Chapter 1: So Weird

34 2 0
                                    

Khyrel's POV

1 week earlier...

"Mom Dad papasok na po ako sa school." Paalam ko sa kanila.

Lumapit ako kay Mom at humalik sa pisngi niya, ganon din kay Dad.

"Mag ingat ka okay?" Paalala ni Mom.

"Wag kang gagawa ng kalokohan anak." Sambit ni Dad.

"I won't Dad, bye na po baka ma-late po ako."

"Sige anak." Si mommy.

"Goodbye sa aking dalagingding." Natawa nalang ako sa sinabi ni Dad.

Si Dad talaga kahit kailan loko loko HAHAHAHAHA!

Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang school. Malapit lang din naman ang bahay namin sa school ko eh.

Habang naglalakad ako, may nararamdaman ako na parang may sumusunod sa akin. Nilingon ko sa likod pero wala namang tao.

Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pero may narinig akong kakaiba. Pero parang ang lapit lang sa tenga ko.

Swoooshh!

Bigla akong napalingon sa likod ko. Ano yon? Parang hangin eh, parang may dumaan pero imposible naman na hangin lang yon. Eh ang bilis kaya. Alangan namang tornado yon, kaloka na talaga.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa nakarating ako sa school. Marami rami ng studyante pagdating ko. Dumiretso ako sa locker para ilagay muna ang mga aklat ko na mamayang afternoon pa gagamitin.

Pagkatapos non ay naglakad na ako patungong room. Pero hindi parin ako tinantanan ng kakaibang nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko may nagmamasid sa akin.

Nang makapasok na ako ay kasunod ko lang ding pumasok ang prof namin kaya agad kaming nagsimula ng klase.

***

Lunchbreak na namin at pababa na ako papuntang canteen. Kasama ko ang one and only friend ko dito sa school na to, si Charlotte. Hindi naman kasi ako sociable kagaya ng babaeng ito eh. Mahiyain ako—nung una. Pero kapag naging close na tayo, sinasabi ko sayo, masisira future mo. Hehe.

"Ses, cr muna ako." Paalam ko sa kanya.

"Sige, wag kang magtatagal ah, ako nalang oorder para sayo."

"Sige ses, salamat." Ang bait talaga ng bruhang yon.

Naglakad na ako papuntang girl's comfort room. At ayun na naman po ang pakiramdam ko na may nakatingin at sumusunod sa akin.

Nang makapasok na ako sa cr, naghugas ako ng kamay at huminga ng malalim. Pinikit ko ang mga mata ko at ayun na naman ang kakaibang mga tunog na naririnig ko.

Gaya ng mga tunog ng ibon, eh wala namang puno dito sa school kong meron man malayong malayo pa yon. Pero siguro naman may dumaan lang na ibon. Meron din akong naririnig na mga tao na nag uusap habang kumakain. Eh syempre sa canteen yun. Pero nakakapagtataka lang dahil malayo layo din ang canteen dito sa girl's cr. Ano bang nangyayari sa akin?

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa salamin. Pero napaatras ako agad nang nakita kong nag iba ang kulay ng mga mata ko. Naging violet sila na parang gem ang kintab na hindi ko mawari. Pero ang ganda tignan. Pero nakakakilabot, hindi naman ako nag contact lens ah.

Nagulat nalang ako ng biglang nawala ang violet sa mata ko at bumalik ang kulay black kong mga mata. Ano bang nangyari? Baka guni guni ko na naman yun? Ano ka ba kasi Akii, kung ano ano kasi pinapanood mong palabas eh.

Immortal High: A Bloody LoveWhere stories live. Discover now