EPILOGUE PART 2

2.5K 67 19
                                    

Note: Happy Valentines' Day! This is the last part of Attorney Lexus Wanted Girlfriend. Thank you for reading this until the very end. 'Till the next story!

-Joey J. MakathangIsip

DEBORAH

Do we really have an option when it comes to love? Kapag tinamaan ba tayo nito, makakahindi ba ba talaga tayo? Makakatalikod ka ba talaga tayo? Mapapakiusapan ba natin itong ipagbukas na lang ang lahat-lahat? Na kapag hindi ka pa handa ngayon kasi natatakot ka pa at may mga pagdadalawangisip ka pa ay puwede mo munang ipagpapaliban ito?

I don't think so. Walang sinong taong nagiging handa kapag nakilala niya na ang pagibig. That person will always encounter love in the most expected time and place. He will encounter love when he's not looking for it. He will encounter love on the times he's not prepared and that he's in the most vulnerable state. Walang sinong taong kayang tanggihan, talikuran, o iwasan ang pagibig. Dahil kung magagawa niya iyon ay marahil hindi iyon purong pagibig kundi panandalian at lumilipas lang na pakiramdam. Love will always rule us. At some point of our lives, it will completely take control of our being.

"Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Maris. I'm already on my wedding gown at pinipigilan ko ngang huwag maiyak dahil baka masira ang make-up ko. Nasa dock na kaming dalawa ni Maris ng sea port ng Davao at maya-maya pa nga nga ay dumating na maliit ngunit magarbong fairyboat na mag-hahatid sa amin sa cruise ship na ngayon ay nasa gitna ng karagatan. Attorney Lexus is already there together with our guests. Naroon na rin ang isang Pari na magkakasal sa amin. Pati na sina Mama at Papa ay naroon na rin.

"Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Akala ko tatandang dalaga ako..." sabi ko kay Maris at naiyak akong muli.

"Akala mo, ikaw lang ba? No'ng dumating sa akin si Baby Brent, hindi ko rin inakalang maging nanay ako..." Naiiyak na rin siya kaya minadali niya na akong pumanaog patungo roon sa kakaraing lang na fairy boat. "Tara na nga! Umiiyak na 'yung anak ko roon e."

Inalalayan ako ni Maris at kinuha na rin ng driver na naka-suit ang kamay ko. The white fairy boat is decorated with flowers everywhere at nang magsimula na nga itong umandar ay tumugtog na nga rin ang pianist roon roon sa cruise ship ng isang classic wedding march piece. Naka-konekta ang audio ng cruise ship sa fairyboat kung saan kami nakasakay ngayon kaya kahit malayo pa lang kami ay rinig ko na ang dagundong ng malinis na malinis na lagitik ng pianist sa ivory ng grand piano.

Habang naglalayag ang fairyboat sa walang kasing kalmado at walang kasing aliwalas na dagat, bumalik bigla sa aking isipan ko kung paano namin napagdesisyunan ni Attorney Lexus na magpakasal na agad mas madaling panahon...

"Yah? We just can't have sex every time in this conference room..." sabi ko sa kanya matapos naming mag-make-love sa loob ng conference room ng law firm ni Judge Abdul na siya ring law firm niya dati.

"Why? You hate this place? I prefer this one kaysa roon sa gitna ng pedxing..." aniya.

Tinampal ko ang braso niya.

"Yah! It hurts!" daing niya.

Tinutukso niya kasi ako roon sa kamuntikan naming pagmi-make-love sa gitna ng pedxing. Matapos kong iregalo sa kanya iyong bagong sasakyan at matapos siyang magpropose sa akin, naghalikan kami sa gitna ng daan at hindi na nga namin na-kontrol ang sarili namin at kamuntikan na talagang may nangyari sa amin sa lugar na iyon. Mabuti na lang at nakapagpigil siya't binalik niya ako sa loob law firm kung saan dito na nga namin tinuloy ang bugso ng aming mga damdamin.

"Hindi ko concern ang mga lugar. Ang concern ko, ang peace of mind nating dalawa. Hindi puwedeng patago natin itong gawin habang buhay."

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon