CHAPTER 75

1K 26 3
                                    

LEXUS

They went to Tongyeong the next day para sumakay ng cable car at nagpunta rin sila sa Suwon hindi kalaunan. Tinahak nilang dalawa ni Deborah ang mahahabang steps roon at nang matapos ay nagpunta rin sila sa Seoul Tower kung saan bumili sila ng lovelock na ini-lock nila roon sa rails kung saan may sangkatutak din ang lovelucks na galing sa iba't-ibang mga couples na nagpunta roon. Hindi nakapagisip si Deborah kung ano ang isusulat nila sa loveluck kaya si Attorney Lexus na lang ang nag-desisyon. On it, he wrote the two letters K and O na siyang endearment nila na hindi naman talaga nila ginagamit.

When four pm comes, nag-prepare na sila for Black Pink's concert at kompletonng-kompleto nga si Attorney Lexus sa kung ano ang mga dadalhin niya. Light stick, LED banners, at matching shirts nilang dalawa ni Deborah na may naka-print na mukha ng BP members. By five PM, nakarating na sila sa venue at by six, nagsimula na nga ang concert.

Nang lumabas na ang BP members pagkatapos ng interlude, wagas ang naging hiyaw ni Attorney Lexus at inis na inis nga sa kanya si Deborah dahil siya lang 'yung katangi-tanging lalaki na nasa VIP lane ang wagas kung maka-cheer. Naiyak pa si Attorney Lexus nang kinanta na nila ang pinakaborito niyang lead single nila. Ang Kill This Love.

"Come here..." Gulantang na gulantang si Attorney Lexus nang bigla siyang pinaakyat ni Lisa sa stage.

"Yah!" Biglang sita sa kanya ni Deborah pero wala rin naman itong nagawa nang sa wakas ay makatungtong na siya roon.

Pinalibutan siya ng BP members, kinantahan at sinayawan ng sexy. Maya-maya pa, tinanggalan siya ng shirt ni Lisa at nang tumambad ang mapipintog niyang abs at muscles sa buong audience, naghiwayan ang lahat.

"Yah!" Rinig niya ang galit ni Deborah sa crowd pero hindi niya ito pinansin dahil star-struck na star-struck talaga siya sa sandaling ito. Habang nag-ra-rap si Lisa at nasa backdrop naman ang ibang members ng BP, bigla nitong dinusdos ang sariling kamay sa abs niya.

Kilig na kilig si Attorney Lexus sa ginawa ni Lisa sa kanya. Iyon nga lang, biglang nawala ang kalasingan niya nang agad-agad na umakyat si Deborah sa stage para sabunutan si Lisa.

"Hajima! Hajima!" tili ni Lisa dahil sa tindi ng pagkakasabunot ni Deborah sa kanya.

"Yah! Deborah!" Pumagitna si Attorney Lexus pero ang ending, nasali na rin lang siya sa pansasabunot ni Deborah.

Huminto ang music. Nagkagulo ang crowd. Pinalayas silang dalawa ni Deborah sa venue.

"Yah? Why do you have to do that?" may sama ng loob na tanong ni Attorney Lexus noong pabalik na sila ng parking lot. Hindi siya sinagot ni Deborah at pumasok na lang ito ng kotse niya.

"Huwag mo akong susundan!" banta nito.

"Paano kitang hindi susundan e nasa loob ka ng kotse ko?"

Lumabas itong bigla. "Pumunta ka sa Lisa mo, 'yun na lang ang jowain mo."

<*TUKO!*> <*TUKO!*>

***

Friday, which is their last day here in Seoul, sa wakas, kumalma na si Deborah at mas gumanda pa nga ang mood nito nang magpunta sila sa Banpo Bridge Park. Malamig ang simoy ng hangin doon at maganda ang view kaya bukod sa pagpi-picture ay nakapagusap din sila ng maayos.

"Attorney Lexus, Park?" tanong ni Deborah sa kanya habang pareho silang nakatitig sa mga malalaking haligi ng Banpo Bridge.

"Hmm?" responde niya rito. Naka-akbay siya kay Deborah.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now