Deborah noong nag-stroll silang muli.

"Talaga?" tanong nito.

"Hindi ka ba galit?" anang Attorney Lexus. Deborah seemed surprised but not offended.

"Nakatulong ba ang nangyari kagabi sa image mo?" Hindi sinagot ni Deborah ang tanong niya.

"Yah. Deborah---" He was about to explain things to her inunahan na siya nito.

"Iyon naman ang purpose ko bilang pretend girlfriend mo 'di ba? Ang maibalik sa'yo ang reputasyon mo?"

May kung ano sa puso niya ng kumirot sa sinabi nito.

"Kaya okay lang sa akin ang nangyari kagabi kung nakatulong naman 'yun sa'yo," dagdag nito.

Hindi siya makapagsalita dahil tama naman lahat ang sinabi nito. That she's here as his pretend girlfriend to rescue his reputation from all the women who tries to ruin it.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now