CHAPTER 38

1.4K 43 0
                                    

DEBORAH

"Don't worry. I can handle this one, I had make a promise to you that we'll watch a fireworks display tonight and I won't break that," iyon ang sinabi niya sa akin nang makalabas siya ng van. Gusto ko pa sana siyang pigilan pero hindi ko na nagawa nang siya na mismo ang nagsara ng pinto. Gaya ko, nagaalala at kinakabahan na rin ang mga kasama ko rito sa van. Hindi kami sigurado kung sino ba talaga ang humarang sa convoy namin at kung ano ang gusto nilang kunin sa amin.

Ang sabi ni Attorney Lexus sa amin matapos siyang tawagan ni Long ay mayroon dawng mga armadong lalaking naroon sa tapat ng unang van. Hindi na siya nagbigay pa ng iba pang detalye at inutos niya nga lang sa amin na kumalma lang at huwag mag-panic. Hindi ko maintindihan ang kabang naramdaman ko ngayon kaya't napapadasal na lang talaga ako na sana ay walang mangyaring masama sa amin lalong-lalo na kay Attorney Lexus.

Maya-maya pa, tumunog ang mga cellphone namin at sabay-sabay nga naming tinignan kung ano ang natanggap namin. It was Long's message in our group chat na nagsasabing huwag raw kaming ku-montact kahit sino o hindi kaya kumuha ng kahit anong larawan o video sa kung ano man ang nangyayari ngayon. Iyon daw ang naging utos ng leader ng mga rebelde kay Attorney Lexus na kung hindi raw namin susundin ay tiyak na mapapahamak kami.

Nanginig na ako sa takot at siguradong hindi lang ako ang nagiisa sa nararamdaman kong ito. Tahimik nga lang din ang mga kasama ko rito pero hindi maitatangging lahat kami ay nagpipigil lang na huwag ipalabas ang aming mga takot sa pamamagitan ng hindi pagiingay.

Bang!

Isang pagputok ng baril ang gumulantang sa amin maya-maya pa. Naging dahilan ito para magsiiyakan na ng iba.

Si Attorney Lexus!

Bigla ko siyang naisip kaya agad akong bumaba ng van.

"Deborah!" May nagtangka pang pumigil sa akin pero hindi niya na iyon nagawa nang sinara ko na ang pinto ng sasakyan. Nanginginig akong dumaan sa gilid at doon pa lang ay kita ko na ang iilan sa mga lalaking naka-camouflage na nakatuon ang mga mahahabang baril sa taong hindi ko pa nakikita.

Tila nadurog ang puso nang makailang hakbang pa lang ay nakita ko na si Attorney Lexus pala ang tinututukan nila ng baril.

"Attorney Lexus!" Hindi ko sadyang mapasigaw dahil sa aking labis na pagkagulat. Umalingaw-ngaw ang boses ko sa lugar na ito na kung saan ay puro niyog lang ang makikita.

Nilingon niya ako at tila ba naging mabagal ang panahon nang inakma kong lumapit sa kanya. I can see on his eyes that he's stopping me pero hindi ko iyon sinunod at talagang nilapitan ko na siya.

Sunod na bumungad sa paningin ko ang mga lalaking nasa harapan. Pito silang lahat at bukod sa mga baril ay may dala-dala rin silang mga granada at iba't-iba pang pampasabog. Nabingi ako sa sariling katahimikan nang dalawa na kami ni Attorney Lexus na tinutukan nila ng mga baril. Mabilis niya rin akong hinila papunta sa gilid niya.

"Looks like your girlfriend. Ten million for her life..." iyon ang sabi ng leader ng mga armadong lalaki. Noong una ay hindi ko pa naintindihan ang sinabi nila pero nang pinulot ni Attorney Lexus ang isang papel at tinipa sa sariling cellphone ang mga numerong naroon para pasahan ng halagang hiningi nila ay doon ko na natatanto kung ano ang nangyayari. The rebels are asking money from Attorney Lexus in exchange for my life.

Kumirot ang puso ko nang hindi man lang siya nagdalawangisip na gawin ang sinabi nila.

"Boss, successfully transferred. 50 million na lahat ang na-transfer niya," turan naman ng lalaking nasa likod ng leader.

"Now," nagsalita si Attorney Lexus. "Let my people and this girl pass through."

"Madali kaming kausap..." Naglakad sa gilid ang mga rebeldeng lalaki para bigyang daan ang tatlong van na nasa gilid namin. Iyon nga lang, nakatutok pa rin ang mga armas nila sa aming dalawa.

"Go back inside..." utos sa akin ni Attorney Lexus. Walang ekspreyon ang mukha niya.

Saglit akong nagulumihan. "P-p-paano ka?"

"I've already told you. I can handle this. And that I won't break my promise. Just go back inside."

Natanga ako sa sinabi niya.

"I SAID GO BACK INSIDE!!!!" sigaw niya sa akin.

Doon na bumuhos ang luha ko. Nang hindi pa rin ako bumabalik, tinawagan niya na si Long at Kuya Short para kunin ako mula roon. Walang kasing tindi akong naghinagpis nang dumating silang dalawa't inilayo nila ako sa kanya.

Nagsisimula pa lang kaming dalawa.

Pero bakit ganito na ang nangyayari?

"Hindi!" sigaw ko nang maipasok na ko ni Long at Kuya Short sa loob ng unang van. Nang unti-unti na itong tumakbo, naging mas matindi pa pagiyak ko. Makailang beses kong tinanaw pabalik si Attorney Lexus at ang huli ngang nakita ko ay ang biglang pagtadyak sa kanya ng mga rebelde mula sa kanyang likod. Nakita ko rin kung paano nilang tinutukan ng baril ang sentido niya nang magpumiglas ito pagkatapos tangkaing talian ng lubid ang mga kamay niya.

Panay ang paghangos ko nang makarating na kami sa airport at hindi man lang namin nagawang i-report sa pulis ang nangyari. Long and Kuya Short instructed us to go back at sila na nga ang bahala kay Attorney Lexus.

"Deborah, tumahan ka na. Magiging maayos din si Attorney Lexus..." pagpapatahan sa akin nina Angelina, Joanne at Stephanie noong nakasakay na kami ng plane na hindi ko naman magawang sundin dahil hindi ko naman talaga kaya.

This event is the kind of event in life that is just purely random. Pangyayaring hindi mo aakalaing hindi magaganap. One time, you were just so happy you could die but suddenly, that vibrant event was replace by a chaotic one. Walang nagakalang mangyayari sa amin ang bagay na ito dahil unang-una ay hindi namin ito plinano, hiningi o ginusto. At ang mahirap lang sa mga pangyayaring gaya nito ay wala kang mapapagbuntunan ng sama ng loob mo. It was not because of date, the time, or even the people involve. It was purely a circumstance, as if life, had roll the dice for us and unlucky, we got the lowest value which is one.

Natutop ko ang ang bibig ko nang mag-landing na sa wakas ang sinasakyan naming plane sa airport. We're already back. All of us are already back. Except for one person. And that is Attorney Lexus Park.

Para maibsan ang pangamba at galit na nararamdaman, mabilis kong sinisi ang sarili ko nang makauwi ako sa amin. Kung hindi lang sana ako nalasing noong gabi kung saan ko siya unang nahalikan bago pa man kami magkakilala, kung hindi lang sana ako nag-apply bilang pretend girlfriend niya, kung hindi lang sana ako sumama sa party na iyon at kung hindi lang sana ako nag-confess sa kanya ng nararamdaman ko, ay marahil hindi nangyari ang lahat ng ito. It might happen with another person in replicant of me but atleast, hindi ako ang magdudulot ng kapahamakan sa kanya.

I am a bad omen for Attorney Lexus at napatunyan ko iyon nang makita kong muli ang kinatitirikan ng bahay namin.

Ang dumpsite.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now