CHAPTER 32

1.7K 61 12
                                    

DEBORAH

"Hindi ko rin alam, Deborah. Hindi ko rin alam," sagot niya sa akin at tinabihan ko lang siya dahil doon. This has been our worse argument ever at hindi ko lang sinasadyang maging emosyonal sa pagtatalo naming ito. Makailang beses akong nadurog sa mga sinabi niya sa akin pero sa kabila ng lahat ng iyon ay gusto ko pa rin siyang intindihin. He carries something heavy on his shoulders at gusto ko na sa mga pagkakataong kasama ko pa rin siya ay matulungan ko siyang maibsan ang kung ano mang nagpapahirap sa kanya.

Noong nakatabi ko na siya ay napalingon ako sa kanya at gulantang na gulantang nga ako ng makita kong umiiyak din siya.

"Paanong hindi mo alam..." Sinubukan kong magsalita. Namamaos pa rin ang boses ko. "Ikaw ang may dala-dala sa sarili mo kaya dapat alam mo," dagdag ko.

"You're really a dork, aren't you?" tanong niya. "If I really know, I would have take an action towards it immediately."

"Alam kong alam mo..." sagot ko sa kanya. "Pero nagbubulagbulagan ka lang. Masakit ang katotohanan kaya ayaw mo itong harapin. Kung hanggang ngayon, nasasaktan ka pa rin sa pagkawala ng mga magulang mo, bakit pinipigilan mo ang sarili mong makaramdam ng sakit? Bakit mo pinipigilan ang sarili mong magalit? Bakit pinipigilan mo ang sarili mong matakot?"

"I'm not..." pagtanggi niya. "In fact, I'm always hurting. I'm always angry. And I'm always afraid."

"Pero 'yung sakit, galit at takot mo, sa maling paraan mo pinapalabas," sagot ko sa kanya. "Sa ibang tao mo lahat tinatapon ang sama ng loob mo at nagiging unfair ka na sa kanila!" Naiiyak na naman ako.

"That's why I want to be alone, so I wouldn't be able to hurt anyone."

Ayan na naman siya! Ayan na naman!

Pinahiran ko ang mga luha ako. "Yah! Hindi mo ako naiintindihan."

"Hindi mo rin ako naiintindihan, Deborah..."

"Bakit hindi?" Tumaas ang boses ko. "Sobrang talino at sobrang perpekto mo na ba talaga para hindi kita maunawan?" Napahagulgol ako. "Bakit? Alien ka ba? Bakit? Ikaw na ba ang susunod na Jesus Christ? Ha? Ha? Ha?"

"Tsk... you're so noisy."

"Ang punto ko lang naman, maging sincere ka sa sarili mo! Kapag nasasaktan, nagagalit, o natatakot ka, aminin mo! Hindi 'yung pinapasa mo 'yung sakit sa iba!"

"If I'm going to be soft, no one would respect me."

Nanghina ako bigla sa sinabi niya. Sa tuhod ko, doon na lang ako umiyak.

"Come on, why are you so concern for me?" Tumawa siya ng mapait. "When in fact, after this pretend relationship of ours, it seems like you don't even have plans to see me again."

Naisip ko ulit 'yung nasa contract na bawal ko na siyang kitain kapag natapos na ang pretend relationship namin. Iyon ang dahilan ko.

"E ikaw ba?" tanong ko sa kanya. "May plano ka bang kitain ako ulit pagkatapos nating maghiwalay? Wala naman 'di ba? Gusto ko mo nga akong mag-law-school para maging busy na ako't hindi mo na ako makita."

Lumingon siya sa akin.

Nagkatitigan kami.

Kumabog ang puso ko ng pagkalakas-lakas.

Maya-maya pa, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

"Ginagawa mo?" tanong ko. Pumiyok-piyok pa rin ako dahil sa pag-iyak ko.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now