Prologue

114 3 0
                                    

Prologue

Hindi ko na alam kong saan ako dinala ng mga lalaking ito. Basta ang tanging nakikita ko lang ay mga puno. Ano to? Nasa gubat ba kami? Ang sabi nila Mommy at Daddy ay nakakuha daw ako ng full scholarship sa isang paaralan. Ano bang klaseng paaralan ito? Nasa gitna ng gubat.

Eh okay naman ako sa dating paaralan ko eh. Tsaka hindi naman kami kapos sa pera ah. Hindi naman kami ganun ka yaman. Simple lang din kami. Pero ewan ko talaga kung bakit ako pinalipat ng paaralan nina Mom at Dad. Ang naka weird pa parang namamaalam sila nung paalis na ako. I mean, natural aalis na ako eh edi magpapaalam talaga sila pero kakaiba kasi ang nasa mga mata nila eh. Isa pa pinadala nila lahat ng gamit ko. Yung totoo mag aaral ba talaga ako o lalayas? O baka naman. . . Hay nako! Ewan ko ba guni guni ko lang siguro yon.

Ilang oras pa ang nagdaan hanggang sa may nakita akong istraktura sa di kalayuan. Napakalaki ng building na iyon. Ay teka, building pa ba ang matatawag nito? Parang kastilo na ito dahil sa laki eh.

Ano ba talaga ang balak nila Mommy at Daddy? Ang weird lang nila noong paalis na ako eh. Tsaka parang may kakaiba akong naramdaman sa lugar. Parang nararamdaman ko na parang belong ako. Feel ko safe ako, i feel like I'm home. Ewan basta di ko ma explain.

Pumasok ang sasakyan sa isang malaking gold gate. Binasa ko ang nakasulat sa ibabaw nito.

'Welcome to Immortal High'

Wait what?!

Tama ba yung pagkakabasa ko? Teka, ano ba talaga tong lugar na to? Immortal? Ang cool pakinggan at the same time ang creepy.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking pintuan ng kastilo-este paaralan. Kaloka talaga, hindi talaga ako makapaniwala na paaralan ito.

Lumabas ako ng sasakyan at namangha sa paligid. Napakatahimik ng paligid, siguro nasa kanya kanyang klase pa ang mga studyante.

Sa kaliwang banda ko ay ang hardin nila na may mga benches. At talagang masarap tambayan ito dahil sa mga bulaklak na nakapaligid. Sa kanang bahagi ko naman ay may mga puno na may mga benches din.

"This way po, Miss Hermosa." Sabi ng driver.

Pinangunahan niya ako sa pag akyat ng hagdan hanggang sa biglang bumukas ang malaking pinto at bumungad sa akin ang napakalaking chandelier. Napanganga ako sa ganda ng paligid.

'Takte! Paaralan ba talaga ito?'

Ang lawak ng paligid, pero napakatahimik. Walang ka tao tao. Nagpatuloy sa paglakad si Mamang Driver kaya sumunod nalang ako sa kanya. Umakyat na naman siya sa isang napaka engradeng hagdan. Parang palasyo na talaga to. Lumiko siya sa kanan at sumunod naman ako. May nadaanan kaming mga rooms na may nga studyante sa loob. Nagkaklase sila. Lumiko na naman ang lalaki sa panibagong hallway.

Siguro kong ako lang mag isa mawawala ako sa lugar na to. Hanggang sa mas lumiwanag pa ang hallway. May mga paintings din sa mga pader. At hindi lang basta bastang painting ito. Mukhang picture ito ng mga importanteng tao sa paaralan na ito.

May nakita na akong malaking brown na pinto sa dulo ng hallway. Habang papalapit kami, tinitingnan ko din ang mga pictures sa pader na nadadaanan namin. Nasa tapat na kami ng pinto ng natigilan ako sa nakita ko.

'Bakit andito ang family picture nina Dad?'

Nandon sina Lola at Lolo sa picture at ang mga kapatid ni Dad. Serysoso ang mga mukha nila, walang nakangiti. Tinitigan ko si Dad, malayong malayo sa Dad ko na palabiro. Sa ibaba ng frame ay may nakaukit na 'Familia Hermosa'.

Hahakbang na sana ako nang may nakita na naman akong panibagong family picture.

'Family picture nina Mom.'

Katulad ng kina Dad, nandon din sina Nana at Dada. At ang nakababatang kapatid ni Mom na si Uncle Merv. Seryoso din ang mga tingin nila. Nakakatakot tignan, lalo na si Mom. Oo, strict si Mommy pero kakaiba kasi ang mga tingin niya. At gaya ng kina Dad, may nakaukit din sa baba: 'Familia Monte Falcon'.

Nakakapagtataka lang kung bakit andito ang mga family pictures nina Dad at Mom. Natauhan ako nang kinalabit ako ni Mamang Driver. Nakabukas na ang pinto.

"Pinapapasok na po kayo ni Madame Jerone."

Bigla akong kinabahan. Kung kanina lang parang positive vibes lang ang nararamdaman ko. Pero ngayon. . . Hay nako!

Pumasok na ako at umupo sa tapat ng lamesa. Asan na ba siya? Nilinga ko ang paningin ko sa paligid. Medyo na creepyhan ako sa silid na ito. May mga bote ng red wine na nakalagay sa isang cabinet. May mini library din.

Nagulat nalang ako ng biglang umikot ang swivel chair pala itong nasa harap ko at bumungad sa akin ang isang babaeng may violet na lipstick. Nakangiti siya sa kin pero ramdam ko ang otoridad sa mga mata niya.

"Welcome to Immortal High miss Khyrel Akii Hermosa."

Parang kinalabutan ako nang binanggit niya ang buong pangalan ko.

"I'm madame Jerone Claverio, the principal of this school."

"Uhmmm, madame pwede po bang magtanong?"

"You're already asking me, miss Hermosa." Ay takte! Napaka! Hay nako!

"A-ah hehe, uhmmm matanong ko lang kung bakit yun ang pangalan ng school?"

"Hmmm, parang hindi pa nasabi ng mga magulang mo. Ito talagang si Akira. Iha, I think it's for you to find out."

Eh?

"Find out what madame?"

"It's for you to find out what you are and who you are."

What am I? Who am I?

Ano ba talaga ako? Syempre tao, pero parang may kakaibang nangyayari sa akin eh. Hindi ko mawari.

Sino ako? Ako lang naman po si Khyrel Akii Monte Falcon Hermosa. Anak nina Khyber Hermosa at Akira Monte Falcon. Pero parang may nagsasabi sa kalooban ko na, there's something more than who I am right now. Charot! Pero ewan ko talaga.

I just hope na maayos ang pag stay ko dito sa school na ito.

**************

-D A N G S T E R X X🥀

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now