CHAPTER 20

2.1K 66 5
                                    

DEBORAH

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya nang hindi pa rin niya ako tinitigilang kaladkarin. Pumasok kami sa elevator pero sobrang lakas pa rin ng pagkakahigit niya sa akin. May mga nakasabayan kaming tao roon kaya tahimik lang siya pero alam kong nagngingitngit na siya sa galit. Nang makarating naman kami sa first floor, kinaladkad ulit niya ako palabas at noong hindi ko na nakayanan ang ginagawa niya ay binawi ko na ang kamay ko sa kanya.

"Not here," aniya, nagtitiim ang panga niya.

Naiyak ako bigla. Marami ngang tao rito. Ayaw ko rin namang mag-eskandalo.

"Come with me..." utos niya sa akin.

Nauna siyang naglakad pero napahinto rin naman agad nang mapansin kong hindi ko siya sinusundan.

"I said, come with me..." giit niya, nagiingat na hindi kami marinig ng mga tao rito sa foyer.

"Bakit? Anong gagawin mo sa akin?" tanong ko sa kanya. "Lawyer ka! Hindi mo ako puwedeng patayin!" dagdag ko.

It was so clear that I embarrassed him in front of many people. Pero ginusto ko ba 'yun? Malay ko bang green din ang venue ng ball? Malay ko bang andun 'yung ex niya at ipapahiya ako ng ganun?

"Do I look like a killer?" Tinuro niya ang sarili niya. Galit pa rin ang boses niya.

"Marami ka ngang babae e."

Kumunot ang noo niya.

"Hindi lahat ng murder, pisikal! 'Yung iba, emotional! Si Sarah Lim! 'Yung ex mong namahiya sa akin, siguro dinurog mo ang puso niya kaya siya nagkaganun! Napaka-heartless mong tao! Sa tingin mo, dahil guwapo ka, dahil mayaman ka, dahil attorney ka, may karapatan ka ng mandurog ng puso ng mga babae? Napaka-playboy mo! Nakakainis ka! Sana maputulan ka ng titi!" sigaw ko sa kanya.

"Deborah, I said not here. You're embarrassing me again..." mahina at halos nakayuko niya nang sabi. At totoo nga ang sinasabi niya, marami nang nakatingin sa amin.

"Ano ba!" Nang magsasalita pa sana ako ay hindi ko na nagawa nang bigla niya akong kinarga na naging dahilan ng pagtili ko. Paglabas namin ng hotel, sinalubong kami ng takang-takang si Kuya Short.

"I'll handle this one..." paliwanag niya rito. Hindi naman nangialam si Kuya Short at maya-maya pa nga at ibinaba niya na ako sa gilid ng kalsada. Walang tao roon at tanging mga sasakyan lang na dumadaan ang umuukupa sa highway. May traffic na sira sa hindi kalayuan at may malaking pader din sa likod namin. Maliwanag naman doon ng kaonti dahil saktong binaba niya rin ako sa gilid ng isang lamppost.

Hindi siya nagsalita bagkus ay nakapamewang lang siya, paikot-ikot habang binabangga ang dila sa gilid ng kanyang pisngi. His actions are definitely telling me that he's really pissed off.

"Ugh!" Sinuntok niya ang hangin. Napayuko nang pakiramdam ko ay ang lakas-lakas ng pagkakasuntok niya.

Hinapo niya ang buhok niya at hinarap ako. "Why did you tell me that you can't fcking afford to buy a dress?"

Kahit umiiyak pa rin ako, tumitig pa rin ako sa kanya, "Bakit? Ano bang mali sa suot ko? Kasalanan ko bang green din 'yung buong venue? Kasalanan ko ba?"

"Deborah..." mababa ang tono ng boses niya. "Weather the venue is green or not, your dress really look cheap. Can't you tell? Mukha kang Christmas ball sa sobrang kintab ng damit mo! Do you want me to buy you some Christmas lights? Ano? Lagyan na ba kita ng decorations?"

"Yah!" sita ko sa kanya. Mas lalo pa akong naiyak. "Nag-effort naman ako ah?"

"Then your effort is not enough!" giit niya. "Kung hindi mo naman kaya palang bumili ng dress, then you should have told me!"

"Kaya kong bumili ng dress!" giit ko.

"Deborah! It's obvious that you can't afford one!"

Ang sakit-sakit ng sinabi niya.

"Look! I'm not trying to insult you. Tinanong kita tungkol sa dress noong tumawag ka kanina, sabi mo ikaw na ang bahala. But look what happened?"

Hindi ako nakapagsalita. Iyak lang ako ng iyak.

"Why? Because your pride will get hurt if I'll buy you one? Tell me!"

"Oo!" sigaw ko sa kanya. "At masama ba 'yun? Masama bang ma-pride ako? Gusto ko, ako ang bumili ng dress ko! Ayaw kong umasa sa'yo! Ayokong umasa kahit kanino!"

"Look at you, you're full of pride."

"Oo, ako na ang ma-pride!" sigaw ko sa kanya. Hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko.

"Then fck that pride!" sigaw niya na sa akin. Iyon na rin yata ang pinakamalakas niyang sigaw sa akin.

"You're not really considering me, do you? Will it make you less of a person if I'll buy you a decent one? Kung ma-pride kang tao Deborah, mas ma-pride ako! I'm a guy, I'm a lawyer, I'm a professional! Lahat ng tao roon, kilala ko at kilala ako. Ang iba ay kliyente ko pa. And seeing my girl look like a fcking idiot in front of them hurts me so much! Just because of a fcking cheap dress! Just because of that fcking cheap dress!" Piangsasapak niya ang chest niya kung saan naroon ang puso niya. Hindi ako makatingin sa kanya.

"You embarrassed me..." komento niya. Natahimik siya saglit.

Iyak lang ako ng iyak sa kinatatayuan ko. Nahihiya ako sa kanya. Malinaw na malinaw na may kasalanan din naman ako sa nangyari pero ang nakakainis lang ay hindi ko 'yun maamin sa kanya. Ang mature niya nang magisip habang ako ay parang high school pa rin mag-desisyon sa buhay at sobrang ma-pride pa. Nakakainis! At nakakahiya!

"Ahh..." Natigil ako sa pagiyak nang makita ko siyang dumaing. Hawak-hawak niya ang kanang balikat niya at maya-maya pa ay bigla siyang namilipit sa sobrang sakit. Nataranta akong bigla nang mapaupo siya sa riprap at noong napahiga na nga siya sa sobrang sakit ay humingi na ako ng saklolo.

"Ano bang nangyayri sa'yo?" tarantang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot kaya humingi ulit ako ng saklolo.

"Tulong! Tulong!" Mabuti na lang din at hindi malayo ang distansya namin mula sa hotel kaya narinig agad ako ni Kuya Short. Dali-dali siyang napatakbo sa gawi namin at nang makita ang kondisyon ni Attorney Lexus ay agad niyang kinuha ang sasakyan nito at nang makabalik ay agad namin siyang pinasakay roon.

"Deborah, relax ka lang. Pati ako, natataranta rin sa'yo e. Hindi pa mamatay si Attorney Lexus. Nagka-cramp lang ang balikat at kamay niya," eskplika niya habang nagmamaneho pero ayaw ko pa ring maniwala dahil ang katabi ko ngayong Attorney Lexus ay namumutla na dahil sa sakit na nararamdaman niya. Nang wala akong ibang magawa, niyakap ko na lang siya at naiyak na lang sa bisig niya.

"Huwag ka munang mamatay please! Huwag muna!" Tumutulo na 'yung uhog ko pero wala akong pakialam. Galit ako sa kanya pero ayaw ko namang mapahamak siya. Sinabihan ko siya kanina na sana maputulan siya ng titi pero binabawi ko na 'yun, binabawi ko na.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon