CHAPTER 40

1.4K 49 6
                                    

DEBORAH

8 PM. Nakahiga lang ako sa banig ko at hindi ko alam ang gagawin. I am still crying at hindi ko rin magawang kumain ng kahit ano. Paulit-ulit na binabagabag ang puso ko kakaisip kung ano na ang nangyari sa kanya. Ayos lang ba siya? Pinalaya na ba siya? Nakauwi na ba siya? Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero hindi na nagri-ring ang phone niya. Kahit si Long at Kuya Short ay hindi rin nag-u-update sa akin ng kung ano na nangyari sa kanya. Pero sino naman ako 'di ba para maging sobrang concern pa sa kanya? I'm not even his real girlfriend kaya wala talaga akong karapatang mangialam sa kanya. Pero bakit ganito? Bakit kahit anong pagmamakaawa ko sa puso ko, hindi ko pa rin ito mapigilang 'wag nang magaalala sa kanya?

9 PM. Mas naging matindi ang pagiyak ko nang wala pa rin akong matanggap na kahit anong balita sa kanya. Kahit ang mga empleyado niya sa group chat namin ay wala pa ring kamuwang-muwang sa kung ano na ang status niiya ngayon. Hindi ko na rin talaga matiis ang sarili kong hindi magsumbong sa mga pulis pero sa huli ay pinigilan ko rin naman din ang sarili ko dahil iyon ang utos ni Long sa amin. At natatakot din akong mas mapapalala ko pa ang kalagayan niya sa gagawin ko. Kaya sa huli, pagiyak na lang talaga ang nagawa ko.

10 PM, lumabas ako ng bahay at sinigaw na nga lang sa bundok ng basura ang lahat ng galit ko. Walang nakarinig sa akin na kahit sino pero hindi ko maitatangging nakatulong iyon sa pagaalala ko sa kaya. Minura ko na ang kahit sino dala ng sama ng loob ko. Ang hangin, ang araw, ang dagat. Lahat-lahat! Pati na ang mga rebeldeng dumakip sa kanya.

"SANA MAPUTULAN KAYO LAHAT NG TITI! YAAAAAAH!" inis na inis na sigaw ko habang umiiyak.

11 PM. Tinapangan ko ang sarili ko. Hindi ako dapat maging marupok. Alam kong wala akong mapapala kung maghihinagpis lang ako kaya tinigilan ko na ang pagi-iyak ko, inayos na ang sarili, nagbihis at lumabas na ng bahay.

"Munuod kami ng fireworks display. Iyon ang sabi niya kaya alam kong tutuparin niya iyon," utas ko sa sarili ko nang makarating na sa highway para maghintay na ng masasakyan. Iyon nga lang, naiyak ako ulit dahil habang naghihintay ako roon ay naalala kong iyong kinatatayuan ko pala ay ang mismong spot kung niya pi-nark ang sasakyan niya buong gabi noong mismong araw bago kami nagpunta sa Boracay. Kahit tinanggi niyang hindi siya nanatili magdamag sa tapat ng dumpsite ayaw ko pa rin siyang paniwalaan. Sa ilang araw na nakasama ko siya, nakita kong palagi niyang tinatanggi ang mga magagandang bagay na ginawa niya mapagaan lang ang loob ng kausap. Kaya kailangan niya pa talagang bumalik para ipaalam niya sa akin kung bakit nag-overnight camping siya sa spot na ito sa gabing iyon.

"ATTORNEY LEXUS PARK, ANG BOBO MO TALAGA!" sigaw ko sa ere nang maalala ko ang bagay na iyon. Iyon din pala ang mismong gabi kung saan nag-confess ako sa kanya through text.

May dumating ng jeep, sumakay ako roon at hindi nga naglaon ay nagpahinto ako sa tapat ng law firm niya. Wala ng katao-tao roon kaya nagawa kong umiiyak ng pagkalakas-lakas.

"PAANO NA LANG 'TONG LAW FIRM MO? ANG TANGA-TANGA MO TALAGA! ANG TANGA-TANGA MO!" sigaw ko habang sinisipa-sipa ang glass wall ng law firm niya.

Pagkaaalis ko roon ay nahinto na naman akong muli sa gitna pedxing kung saan ko siya unang nakatagpo. Iyong mismong gabi na nalasing ako, hindi pa kami magkakilala, pula ang traffic light at hinalikan ko siya sa labi niya.

"SANA MAPUTULAN KA NG TITI! SANA MAPUTULAN KA NG TITI! SANA MAPUTULAN KA NG TITI! SANA MAPUTULAN KA NG TITIIIII! YAAAAH!" sigaw ko at napahinuhod na lang matapos kong mapahagulgol.

Nang makarating ako sa Marcelo Green, iyong mismong subdivision kung saan naroon ang bahay niya ay umiiyak pa rin ako pero wala na halos lumalabas na luha sa mga mata ko. Paos na paos na rin ako at halos wala na akong lakas. Himala na nga rin lang nang makarating pa ako sa tapat ng bahay niya. Hindi na rin ako talaga ako nakausap ng maayos ng driver na naghatid sa akin rito.

Naghintay ko roon ng mahigit kalahating oras at halos mawalan na nga ako ng pag-asa ng sampong minuto na lang ay magpapasko na.

11:52 PM. Napatingin ako sa cellphone ko at ganoon pa rin. Wala pa ring nagbabalita kung ano na ang nagyari sa kanya.

11:54 PM. Paikot-ikot akong naglakad ng bahay niya. Hindi ko alam kung makailang beses ko iyong naikot pero ang alam ko, naiyak akong muli ng dumating ang 11:56 PM.

Four minutes. Four minutes. Ayaw ko mang magisip ng masama pero siguradong kapag hindi pa siya dumating sa loob ng panahong iyon ay isa lang ang ibig sabihin. May nangyaring masama sa kanya.

11:57 PM. Tumayo ako sa tapat ng gate niya. Hinipan ko ang mga kamay ko dala ng panlalamig.

11:58 PM. May lumapit sa aking Lola na kapitbahay yata ni Attorney Lexus na nagbigay sa akin ng lata ng Bonakid na may lamang oranges. Tinanong niya sa akin kung nasaan na raw ba si Attorney Lexus ay imbes na makasagot ay naiyak lang ako. Umalis naman siya agad matapos subukang pagaanin ang loob ko.

11:59 May silhouette ng lalaki na palapit sa direksyon ko at panigurado akong guard iyon ng subdivision na sisitahin na ako kung ano ang ginagawa ko rito.

30 seconds. Wala na. Pinanghinaan na ako ng loob.

20 seconds. Pero gusto ko pa ring magbasakali.

10 seconds. May mga advance nang naghihiwayan sa mga bahay-bahay. Mas lalo akong nalugmok. Panay na rin ang pagpiyok ko habang umiiyak.

5 seconds. May narinig akong footsteps na naglalakd patungo sa akin.

3 seconds. May huminto sa harap ko.

2 seconds. Tinignan ko kung sino.

"Merry Christmas," ani ng taong nasa harap ko. Maraming pasa sa mukha niya at naka-triangular bondage ang kanang braso niya. Madungis ang katawan niya pero alam kong siya iyon. Alam kong siya iyon.

Kasabay ng pagbati niya sa akin ay sumabog ang napakarami at makukulay na fireworks sa likod niya. At imbes na yakapin ko siya ay ngumawa lang ako sa harap niya. At iyon nga lang din ang ginawa ko sa buong pagkakataong sumasabog ang napakagandang mga fireworks sa paligid namin. At iyon lang din ang ginawa niya sa buong pagkakataong nangyayari iyon. Ang titigan ako imbes na pagmasdan ang mga magagandang fireworks sa paligid.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now