DEBORAH
“Ayaw mong maging lawyer ko? O sige, I will post it on social media at sasabihin kong ayaw mong pumayag dahil pinagtatanggol mo ang tatay ng girlfriend mo na isang kriminal!” sigaw ni Sarah Lim kay Attorney Lexus matapos itong tumanggi na maging lawyer niya. Punong-puno na ako sa kanya ngayon at kung hindi lang hawak-hawak ni Attorney Lexus ng mahigpit ang maga kamay ko ay baka nasugod ko na siya. Wala na akong pakialam kung nariyan ang bodyguard niya. Ang gusto ko lang ay masaktan siya ngayon. Gustong-gusto ko na siyang saktan! At naiiyak na nga lang ako sa galit dahil hindi ko iyon magawa.
“Your life is too much dependent on your social media, I wonder how it feels if all your followers will turn their back against you,” turan ni Attorney Lexus kay Sarah Lim. May hindi maipaliwanag sa ngiti nito. His aura is so dark right now na madalas ko lang nakikita kapag nasa loob siya ng trial court at kapag may mga kaharap siyang kriminal. Sarah Lim even trembles because of it. Kitang-kita ko ang panginginig ng kalamnan niya. Halos hindi niya rin maikurap ang mga pilikmata niya.
“Go ahead, post it, I won’t mind…” paghahamon ni Attorney Lexus.
Madaling kinuha ni Sarah Lim ang cellphone niya at nang akmang magfi-facebook live na nga siya ay agad siyang natigilan nang magsalita ulit si Attorney Lexus, “But you have to remember that once you’ll do it, there will be no turning back, it might become your last live video too since after that, I’m going to add more case towards the cases that I’ll be filing towards you.”
Nanigas si Sarah Lim sa sinabi ni Attorney Lexus Park… “W-w-what are you saying? You’re filing a case on me? Why? Ako ba ang naka-bangga ng rito? Lexus! Ako ang binangga ng tatay ni Deborah! Can’t you see that?
“Miss Lim, I’m really glad that you had never become my girlfriend.”“What?” Tuminis ang boses nito.
“You’re a fucking liar and I hate fucking liars…” malutong na pagmumura ni Attorney Lexus.
Mabilis akong pinagbuntunan ng galit ni Sarah Lim. “You!” Dinuro niya ako. “Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito si Attorney Lexus! He’s not like this when you came! It’s all because of you, desperate! Desperate!” giit niya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita.
“Yes, she’s desperate…” sagot ni Attorney. “My girlfriend is desperate, but she’s not desperate for her self. She’s desperate for her parents. At sabihin na nga nating desperada nga siya. But at least, she’s not a liar.”
“AAAAAH!” Sumigaw at nagwala si Sarah Lim.
“Better get another lawyer. And make sure that he’s a liar like you,” ani Attorney Lexus at mas nagwala pa iyon doon.
Pinaalis na sila ng security guard ng law firm at nang kami na nga lang ni Attorney Lexus ang natira roon ay agad niya akong niyakap ng walang kasing lakas.
“She’ll pay for this. I’m going to make sure of that, Deborah…” ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya.
***
Mabilis pa sa alas kuwatro ay agad nang nag-file si Attorney Lexus ng tatlong cases ng perjury kay Sarah Lim. He gathered all his connections in media when he filed that. He’ll represent my father too at papasakahan niya rin ng kaso ang mga pulis kasabwat ni Sarah Lim. Doon ko lang din nalaman na kaya pala hinayaan niya lang si Sarah Lim na sumumpa ng statement nito kaninang umaga ay para talagang makasuhan niya ito ng mabibigat na kaso base sa mga statement na binigay nito. With the help of more that 20 witnesses and some solid evidences, naging mas matibay pa nga mga kasong sinampa niya rito.And within just a few hours ay nagawa niyang palayain si Papa sa kulungan at nagawa niya rin namang ipadampot si Sarah Lim na noong una ay sinubukan pang tumakas. All the police involved will be investigated too at kapag napatunayan na ngang naging bias sila kay Papa ay talagang masisibak sila sa trabaho at ang mas malala pa riyan ay baka makulong din sila.
“Papa? Ayos ka lang ba?” tanong ko kay Papa noong sa wakas ay pinalaya na siya. Nasa labas pa rin kami presinto ngayon, gabi na at hinihintay na lang namin ang pagdating ni Sarah Lim at ng driver at bodyguard niya rito. Dinakip na sila ng mga pulis sa kabilang station at dito nga silang tatlo ididitena.
Nginitian ako ni Papa. Niyakap ko lang siya. Napahagulgol naman si Mama nang hinawakan niya ang mukha ni Papa. Lumapit si Papa kay Attorney Lexus pagkatapos at panay nga lang din ang pasasalamat niya rito.
“Wala po ‘yun, Papa. Wala po ‘yun,” pagpapanatag ng loob ni Attorney Lexus kay Papa. Niyakap siya ni Papa at napaiyak na lang din ako.
Bukod sa amin, may mga reporters ding nakaabang kay Sarah Lim. May mga followers turn to haters niya ring nagla-live sa iba’t-ibang social media sites. She’s trending right now as the Social Media Liar.
Hindi nga naglaon, dumating na ang isang police patrol na tangan-tangan sina Sarah Lim. Pinagkaguluhan siya ng lahat at nang makarating nga siya sa harap namin ay may kung sinong tumulak sa kanya na naging dahilan upuang mapaluhod siya sa harap naming lahat. May kung sinong tumulak din sa body guard at driver niya. Nabungo siya nito at naging dahilan nga ito para mapahalik siya sa sahig.
“Do you think I can’t get out of this?” aniya sa amin noong makatayo siya sa tulong ng mga pulis na nasa likod niya. “I have the money, the resources, the connection, and lastly, I am a Lim! Nagkamali kayo ng binggga. Nagkamali kayo!”
“That’s not going to happen. We’ll going to make sure that you won’t be able to get out of this.”
May isang babae at lalaking biglang dumating. Nasa Mid 60’s na ng mga ito at tila mayayaman. Mukhang magasawa.
“Attorney Lexus Park. We are very sorry that our spoiled daughter acted like this…” ani ng Lalaki na siya ring nagsalita kanina. “And to you Mr. Galang…” nag-bow siya sa harap ng Papa ko ng sobrang talagal kasama ng asawa niya. They have a thick Chinese accent with their English. “And to your family, we are very very sorry. We are so ashamed because of this.” Nag-bow sila sa harap naming lahat.
Panay pa rin ang flash ng mga camera sa amin.
Pinanuod lang namin ang paglalakad ng mga magulang ni Sarah Lim patungo sa kanya, at gulantang-gulantang nga kami sa sunod na ginawa ng tatay niya nang makaharap na siya nito.
“NAKAKAHIYA KA!” sigaw nito sabay sampal ng walang kasing tindi kay Sarah Lim. Naunang umalis ang tatay niyang sumampal sa kanya. Sinabunutan muna siya ng nanay niya habang umiiyak bago ito sumunod sa tatay niya.
Sarah Lim was clearly embarrassed in front of so many people. At talaga ngang bumalik sa kanya ang lahat ng ginawa niya sa Papa ko. Naawa rin ako sa kanya pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
Some people are just too evil that they deserved a hard slap of karma on their face.
Nang makapasok na si Mama at Papa sa backseat ng kotse ni Attorney Lexus, napahawak na lang ako sa kanang kamay niya. He smiled at me in return at pinaandar niya na lang ang kotse niya.
But again, believing on karma is a lazy thing. Maaring hindi ito dumating at baka umasa ka lang sa wala. That’s why there are lawyers. Lawyers are God’s people whom He’d given the authority to execute fairness when Karma is absent.
Thanks God, I have a boyfriend which is a lawyer. Thanks God!
***
BINABASA MO ANG
Attorney Lexus' Wanted Girlfriend
HumorAtty. Lexus Park is in search for a pretend girlfriend who'll help him bring back his reputation, after it was ruined by the girls he had flings with. *** Attorney Lexus Park, a star lawyer and a devilishly handsome one doesn't want to have deep and...